Napiling magpahinga at magbakasyon ng Epilogue pansamantala sa townhouse ni Tennessee rito sa Quezon Province matapos ang advance birthday concert nila para kay Vien. Ilang araw na lang rin ay babalik na ulit sila ng Manila para ipagpatuloy ang kanilang career bilang isang P-Pop boygroup. Isang buwan na ang nakalilipas matapos umamin sa akin ni Tennessee na gusto niya rin pala ako at nang mamatay si Daren. “Tama na, Tennessee,” sabi ko. “Kinikilig na ako.” Saglit na napatitig sa akin si Tennessee matapos kong sabihin iyon. Agad rin naman niyang binawi ang kaniyang kamay saka tumalikod sa akin. Nagulat siguro siya sa aking sinabi. “A-ano na namang sinasabi mo? Ano’ng nakakakilig? Naiihi ka ba?” tanong niya habang nakatalikod pa rin sa akin. “Baka nakakalimutan mong fan ninyo ako?” sago

