“My plan last night was to confess everything to you, Dasura pero mas nauna ang galit ko. I even hurt you.” He really broke down at napaluhod pa siya sa harapan naming lahat. Parang kagabi lang, halos isuka niya ako tapos ngayon, ang bilis niyang binawi ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kaya tanging pagluha lamang ang tangi kong nagawa. “I’m sorry. Sana maintindihan mo ako, Dasura. Please give me another chance.” Pero lumipas ang isang buwan, tanging kapatawaran lang ang naibigay ko kay Kyo. I fell out of love. Hindi ko na kaya pang suklian ang pagmamahal niya sa akin dahil everytime na kasama ko siya, si Tennessee ang hinahanap ko. Everytime na tumatawa ako habang kasama si Kyo, nakikita ko naman kung gaano kalungkot si Tennessee. Nawalan ako ng communication sa

