Chapter 9

1333 Words
Ilang araw na rin ang nakalilipas nang mangyari ang hindi naman dapat mangyari. Napakagat-labi ako. Even misfortunes could happen in a very unexpected way in anytime. Hindi naman siguro destiny na makita ko na ang lahat kay Tennessee, ‘di ba? Kahit naman hindi iyon ang unang beses na nakakita ako ng isang h***d na lalaki—ang ibig kong sabihin ay dahil sa internet pero iba pa rin na si Tennessee ng Epilogue ang nakitaan ko niyon! Pero kahit nangyari iyon, bakit parang wala lang naman sa kaniya? Ahh! Bakit ako? Makakakita rin naman siya nito kapag nag-asawa na siya. Malay n’yo, ako rin pala ang lalaking mapapangasawa niya e ‘di advance. Makakakita rin naman siya nito kapag nag-asawa na siya. Malay n’yo, ako rin pala ang lalaking mapapangasawa niya e ‘di advance. Makakakita rin naman siya nito kapag nag-asawa na siya. Malay n’yo, ako rin pala ang lalaking mapapangasawa niya e ‘di advance. Bigla tuloy akong nailang nang bahagya dahil doon pero si Tennessee? Matibay. Hay! “Dasura?” Bumalik ako sa aking huwisyo nang sundutin ni Denmark ang aking pisngi. “Ha?” “Ang cute mo,” natatawa niyang sabi. “Bakit ba tulala ka?” “Wala naman,” maikling tugon ko saka ngumiti. “May sinasabi ka ba?” “Alam ko na!” bulalas niya. Napamulat ako lalo sa lakas ng boses niya. “Ha?” “Iniisip mo ang crush mo ‘no?” Crush? Natawa ako sa kaniyang sinabi ngunit tumango rin ako kalaunan. “Siguro tama ka,” sagot ko sa kaniya. “Kayong Epilogue.” “Charismatic si Tennessee pero sadyang habulin rin ng mga puso itong si Denmark,” biglang sabi ni Vien. “Ikaw Dasura? Sino sa dalawa ang crush mo? Si Denmark o si Tennessee?” “Ha? Teka, wala namang ganyanan,” natataranta kong sagot. Napakamot pa ako sa aking ulo dahil sa biglang tanong na iyon. Pasimple kong sinulyapan si Tennessee na walang kamalay-malay sa pinag-uusapan namin. Hindi rin nagtagal ay agad na bumalik ang tingin ko kay Denmark dahil sa kaniyang sinabi. “Malamang si Tennessee,” sabi ni Denmark saka niya ako binigyan ng isang mapang-asar na ngiti. Nang muli akong napalingon kay Tennessee ay nakita kong nakatingin na ito sa gawi namin. Agad ko namang iniwasan ang tingin niyang iyon. “Teka, ano ba’ng sinasabi mo, Denmark? Wala naman akong sinabing pangalan,” patay-malisyang sagot ko saka napalunok. “Sus! Crush mo si Tennessee, ‘no?” pang-aasar pa niya. Pasalamat na nga lamang ako nang biglang dumating si Quinn. Sinimangutan ko na lamang si Denmark pagkatapos ngunit tanging bungisngis lang niya ang nakuha kong tugon. Tennessee or Denmark? Hay! “Guys,” biglang tawag ni Quinn na nakatitig pa sa kaniyang telepono habang papalapit sa amin. Narito na nga ulit ako sa bahay nila, tumatambay habang hindi pa oras para pumasok sa aking trabaho. Palagi rin kasi akong tinatawag ni Denmark kaya sino ba’ng makakatanggi roon? “Ano ‘yon Quinn?” tanong naman ni Wolf. “May usong laro at gusto ko sanang i-try tutal may babae naman tayong kasama. Si Dasura ang twist.” “Ha? Bakit ako ang twist?” usisa ko. “Ano ba’ng laro?” “Kiss marry kill.” “Ang corny,” biglang sabi ni Tennessee sabay inom ng juice. Ngayon na lamang siya nagsalita, ganoon pa ang lumabas sa bibig niya. “Corny? Halika rito. Sumali ka,” sabi naman ni Denmark. Pagkatapos ipaliwanag ni Quinn ang mechanics ng game ay sinimulan na namin ang laro. Kailangan lang pumili ng dalawang kill, dalawang kiss, at isang marry. Ako ang huling maglalaro. “Kill sina Vien at Quinn, kiss siguro ay si Wolf at,” tumingin sa akin si Denmark, “Dasura. Syempre, marry si Tennessee.” Kinilig na naman ako kay Denmark kahit ang masungit na si Tennessee ang gusto niyang pakasalan. Who wouldn’t feel thrilled over him if he was smiling in front of me from ear to ear? “Ang sakit naman. Papatayin mo talaga ako?” kunwaring naiiyak na sabi ni Vien kay Denmark. “Sorry kamahalan,” natatawang sabi pa ni Denmark. “Si Tennessee na,” sambit ni Quinn saka nilingon si Tennessee na abala sa kaniyang telepono. “Kasali na naman ako?” tanong niya nang hindi man lamang iniaangat ang kaniyang ulo. “Huwag ka ngang KJ, Tennessee! Dali na!” pagpipilit naman ni Vien. Ilang pilit pa ay nakumbinsi rin siya. Pag-angat ng kaniyang ulo upang tingnan kaming lahat ay dire-diretso siyang nagsalita. Sabi niya, “Kill sina Wolf at Vien, kiss sina Denmark at Quinn, at marry si,” tiningnan ako ni Tennessee dahilan para pakabugin na naman niyon nang malakas ang aking dibdib, “Dasura. Okay na?” “Bakit ba gusto ninyo akong patayin? Akala ko ba mahal ninyo ako?” reklamo ulit ni Vien na nakapagpatawa sa kanila. Si Tennessee kasi ay muling ibinalik ang kaniyang atensyon sa kaniyang telepono, samantalang ako ay naiwang nakanganga dahil sa kaniyang sinabi. “Huwag ka nang magreklamo, Vien. Ako nga oh, hanggang kiss lang ni Tennessee samantalang handa akong pakasalan siya kahit bawal,” tonong nagtatampong sabi naman ni Denmark. “Mahal ko si Tennessee at hindi ko inakalang gusto lang pala niya akong patayin,” nanlulumong sabi ni Wolf habang naiiling. Nagpuslit naman ng mahinang pagtawa si Vien dahil doon. “Ano ba kayo? Laro lang naman ‘to,” naiilang kong sabi. “Pero bakit si Dasura, Tennessee?” usisa bigla ni Quinn. Kinakabahan ako. “Oo nga. Bakit si Dasura ang marry?” tanong rin ni Denmark. Dahil sa pag-uusisa nila sa isinagot ni Tennessee ay hindi ko napigilang hindi dagain sa dibdib. “Simple lang,” aniya sabay tingin sa akin. “Laro o hindi, babae ang gusto kong pakasalan. Isa pa, gusto kong magkaanak kaya paano ako magkakaroon ng anak kung isa sa inyong mga lalaki ang pipiliin ko?” “Pwede naman tayong mag-ampon Tennessee,” sabi ni Denmark pero hindi na siya pinansin pa ni Tennessee. “Ayaw n’ya, Denmark. Sorry ka na lang,” pang-aalaska ni Vien kaya’t nalukot ang mukha ni Denmark. “Napakaseryoso talaga ni Tennessee,” komento ni Quinn sabay iling. Ano ba’ng elemento ang sumapi kay Tennessee? Bakit siya gano’n? Bakit niya ako pinahihirapan at pinag-iisip ng kung anu-ano? “Heto na. Si Dasura na ang kasunod,” sambit ni Quinn. “Oh, Dasura. Ikaw na,” segunda ni Denmark kaya napangiwi ako. “Kasali ba talaga ako?” tanong ko. “Syempre,” sagot ni Vien. “Para ka namang si Tennessee, e.” “Sige na nga.” Bago ko sabihin ang aking sagot ay napalingon ako kay Tennessee na patuloy pa rin sa paglalaro ng kaniyang telepono. Bumuntong-hininga ako saka ko sinabing, “Ang kill ay sina Vien at Quinn, kiss naman sina Wolf at,” tumingin ako sa nakangiting si Denmark saka kay Tennessee, “si Denmark.” “Gusto mo akong halikan, Dasura?” tanong ni Denmark na tila tuwang-tuwa sa sagot ko. “Laro lang ‘to, Denmark,” natatawa kong sabi sa kaniya. “Sabi ko nga,” nakangusong sabi pa niya mahina akong natawa. “Pati ba naman ikaw, Dasura?” Napalingon ako kay Vien nang marinig ko ang parang naiiyak niyang boses. “Papatayin mo rin ako?” nagdadabog na sabi pa niya sa akin kaya bahagya pa akong natawa. “Sorry.” “Ano ba’ng ginawa ko?” kunwari’y naiiyak na dagdag pa niya. Tinapik na lamang siya ni Wolf sa kaniyang balikat saka tinawanan. “So si Tennessee ang marry mo?” tanong ni Denmark na nakapagpatigil kay Tennessee mula sa pag-inom nito ng juice. Tuluyan na ngang napatingin sa akin si Tennessee nang sabihin kong, “Oo. Si Tennessee ang pakakasalan ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD