Chapter 8

1005 Words
“Dasura...” Dahilan iyon para kumabog na naman nang malakas ang aking dibdib. Letse talaga! Bakit ba ako kinakabahan sa kaniya? Dahan-dahan ay nilingon ko siya. “Happy birthday ulit,” sabi niya, “kahit late na.” Mariin akong tinakluban ng unan ang aking mukha dahil kilig na hindi ko maitago sa aking sarili. Siya pa rin si Tennessee ng sikat ng Pinoy Pop group kahit ang sungit niya sa akin. “Bakit ba pareho sila?” naibulong ko na lamang sa aking sarili nang maalala ko kung gaano sila nagkakapareho ni Kyo. “Sino?” “Ha?” Pagtunghay ng aking ulo ay hindi ko na namalayang nakaharap na pala sa akin si Tennessee at nakatingin. “Sino’ng kapareho ko?” ulit niya. Agad akong napatakip sa aking bibig nang mapagtanto kong narinig pala niya ang aking sinabi. Umiling ako pagkatapos. “I couldn’t be the same with any person you’re talking. Kung sino man ang sinasabi mo, hindi kami pareho,” aniya. Tumihaya ako nang maalala ko iyon saka pumikit. “Tss. Ang sungit,” bulong ko. “Para iyon lang e. Kaya siguro hindi siya pinagpapala sa height dahil sa kasungitan niya.” Napabungisngis ako sa sarili kong sinabi bago tuluyang nakatulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dahil maaga pa para pumasok sa trabaho ay naisip kong silipin ang Epilogue. Dreams and wishes might be granted in an unexpected way any in anytime. Parang ang pagtatagpo ng landas namin ng Epilogue. Ngumiti ako saka nagtuloy-tuloy sa paglalakad patungo sa bahay nila. Tahimik pa roon, ni wala akong boses na naririnig. Kakatok pa lang sana ako sa pinto nang makita kong bukas na pala ito. “May gising na kaya o baka hindi ba nag-lock ng pinto kagabi si Tennessee?” naitanong ko na lamang sa aking sarili. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at doon ko nakitang mga tulog pa sila sa sala. Tumigil ako saka sila pinagmasdan. Nakakatuwa silang tingnan. Ngayon ko lang din napansin ang mga outfit nila. Si Denmark ay nakapambahay. Si Vien, nakapang-gym. Si Quinn, naka-robe at mukha iyong panligo. Si Wolf naman ay nakapang-alis na damit. “Teka. Nasaan iyong isa?” Lumingon ako sa paligid para hanapin si Tennessee. “Nasaan kaya si Tennessee—ay shit.” Agad akong tumalikod nang makita ko si Tennessee sa kabilang sofa. Iyong mga mata ko ay nanlalaki at halos mabulunan ako ng sarili kong laway dahil sa aking nakita. “Dasura? Ikaw ba ‘yan?” garalgal ang boses na tanong ni Denmark. “Uy, Dasura. Good morning,” rinig kong bati ni Vien. “Hello. Good morning sa inyo,” utal na bati ko sa kanila. Hindi ko alam kung tatakbo na lang ba ako sa labas dahil sa init ng pakiramdam ko. “Teka. Bakit ka nakatalikod sa amin?” tanong pa ni Denmark. “Ano kasi...” sabi ko. “Si Tennessee kasi...” Biglang tumahimik. Hindi rin iyon nagtagal dahil nakarinig ako ng kalabog sa aking likuran na tila may nagmamadali. Nang bahagya ko silang nilingon ay nakita kong nakatayo na si Tennessee habang nakabalot ng kumot ang kaniyang katawan. Kinukusot-kusot pa niya ang kaniyang mata at halatang ginising siya ni Denmark. “Nakita mo ‘yon, Dasura?” tanong ni Denmark na nagpipigil ng kaniyang pagtawa. Napakurap ako at makailang beses pang napalunok. Gusto ko nang tumakbo paalis pero iyong mga paa ko ay tila napako sa sahig kung saan ako nakatayo. “Pasensya ka na Dasura,” sabi ni Vien saka binulyawan si Tennessee. Sabi pa niya, “Hoy, Tennessee! Ano, gising ka na? Alam mo bang nakita na ni Dasura ang lahat sa iyo? Bakit ba rito ka pa natulog sa sala ng hubo’t h***d?” Hubo’t h***d. Napapikit ako dahil malinaw na malinaw na bumalik sa utak ko iyong nakita ko kanina. Ramdam na ramdam ko rin ang pagguhit pababa ng aking pawis sa aking sentido. “Ah,” maikling tugon ni Tennessee na tila walang pakialam sa nangyari. “Ah? Seryoso ka?” halos bumubungisngis na ulit ni Denmark. Maya-maya’y nagising na rin sina Quinn at Wolf. “Ano’ng meron?” tanong ni Quinn sabay lingon kay Tennessee na nakatayo pa rin doon. Dagdag pa niya, “Bakit gan’yan ang itsura mo—saglit. Huwag mong sabihing...” Base sa hitsura ni Quinn, mukhang gawain nga ito ni Tennessee. Muli akong napalunok. “Naabutan ni Dasura si Tennessee na walang suot na kahit ano sa sofa,” sabi ni Denmark at doon ay sabay-sabay na silang tumawa. Tawa iyon na parang wala nang bukas. Pakiramdam ko’y ang pula-pula ko na dahil sa kahihiyan. “Wala naman akong nakita!” pagtanggi ko na alam kong halata ang kasinungalingan dahil para akong batang utal habang sinasabi ko iyon. “Tennessee, ano? Wala ka bang sasabihin?” pang-aalaska pa ni Denmark habang nakatingin kay Tennessee na tila natuod doon. Maya-maya’y natigil ang pagtawa nila nang magsalita na nga si Tennessee. “Makakakita rin naman siya nito kapag nag-asawa na siya. Malay n’yo, ako rin pala ang lalaking mapapangasawa niya e ‘di advance,” sabi niya na nakapagpaawang sa aking bibig. “Ano’ng sinabi mo?” Napalunok ako at tila napipi naman ang apat dahil sa sinabing iyon ni Tennesse. “Tama ba iyong narinig ko?” gulat na usisa rin ni Vien. “Bahay ko ito kaya matutulog ako kung paano ko gusto at kung saan ko gusto,” tila aburidong sabi ni Tennessee saka kinusot ang kaniyang mga mata. Antok na antok ang kaniyang hitsura sa kabila ng nangyari. Sabi pa niya, “Ang ingay ninyo! Matutulog na ako ulit.” Parang walang nangyari dahil nagdire-diretso na siya sa pagpasok sa kaniyang kwarto. Ni hindi na siya nag-abala pang isarado ang pinto niyon bago sumalampak ng walang saplot sa kaniyang kama. Muli akong napapikit. “Pambihira si Tennessee! Hahaha!” bulalas pa ni Denmark. Kinginames.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD