Chapter 19

1424 Words
“I said let go!” Sa gulat ko sa kaniyang sigaw ay agad akong napalayo sa kanila. Kyo was really mad at iyon ang unang beses na mag-apoy siya sa galit habang nakikipagbasag-ulo. “You better listen to me. Kung saan ka mang basurahan galing, bumalik ka na ro’n! Hindi ako papayag na sa kagaya mo lang ulit sasama ‘tong kaibigan ko. If I see you again bothering her, I’ll slit your throat until you die! Naiintindihan mo ba, ha? Leave!” Ni hindi na nagawa pang magsalita ni Ivan dahil sa mga suntok at pagbabanta ni Kyo habang ako na nakapanood sa lang sa kanila ay hindi alam ang gagawin. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makitang tumatakbo na palayo si Ivan. Nang mahimasmasan naman si Kyo ay agad siyang lumingon sa akin. “Saan mo ba nakilala iyon, ha? Bakit ka sumama sa kaniya? Bakit hindi ka kagaad sumigaw?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Sagutin mo—” “Bakit ka narito?” agad kong putol sa kaniyang sasabihin. “Bakit ang dami mong tanong? Bakit feeling concern ka? Hindi ba’t ayos lang naman sa iyo?” Nagkatitigan kami ni Kyo. Ngayon lang niya siguro napagtanto kung ano’ng ginawa niya. “Seryoso ka ba? Nabastos ka na, makikipag-away ka lang sa akin?” naiinis niyang sabi. Napairap ako habang inaayos ang nagulo kong buhok. Sagot ko, “Buhay pa ako.” “Iyan lang ang sasabihin mo?” “Paano ka nakarating dito?” Napabuga lang siya ng hangin habang naiiling. “Wala kang pakialam. Nasaan ang bag mo?” aniya. Agad akong namaywang sa harapan niya dahil sa kaniyang tanong. “So mas concern ka pa sa bag ko kaysa sa akin? Hindi mo man lamang ba ako tatanungin kung okay lang ako?” singhal ko. “Hindi. Nagbago na ang isip ko dahil buhay ka naman. So tell me where your bag is!” seryoso niyang utos sa akin. Unbelievable! Sa inis ko ay agad kong kinuha ang bag nahulog sa semento kanina saka iyon ibinato sa kaniya. Agad naman niyang kinalkal ang loob niyon kaya mas lalo akong nainis. Akala ko naman kasi ay tunay na anghel na siya. May sungay pa rin pala! “Hoy, Kyo! May napkin d‘yan. Ano ba kasi ang hinahanap—” “There!” Halos maubo ako nang bigla niyang isupalpal sa bibig ako ang nakuha niyang tissue mula sa aking bag. “Punasan mo ‘yang bibig mo. Kadiri ka. Kung kani-kanino ka nakikipaghalikan! Gusto mo ba na ipainom ko sa iyo ‘tong alcohol mo ha, Dasura?” Sinamaan ko siyang nang tingin at nang mailuwa ko ang tissue na halos matunaw sa aking bibig ay agad ko siyang binulyawan. “Bakit mo isinubo sa akin ‘yong tissue? Saka akala ko ba wala kang pakialam? Bakit ka nagagalit d‘yan? Bakit ka narito? Saka for your information, hindi ako nakikipaghalikan! Siya ‘yong humalik sa akin!” “O tapos? Proud ka pa? Gusto mo naman na hinalikan ka niya? Pasalamat ka nga na narito ako e. Pasalamat ka na sinundan kita kasi kung hindi, baka buntis ka ng gaga ka.” Agad ko siyang binatukan. “Buntis agad? Siraulo ka ba? Ano ‘yon, may sperm ‘yong bibig ni Ivan? Ano ba, Kyo? Sinundan mo ako? Bakit? Pinayagan mo akong makipag-date tapos gan‘yan ka ngayon!” Bigla naman siyang namulsa saka ako tinitigan. “Alam mo Dasura, pinayagan lang kitang makipag-date pero hindi ang bastusin ka ng mga makaka-date mo. Gusto kong makakilala ka ng lalaking mag-aalaga sa iyo kaya hindi kita pinipigilan kung gusto mong makipag-date. Una palang, hinahawakan na lagi ng lalaking ‘yon iyang kamay mo. Tama ba ‘yon? Kaya para bitawan ka niya, tinatawagan kita o tine-text. Alam ko namang titingnan mo ang telepono lalo’t ako ang nambubulabog sa iyo.” “Ano’ng—” “Shut up! I’m not done yet. One more thing, wala naman sana akong balak magpakita sa inyo kung hindi niya pinatay ‘yang phone mo at pinilit ka niyang halikan e. Sinundan kita just to make sure na safe ka. Kaso walang kuwenta ‘yang ka-date mo.” Napaawang na lang bibig ko dahil sa mga narinig ko. “Kung ikaw na lang sana, e ‘di sana hindi na ako nakikipag-date kung kani-kanino,” bulong ko sa sarili ko na hinihiling kong marinig niya pero bingi siya. “Ano’ng sinasabi mo riyan?” tanong niya’t pinanlisikan pa ako ng mga mata. Tinaasan ko naman siya ng kilay bilang ganti. “Wala. Sabi ko, kunwari ka pa na walang pakialam pero concern ka naman pala. Susundan mo rin pala ako e,” pang-aasar ko sa kaniya saka ngumiti nang malapad na labas ang gilagid. “Gusto mo bang pabayaan na lang kita?” Napanguso naman ako. “You annoying woman! ‘Wag kang hahalik sa akin, ha!” Hindi ko alam kung nabingi ba ako o sadyang may himalang matutupad sa buhay ko ngayon. Sa panlalaki ng aking mga mata ay agad kong pinuluputan ng braso ang braso ni Kyo. “Makikiulit nga ng sinabi mo, Kyo?” Sa halip na ako’y sagutin ay agad siyang umiwas ng tingin sa akin. Aniya, “Wala. Sabi ko, umuwi na tayo.” Pinag-krus ko ang mga braso ko’t umiling. “Ayoko.” “Sige, bumalik ka na roon sa Milktea House. Doon ka na sa ka-date mo kanina. Kung gusto mo, halikan mo pa ulit e.” Napabungisngis naman ako sa kaniyang inasta. Ang bilis din talaga magbago ng kaniyang mood. “Kyo, nagseselos ka ba?” pilya kong tanong sa kaniya. Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay ibinato niya pabalik sa akin ang aking bag bago niya ako tinalikuran saka mabagal na naglakad. “Hoy, Kyo!” “Bahala ka r‘yan.” Inayos ko ang bag ko saka ko siya hinabol. “Kyo!” muling sigaw ko kaya napalingon siya pabalik. “Bumalik tayo sa Milktea House. Tayo na lang ang mag-date,” abot-taingang ngiting sabi ko. Madalas naman kaming magmeryenda ni Kyo sa labas pero ngayon ko lang nasabi sa kaniyang gusto kong makipag-date sa kaniya. Pero hindi siya nagsalita. Buong akala ko ay magagalit siya ngunit agad naman siyang bumalik sa akin saka ako hinigit. Saan? Papuntang Milktea House. Lihim akong napangiti habang naglalakad kami. Hawak niya kasi ang aking kamay kaya abut-abot ang kabog ng dibdib ko. “Dasura...” “Oh?” “Are you okay? I mean, that jerk. Did he do something else to you? I’m sure natakot ka.” “Oo. Pero dumating ka naman agad kaya I’ll be fine.” Kahit hawak ni Kyo ang aking kamay ay bahagya siyang nauuna sa paglalakad. Hindi siya lumilingon sa akin kaya mas lalong kumurba ang aking mga labi. “Akala ko ba ay sinundan at nakapanood ka lang sa akin habang kasama ko si Ivan? Dapat alam mo—” “I couldn’t watch every single details all the time, Dasura.” “Fine. Okay lang naman ako at alam mong okay ako kapag nariyan ka.” Okay. Ang corny ng banat mo, Dasura! “I should’ve not let him touch you. I was a little late. I’m sorry.” When he’s mad, he could be the scariest, but when he’s not, he could be the most sweet and sincere man that I’ve ever met. Naging tahimik na lang siya hanggang sa makarating na kami sa harap ng Milktea House. Wala akong ideya kung ano na ang iniisip niya ngayon. “Hindi pa ba tayo papasok sa loob?” tanong ko sa kaniya nang huminto siya sa harap ng pinto. “Malinis na ba ‘yang labi mo?” Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. Napahawak rin ako bigla sa labi ko na ikinangiti niya. Pagkakuwan’y tinaasan ko siya ng kilay. “Pinagtitripan mo ba ako?” “Hindi,” maiksi niyang sagot. “E bakit—” Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil pinutol niya agad iyon. “Tara na sa loob,” pigil-ngiti na sabi niya sabay hila sa akin sa loob. Napanganga na lang ako sa ginawa niyang paghalik sa aking mga labi. My first crush. My first boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD