Chapter 18

1438 Words
6 years ago... “Hoy, Kyo! Wala ba tayong lakad this week?” I texted my bestfriend, Kyo. Nagbabakasakaling yayain na niya akong lumabas. “Not sure,” mabilis niyang reply sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa lalaking iyon e palagi namang ako ang nagyayaya sa kaniya lumabas. “Sige. May date ako sa Saturday, 6 pm at Milktea House.” “Ikaw ang bahala.” Nag-isang linya bigla ang aking mga mata. “Seryoso? Payag ka?” tanong ko sa kaniya. Like, hindi man lamang ba niya itatanong kung mapagkakatiwalaan ba iyong ide-date ko? Hindi man lang ba siya magseselos? Ganoon na iyon? “Oo naman. If that’s what makes you happy, go.” Support, my foot. Seen lang ang ginawa ko sa message niya saka nag-offline. Asa naman kasi akong magseselos siya kung makipag-date ako sa iba e. Nakakainis lang! I tried so many times na ibaling sa iba ang atensyon ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ako ma-attract o magka-interes man lang sa iba kahit alam kong kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Well, I never tried to confess my feelings to him, pero kung gusto niya rin ako, sana matagal ko na ring alam, ‘di ba? But no. Saturday came. Nag-chat ulit ako kay Kyo. Kanina pa siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Nagbabakasakali lang ulit ako na baka pigilan na niya akong makipag-date. “Where are you?” “Secret,” agad na reply niya kaya hindi ko naiwasang umikot ang mga mata ko. “Tss, I knew it. Kasama mo na naman ang girlfriend mo, ano? Kaya siguro hindi ka nagpaparamdam d‘yan kasi busy ka. Tsk.” Few months ago, Kyo broke my heart nang sabihin niyang may girlfriend na siya na never naman niyang ipinakilala sa akin. It was unexpected kaya halos matuyuan ako ng tubig sa katawan kaiiyak. “Break na kami.” My eyes widened. Sa pagkakataong iyon ay agad ko siyang tinawagan. “Ano? Bakit? Paano? Talaga ba? E ‘di mabuti!” agad kong bungad sa kaniya nang masagot na niya ang tawag ko. “What do you mean?” Napatakip na lang ako sa aking bibig nang mapagtanto kong nadulas na pala ang aking dila. Nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya ay napakunot ang aking noo. “She likes someone else, so we split up. Sabi pa niya—heh! Wala ka na ro’n! Anyway, ‘di ba may date ka?” Agad akong napasimangot. “So ano naman? Wala kang pakialam! Bye!” Agad kong ibinaba ang tawag kahit gustong-gusto ko pa siyang tanungin tungkol sa break-up nila ng girlfriend niya. “Dasura?” How I wish na galing kay Kyo ang mahinahong boses na iyong ngunit hindi. Paglingon ko sa aking gilid ay nakita ko na ang lalaking inirereto sa akin ni Jayana. “Hi! Ikaw na siguro si—” “Ivan. I’m Ivan, your date tonight.” Napangiwi ako. Why did it sound so corny? “Oo nga, ikaw na nga,” sambit ko. Not bad. May hitsura naman si Ivan kaso hindi ko siya type. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag makipag-date. Kumain lang kami at nagkuwentuhan. Nagsisisi ako dahil mas gusto ko pang sinisigawan ako ni Kyo kaysa sa makarinig ng corny lines e. Pasado alas siete na ng gabi at hindi na mapakali iyong p***t ko. Gusto ko nang umuwi kaso nakakahiya naman magsabi kay Ivan. “Dasura, okay ka lang ba?” tanong niya sa akin sabay hawak sa kamay ko. Muli akong napangiwi dahil sa ginawa niya. “Ah, oo. Okay lang ako.” Maya-maya’y biglang tumunog iyong telepono ko. Nag-text si Kyo. Agad ko namang inalis ang kamay ni Ivan sa pagkakahawak niya sa kamay ko. “Sandali lang,” sambit ko bago ko binuksan ang text ni Kyo. “Sino ang maghahatid sa iyo pauwi?” aniya sa kaniyang text. Sus! Kunwari concern. “Pakialam mo, Kyo? ‘Wag ka ngang magulo. Busy ako. May date ako, ‘di ba? Tsk,” reply ko naman habang nakasimangot. “Nagtatanong lang naman ako. Okay, sige. Enjoy.” Napairap na lang ako pagkatapos niyon. Pagbaba ko naman ng phone ay agad na hinawakan muli ni Ivan ang kamay ko. Hindi ko alam kung may magnet ba ang kamay ko e. Parang ngayon lang nakakita ng kamay! “Dasura, puwede na ba kitang—” Nawala ang atensyon ko sa nagsasalitang si Ivan nang makita kong tumatawag si Kyo. Awtomatikong napairap na lamang ako. “Ivan, saglit lang.” Doon ay binitawan niya ang kamay ko. Dagdag ko, “Sasagutin ko lang itong call.” Napatango na lang siya si Ivan akin na halatang naiirita na. Isinawalang-bahala ko na lamang iyon saka bahagyang lumayo bago ko sinagot ang tawag ni Kyo. “Hello? Bakit ba, Kyo? ‘Di ba sabi ko may date ako? Bakit mo ako ginugulo? Ano? Ano’ng problema mo? Bakit ka tumatawag?” naiirita at sunod-sunod kong tanong sa kaniya. “Wala naman. Bye,” maiksi niyang tugon saka niya ibinaba ang tawag. Tang in a mocha. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko hinawi ang aking buhok at bumalik sa table namin ni Ivan. “Dasura, why don’t we just take a walk outside?” Sa ikatlong pagkakataon ay muling hinawakan ni Ivan ang kamay ko at niyaya ako sa labas. Ewan ko kung dapat ba na hawakan niya iyong kamay ko gayong kakakilala lang namin. Bahala na nga! Ginusto ko ito, so I should bear with the consequences. Sa paglalakad namin ay hindi ko na namalayan na dumidilim na pala sa aming dinaraanan. Masyado kasi akong nadala sa mga kuwento niya tungkol sa kaniyang sarili. “Dasura?” “Um?” “Dasura, iyong tanong ko sana kanina. Puwede na ba kitang ligawan?” tanong niya sa akin na bahagyang ikinagulat ng aking sistema. “Ligaw? Agad? Ivan, ano kasi e...” “Bakit Dasura?” Unti-unti ay lumapit sa akin si Ivan at hinawakan ang pisngi ko habang ako ay unti-unting napapaurong dahil hindi ko na gusto ang kaniyang mga ikinikilos. Sa pangalawang pag-urong ng aking mga paa ay bahagya nang bumangga ang aking likuran sa pader. “Ivan—” “I’ll kiss you.” Nang biglang tumunog ang aking telepono ay nakahanap ako ng dahilan upang bahagyang makalayo kay Ivan. It was still Kyo. “Kyo—” “You better go home now.” Saglit lang ang naging pag-uusap namin dahil nagulat na lang ako nang biglang hablutin ni Ivan ang telepono mula sa akin habang sumisigaw. “Darn it! Sino ba iyang tumatawag sa iyo, Dasura? I’ve been holding back myself kanina pa, but I don’t have any patience left!” Agad akong napapikit. Doon na ako kinabahan lalo pa nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya at bigla niya akong hinalikan. Mahigpit ang kapit sa akin ni Ivan at halos angkinin niya ang pagitan sa aming dalawa. Sa bilis ng pangyayari ay agad na nanlambot ang aking mga tuhod sa takot sa mga susunod na puwedeng mangyari sa akin. We were too far from the people kaya walang magagawa kung humingi ako ng tulong. Ni hindi ko na rin nga nagawang makasigaw dahil pilit kong inilalayo ang mukha ko kay Ivan. “Hey, you asshole!” The next thing I knew matapos kong marinig ang sigaw na iyon ay nakasalampak na si Ivan sa semento dahil sa lakas ng suntok na kaniyang natamo. It was not long before I saw Kyo, gritting his teeth with his clenched fist. “Kyo?” halos pabulong kong sambit nang maaninagan kong si Kyo nga ang nagpadapo ng suntok sa mukha ni Ivan. “How dare you kiss her? Sa susunod, kung balak mo lang mambastos, huwag ‘yang babaeng iyan. I’ve been taking care of her for years tapos wawalanghiyain mo lang? Ha? Gago!” sigaw nito. Halos tumalon palabas ang puso ko dahil sa narinig ko kay Kyo. Kung usapan corny lines lang din naman ay hindi ako magsasawang pakinggan ang version ni Kyo. Pagkatapos niyon ay agad kong nilapitan at pinilit na inawat si Kyo ngunit ayaw niyang bitiwan si Ivan. “Bitawan mo ako, Dasura. Hindi pa ako tapos!” “Kyo—” “I said let go!” Sa takot ko sa nanlilisik na mga mata ni Kyo ay agad ko rin siyang nabitiwan. It was like a new Kyo right before my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD