Girlfriend

1506 Words
Akala yata ni spoiled brat ay maiisahan niya ako sa plano niya. Sinong maloloko niya? Ilang anghel ang bumaba at sumanib sa katawan niya at naging mabait sa akin? Alam na alam ko na Kapag mabait siya ay may ginagawa siyang kalokohan. at indi nga ako nagkamali sapagkat amoy pa lang ng tocino kanina ay alam mo na may kakaiba na. Nag-effort pa talaga na gumising ng maaga at ipagluto pa ako ng pagkain. Tsk. Kaya naman kahit sobrang anghang ay pinilit kong nguyain para lang makaganti ako sa kalokohan niya. At hindi naman ako nabigo sapagkat halos umusok ang bibig niya sa sobrang anghang ng pagkain kanina ng tikman niya. Pulang-pula ang pisngi niya at pakiwari ko ay mananahimik na siya ngayon. Dahil sa napala niya na palpak na plano na para sa akin. Tatawa-tawa pa ako habang naglalakad palabas ng kusina dahil imbes na ako ang mabiktima ay siya na ngayon ang sumalo lahat. Kahit madalas akong mainis sa kanya ay napapatawa niya rin ako ng lihim dahil sa mga kalokohan niya. Napapailing pa ako kapag naaalala ko ang lahat ng mga pinaggagawa niya sa buhay. Para talaga siyang bata sa paningin ko. Pero sino naman kayang babae ang sinasabi ni Tatay Dennis na naghihintay sa akin sa labas. Wala naman akong inaasahan na bisita at wala rin naman nakakaalam kung nasaan ako ngayon, maliban sa mga kasamahan kong pulis. "Sino kaya sa dalawang Marites ang nagsabi kung nasaan ako?" kausap ko pa sa sarili habang naglalakad. Nagulat pa ako ng maabutan ko ang isang pamilyar na babae na nakasandal sa kotse at naghihintay sa akin. "Simone?" kumunot pa ang noo ko nang mapagtanto ko na siya nga. Pero anong sadya niya sa akin? At hindi ko alam na nasa Pilipinas na pala siya ulit. "Calvin!" Sigaw niya at mabilis siyang lumapit sa akin. Saka niya agad ikinawit ang braso sa batok ko kung kaya naman ay hindi ako nakakilos agad. "Anong ginagawa mo dito?" At bahagya ko pa siyang naitulak. Tila nagulat pa siya dahil sa ginawa ko. "I missed you, sweetheart. Hindi mo ba ako na-miss?" malambing niyang tanong sa akin. At pilit niya pa akong niyakap ngunit mabilis ko siyang nilayo sa katawan ko. "Leave." Mariin kong utos habang nakaturo sa sasakyan niya. "But why? Are you not happy to see me again? Bumalik na ako, Calvin. We can continue our previous plan. I can marry you now, Calvin! We can build our own family, sweetheart. I am ready to be your wife. I will never leave you…never again. I still love you, sweetheart…" litany niya. "Please, Simone…leave now! Wala ka nang babalikan pa dahil matagal ko nang tinapos ang kung anong meron sa atin noon. Kaya makakaalis ka na. Wag ka na ulit babalik pa dito. At hindi na kita gustong makita pa." "Why? Are you with someone else? Is she more beautiful than me? Are you really happy with her? Tell me?! Or are you doing this para gantihan ako? Calvin, let's start again. Nakikita ko pa sa mga mata mo na mahal mo pa rin ako…" "Simone, stop!" saway ko sa kanya ng pilit niya pa akong halikan sa labi. "Mahal na mahal pa rin kita, Calvin. I'm sorry kung iniwan kita noon—" "Mr. Old man! My bibig is very maanghang pa rin. Help me naman, pleaseeee!" sabay pa kaming napalingon ni Simone sa likuran. "Spoiled brat, get inside. Ubusin mo lahat ng gatas sa ref hanggang sa malunod ka!" "Who is she? Kaya ba hindi mo na ako kailangan?" Muli akong napatingin kay Simone. "Umalis ka na, Simone. Wala ka nang babalikan…" "So sa mas bata mo pala ako pinagpalit? Tell me Calvin, mas magaling ba siya sa kama kesa sa akin?!" "Shut up! Just leave––" "Mr. Old man, sino siya? Are you away each other ba?" Nagulat pa ako nang biglang magsalita si spoiled brat sa tabi ko. Pinitik ko pa siya sa noo dahil sa pagiging sesmosa niya. "Araaaay! I tanong tanong lang naman to you!" Reklamo niya pa habang hinahaplos ang noo niya. "Marites ka talaga. Pumasok ka sa loob, spoiled brat. At kala ko ba ay masakit pa ang bibig mo?" "Hi! I'm Gemini. What is your pangalan ? Your kotse is maganda! Are you mayaman? You're so maganda rin—" Natigil sa pagsasalita si spoiled brat nang tumawa si Simone. "Oh, I'm sorry…" Natatawa niya pa rin sambit. "Why you tawa tawa? Are you masaya ba?" nakangiti pang usisa ni spoiled brat. "Are you for real? I mean ganyan ka ba talaga magsalita? I think your language is inappropriate. What kind of language is that?" "Hmmm…'Happy language' you want ba na matuto? I will turo you!" "No…no. I'm okay. I'm sorry, huh. But…the way you speak seems strange. But nevermind." At muli siyang tumawa. "I'm sorry, I can't, ugh! Hindi ko alam Calvin, na mahilig ka na pala ngayon sa mahirap kausap. Sure ka ba talaga na sa ganitong level ka na lang papatol?" Nang tingnan ko si spoiled brat ay mukhang natigilan siya sa sinabi ni Simone. Maging ang kanyang ang ngiti sa labi ay napalis dahil sa naging hayagan na pang-iinsulto ni Simone sa kanya. Naikuyom ko pa ang kamao ko dahil sa namumuong inis sa biglaang pagsulpot ni Simone dito. At hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nararamdaman ng kakaiba dahil sa pang iinsulto ni Simone kay spoiled brat. Parang nasagi ang puso ko. "No, you mali ng iniisip. We intindi naman each other—" "Who are you in Calvin's life? Are you his new girlfriend? Well, I will introduce myself to you… I'm his fiancee!" "Oh, no! You mali. I don't agaw agaw naman him." "Simone, umalis ka hanggang may natitira pa akong pagtitimpi." "Why? Bakit ayaw mong malaman niya ang tungkol sa atin, huh? Hindi ka ba nahihiya sa iba na sa ganito mo lang ako pinagpalit, huh? Ano ka ba talaga? Babysitter ng sintu-sinto?" Hinawakan ko siya sa braso at hinila papunta sa sasakyan niya. "Aray…you can't do this to me! Hindi ako papayag Calvin na mapunta ka sa iba! Akin ka noon, akin ka ngayon!" Padarag ko siyang binitawan. "Wala kang babalikan, Simone. Wag na wag mong siyang idadamay dito. Bumalik ka na sa lalaking pinili mo…" Bigla naman siyang natigilan dahil sa sinabi ko. "Sweetheart, n-nagkakamali ka. W-walang namamagitan sa amin ni Troy!" kaila niya pa. "Simone, don't make me a fool. Just leave." At mabilis ko siyang tinalikuran. "Hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya! Babawiin kita Calvin! Akin ka, akin ka lang!" Sigaw niya ngunit hindi ko na siya pinakinggan pa. "Anong tinatayo mo dyan? Pumasok ka sa loob, chismosa," utos ko kay spoiled brat na lang kibo. Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang kagat-kagat ang kanyang daliri. At para bang iiyak na. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila sa loob. Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa braso. "Mr. Old man…totoo ba na I'm nakakahiya akong kasama?" ramdam ko pa ang lungkot sa boses niya. Huminga ako nang malalim bago sumagot sa tanong niya. "Oo, sobra," seryoso kong sagot. Hinihintay ko siyang mainis sa sagot ko. "Okay lang. That's bakit pala ayaw akong kasama ni Mommy sa mga places kung where sila nagpupunta ni Daddy…" Natigilan pa ako sa naging pahayag niya. Gusto ko lang naman na inisin siya at hindi ko alam na ganito ang mararamdaman niya. Humakbang na siya palayo kaya naman mabilis kong hinawakan ang braso niya. "Hindi ka nakakahiyang kasama, tandaan mo 'yan. At saka cute ang pananalita mo…" gusto ko pang matawa nang ngumiti siya bigla. At mukhang natuwa na sa sinabi ko. Hindi talaga mahirap pasayahin si spoiled brat. Isa ito sa napansin ko sa kanya. Simple lang siya at halos walang arte. "Okay! I'm not nakakahiya na kasama, yehey! Mr. Old man I'm only sintu-sinto lang, diba, diba?" nakangiti niyang tanong. At dito natawa na ako nang malakas sa kanya. Mas lalo pa akong natawa nang tumawa rin siya. At mukhang hindi alam ang pinagtatawanan ko. Mas malala pa pala ang gusto niya na itawag sa kanya. Nasaktan siya sa nakakahiya siyang kasama at halos paiyak na nga. Pero sa sintu-sinto ay tuwang-tuwa pa! Saan ka pa? Mukhang hindi niya ata batid kung anong kahulugan nito. Kaya masaya pa siya. Ayaw ko na lang sirain ang mode niya kaya hinayaan ko na lang siya. Ibang klase talaga itong babae na ito. Kahit wala siyang ginagawa ay mapapatawa ka niya with her own little way. Ginulo ko pa ang buhok niya at bigla kong nakalimutan ang ginawa niya sa akin kanina. "Pumasok ka na sa loob." Tumango-tango naman siya at mabilis tumakbo papasok. "I'm sintu-sinto!" narinig ko pang sambit niya. Kaya naman muli akong natawa habang napapailing na lang sa kanya. Nang mawala siya sa paningin ko ay muli kong tiningnan ang gawi ni Simone. Wala na ang sasakyan niya rito. Bigla tuloy akong nag-alala sa pagbabalik ni Simone dito sa Pilipinas. Sana lang ay wala siyang gawin laban kay spoiled brat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD