"Wow! Ibang klase rin talaga si spoiled brat! Siya pa ngayon ang galit?" Napapailing pa ako habang pinapanood ko siyang naglalakad palayo bitbit ang dala niyang pagkain. Anong akala niya madadaan niya ako sa pagkain? At sa pagpapa-cute niya?
Hindi niya ba alam na kahit kailan ay hindi ko pa nagawa na magsinungaling lalo na at tungkol sa tungkulin ko? Ngayon pa lang! At hindi ko alam kung bakit kailangan ko siyang pagtakpan sa Mommy niya kanina. Siguro dala ng awa o konsensya? Pero una at huling beses ko na ito na gagawin. Hindi ko na siya muling pagtatakpan pa sa mga kalokohan niya. Never! Dahil taliwas ito sa prinsipyo ko at trabaho. Paano na lang kaya kung hindi ko siya nakita sa coffee shop kanina? Araw-araw niya akong tatakasan? At paano kung sa pagtakas niya ay mas lalo niyang ikapahamak? Hindi talaga nag-iisip ang spoiled brat na ito. Kailangan ko siyang lalo pang higpitan upang hindi na maulit pa ang insidente na ito. Bakit kailangan niya pang magtrabaho bilang service screw? Para ba makipagharutan lang habang nasa harap ng maraming tao? Mga kabataan talaga ngayon ay ibang-iba na!
Habang may binabasa akong report ay may muling kumatok sa pinto. Ibinababa ko muna ang laptop saka ako naglakad upang pagbuksan kung sino man ito.
"I'm not Gemini, I'm Kuracha…" boses bata niya pang sambit. Nahilot ko na lang ang batok ko ng tumambad sa harap ko si spoiled brat na nakasuot ng maskara na pusa. At mukhang nag-abala pa siyang gawin ito. Ano bang trip ng babaeng ito?
"Mr. Policeman, I dala ng foods for you. You kain kain please…I will iyak if you tanggi, meow, meow, meow…"
"Busog ako." At muli ko siyang pinagsaraduhan ng pinto. Saka ako muling bumalik sa ginagawa ko. Ayaw talagang tumigil ng babae na ito.
Ilang saglit lang ay muli na namang may kumatok. Napatingala na lang ako sa inis dahil mukhang hindi ako lulubayan ni spoiled brat talaga.
"What? Busy ako Ms. Rivas, para sa kalokohan mo!"
"I'm not Ms. Rivas…I'm…I'm Tiger!" Pati boses niya ay pilit pang iniipit upang maging boses bata.
"Oh, no! Tiger's voice is loud dapat…I will balik later, Mr. Old man. Erase mo sa mind mo!"
Napaawang pa ang bibig ko dahil sa tinuran niya, so ibig sabihin ay hindi pa rin siya tapos?
Kaya naman kinuha ko ang laptop ko at lumayas ako ng kwarto at sa garahe na lang ako tatambay nang sa gayon ay hindi niya ako maistorbo pa.
Pinag-aaralan ko ang kaso ni Ysabel sapagkat marami pang anggulo na lumitaw kaya naman kailangan ko ng mabusisi na imbestigasyon dito. Balakid sa lovelife ni Galledo ang mga taong may kinalaman dito. Kaya kailangan matapos ko na ito bago pa man mabaliw si Galledo.
Mabuti na lang at hindi na ako nasundan ni spoiled brat dito kaya malaya kong nagawa ang trabaho ko.
Pagbalik ko sa kwarto ay nagulat pa ako ng makita ko ang isang slice ng cake, orange juice at ilang hiwa ng prutas. Kunot noo ko pa itong nilapitan. May letter pa sa gilid. Umupo ako sa kama at dinampot ko ang letter.
Mr. Old man, I'm sorry to sira your tiwala. I want to sabi naman talaga sa'yo...pero I'm natakot maging honest. Thank you kasi hindi ka nag-tell kay Mom. Sorry again, kasi your points sa heaven nabawasan because of me.
Ps. You balik to me ang letter kapag hindi ka na mad to me.
Emi.
Napailing na lang ako matapos kong mabasa ang letter niya.
Kailangan ko munang makita kong may pagbabago ba sa kanya bago ko siya muling pansinin. I want to teach her na mahalaga na pangalagaan ang tiwala na binigay sa'yo ng ibang tao. At hindi basta lang sinisira.
"Calvin, pwede mo ba akong samahan na pumunta sa shooting range ngayon? Nagkayayaan kasi kami ni Governor Santiago na mag-practice at mukhang kinakalawang na. Pwede ka ba ngayon?" Natatawa pang tanong ni Mayor Rivas sa akin ng ipatawag niya amo kinaumagahan. Narito rin sa mesa si Mrs. Rivas at saka si spoiled brat. Nang tingnan ko siya ay ngumiti pa siya sa akin ngunit mabilis ko rin na binawi ang tingin ko sa kanya.
"Dad, can I sama sa'yo?" tanong ni spoiled brat na ikinagulat ko naman.
"Sure!" Napabaling pa ang paningin ko kay spoiled brat ng tumili siya at mukhang tuwang-tuwa pa.
"No, Alberto. Baka anong kahihiyan lang ang gawin ni Gemini sa harap ni Governor Santiago!" mariin na sansala ni Mrs. Rivas sa naging pagpayag ni Mayor Rivas.
Muling napalis ang ngiti sa labi ni spoiled brat at mukhang nalungkot pa.
"I-It's okay Dad. Next time na lang po."
"Alicia, please…" narinig ko pang sambit ni Mayor Rivas habang nakatingin kay Mrs. Rivas. Ilang saglit pa ay ngumiti pa si Mrs. Rivas.
"Sure, Alberto. Kailan ba ako hindi pumayag sa gusto mo?" Tumayo pa si Mrs. Rivas at titig na titig kay Mayor Rivas. Hindi ko maintindihan at para bang may kakaiba sa kanilang pag-uusap.
"Gemini, listen carefully…wag na wag mo akong bibigyan ng kahihiyan sa harap ng ibang tao." At tumalikod na ito.
"D-dad…"
"Be ready Gemini. We're leaving after 30 mins." Sabi pa ni Mayor Alberto saka tumayo upang sundan ang asawa.
"Hindi ito lakad ng mga babae," parinig ko pa
"Why? But I have mga paa naman." Itinaas niya pa ang paa upang ipakita sa akin. Kahit kailan talaga ay pilosopo!
"Mr.Old man, wala ka bang i-return sa akin?" Tanong niya at inilahad pa ang kamay sa harap ko.
"Wala." At mabilis ko siyang tinalikuran para ihanda ang sasakyan na gagamitin namin.
Ilang saglit pa ay lumabas na rin si spoiled brat at mukhang excited na excited. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang suot niya. May nag-firring ba na naka mini skirt at tube?
"Mr. Old man,why are you tingin me like that?"
"Magpalit ka ng damit." Walang gana kong wika.
"Huh? Why? Not bagay ba to me?" Umikot-ikot pa siya sa harap ko.
"Hindi!" walang atubili kong sagot. Nagulat pa ako nang hampasin niya ako bago nagmartsa pabalik sa loob.
"Ms. Rivas, firing range pupuntahan natin at hindi party."
"What's masama ba sa dress ko? It's super mahal kaya nito!"
"Ready?" Napalingon pa ako nang magsalita si Mayor Alberto. Kaya kahit gusto ko na magpalit siya ay wala na akong nagawa pa.
Hindi ko maiwasan hindi siya sulyapan dahil sa kakaibang ningning sa kanyang mga mata na ngayon ko lang nakita. Nakahilig pa siya sa balikat ni Mayor Alberto. Ganito ba siya kasabik sa atensyon ng mga magulang niya? Pinilig ko ang ulo ko at muling nag-focus sa pagmamaneho.
Pagdating naming sa firing range ay naghihintay na si Governor Santiago at may mga bodyguards din ito na kasama.
Hindi na ako nagulat na halos lahat sila ay nakatingin kay spoiled brat. Dahil kapansin-pansin naman talaga ang ganda niya. Mula sa kutis niyang makinis at mala porselana sa puti. At halatang laki sa marangyang buhay. Mga mata niya na singkit na namana niya sa Daddy niya. Ang matangos niyang ilong, ang manipis niyang labi at heart shape niyang mukha ay talaga naman tawag pansin sa karamihan. Balingkinitan ang katawan niya at kurbada. Pero isip bata!
Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit ganito siya tingnan ng mga bodyguards ni Governor Santiago. Pero ang isa na ito ay tila ba walang pakialam sa mga nangyayari dahil mas mukha na siya ang natuwa sa pagpunta namin dito. Hinubad ko ang jacket ko at inabot ko sa kamay niya. Dahil sa suot niya ay masyadong exposed ang balikat niya at maging ang batok niya ay litaw na litaw din nakataas ang buhok niya.
"Isuot mo 'yan."
"Pero ayaw ko nga. Masisira ang OOTD ko, Mr. Old man–"
"May problema ba?" tanong ni Mayor Alberto.
"I'm c-cold, Daddy, I will hiram Mr. Old man jacket muna." Palusot ni spoiled brat at Tumango-tango lang naman ang Daddy niya.
"Hindi mo naman sinabi na may maganda kang anak, Mayor Alberto. Bakit ngayon ko lang siya nakita?" Napabaling pa ang tingin ko kay Governor Santiago ng magsalita siya.
"Hello, Hija. How are you?"
Tuwang-tuwa akala mo ay ngayon lang nasabihan ng maganda.
"Hi po, I'm Gemini! I'm mabuti po. Gwapo po pala kayo sa near!"
Tumawa pa si Gov. Santiago dahil sa tinuran ni spoiled brat.
"Salamat, Hija. Mr. Caraig?" Tanong niya ng bumaling ang tingin niya sa akin. Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Na mabilis ko naman inabot.
"Good morning, Governor Santiago! Nice meeting you again, sir!"
"You know him?" kunot noo na tanong ni Mayor Rivas. Tumawa naman si Governor Santiago at bahagyang tinapik sa balikat si Mayor Rivas.
"Kumpadre, sinong hindi makakakilala sa isa sa pinakamagaling na pulis dito sa lugar mo?"
Ngumiti pa ako ng pilit sa kanilang dalawa.
"Mr. Old man, are you magaling?" mahinang tanong ni spoiled brat sa akin. Hinila niya pa ako sa braso habang nakatingala sa akin. Sa taas niya na 5'3 ay nagmukha pa rin siyang bata sa paningin ko.
Tiningnan ko lang siya at hindi ako sumagot sa tanong niya.
"Sungit…" pahabol niya pa at saka tumalikod sa akin.
Matapos ang pag-uusap nina Mayor Rivas at Governor Santiago ay naghahanda na sila.
Inabot ko kay spoiled brat ang protective goggles at headphones.
"Eyes and ears."
Ilang saglit pa ay nagsimula na nga na mag-firring sina Governor Santiago at Mayor Alberto habang nanonood lang kami ni spoiled brat.
"Caraig, come here!" Kaya naman mabilis akong lumapit sa kanila at maging si spoiled brat ay lumapit din. Nakita ko rin na tinawag ni Governor Santiago ang isa sa mga bodyguards niya.
"Friendly match…" mahinang bulong ni Mayor Rivas sa akin. At tinapik pa ako sa balikat. Tumingin ako sa batang bodyguard ni Governor Santiago na kanina pang nakatingin kay spoiled brat. Mukhang tipo niya ata si spoiled brat base sa paninitig na ginagawa nito.
Nasa harap kami ng mesa kung saan may dalawang baril na disassembled.
Sa hudyat ng trainor ay nagsimula na kaming kumilos. Mabilis kong inasemble ang baril na nasa mesa at mukhang gulat na gulat pa si spoiled brat at dahil sa bilis ng kamay ko. At mabilis kong inasinta ang target. Bullseye!
"Wow you're so magaling Mr. Old man!" bulalas ni spoiled brat at hinampas pa ako sa balikat.
Lumapit naman sa akin ang bodyguard ni Gov. Santiago at nakipagkamay pa.
"Ang galing niyo, sir!" bulalas pa nito. Tumango-tango lang ako sa kanya.
"Paano ba 'yan kumpadre, mukhang kailangan natin mag-usap sa taas." Tumatawa pang sambit ni Mayor Rivas.
Nang makaalis nga sila ay naiwan kami dito ni spoiled brat at ibang mga bodyguards.
"Mr. Old man, can you turo me rin how to use ng baril? I want to subok din kasi–"
"No!" mariin kong tanggi sa kanya.
"Okay. I will paturo na lang sa ibang bodyguards!" Akma na siyang tatalikod sana ngunit mabilis kong hinila ang braso niya.
"Why? You don't gusto diba? So I will paturo na lang sa ibang people."
"Bakit sa kanila ka pa magpapaturo, huh? Hindi mo ba nakita kung gaano ako kagaling? Malabo ba ang mga mata mo? Hindi mo ba nakita kung paano ko natalo ang ang bugoy na bodyguard na 'yon?" inis kong tanong sa kanya. Mukhang nakukulangan ata siya sa shooting skills ko.
"Why ka ba galit? Diba you don't gusto to turo me? Saka galit ka sa akin diba dahil tumakas ako sa'yo?"
"Oo, galit ako sa'yo. Pero hindi ka sa kanila magpapaturo. Isuot mo 'yan!" Sabay abot ko sa kanya ng goggles at headphones.
"Why are you tanggal my ponytail? Mr. Old man, you make me pangit na talaga!" reklamo niya pa.
Habang nasa harap ko siya ay hindi ako makapag-concentrate dahil sa batok niya.
"Ang pangit mo kapag nakatali ang buhok mo!" palusot ko.
"Really, I'm pangit? I will not tali na lang next time. "
"Ayusin mo ang hawak mo ng baril. Dito ang kamay mo. Ang isang braso ay 70 ang kabila ay 30. Dahan-dahan mong kalabitin ang gatilyo. At wag mong bibiglain. Dito ka tumingin. Wala kang ibang igagalaw bukod sa daliri mo, okay?" Hirap na hirap ang pagtuturo ko dahil halos nakayakap na ako sa kanya. Hindi ito first time na gawin ko ito sa ibang babae pero ewan ko kung bakit ngayon lang ako nailang ng ganito. Ano bang meron sa babae na ito?