Chapter 3

1724 Words
Bago umuwi ng bahay ay bumili muna siya ng ilang kilong bigas, mga delata at gamot ng anak. Tuwang-tuwa siya sa natanggap na pera dahil mas higit pa iyon sa sahod sa nakukuha sa maghapong paglalaba. Tama nga ang sabi ng tiyahin at maganda magpasahod ang Kagawad. “Ricardo! Bakit Hindi mo pa napainom ng gamot ang bata?” bulyaw niya sa asawa pagkatapos pakiramdaman ulit ang noo ng anak nang mailapag na ang lahat ng pinamili sa kusina. Naabutan niya ang dalawa na nanonood ng tv. Si Ricardo na nakahiga sa maliit nilang sofa at si Totoy na nakahilata rin sa sahig na sinapinan ng banig. “Paano ko papainumin ng gamot eh wala naman siyang lagnat?” pasigaw ring saad ng lalaki. “Anong wala? Eh tingnan mo at mainit na naman!” Naiinis niyang saad. “Ano ka ba naman! ‘Yan nga lang ang pinapakiusap ko sa iyo hindi mo pa magawa.” “Makapagsabi ka naman eh parang wala akong ginagawa dito kapag umaalis ka.” Inis na rin nitong pakli. Pumatayo ito at dumiretso sa kusina at lumiwanag ang mukha nito nang makita ang mga pinamili ng kabiyak. “Ang dami nito ah. Mukhang malaki ang nadelihensya mo ngayong araw!” nakangisi nitong sambit habang naghahalungkat doon. Kinuha nito ang isang lunch box at kumain mag-isa. Hindi man lang tinanong kung kumain na ba ang asawang siyang naghanap buhay noong araw na iyon. Samantalang inisnaban niya lang naman ito. Ganito talaga ang ugali ng lalaki, bukod sa may pagkabatugan sa paghahanap ng permanenteng trabaho ay makasarili rin. Hindi naman ito ganito noon. Noong halos pangakuan siya na ibibigay nito ang langit at mga bituin sagutin lang niya ito. Tanda niya pa, napakabait ng lalaki noon lalong-lalo na sa mga magulang. Palaging itong nagbibigay ng pasalubong sa tuwing aakyat ng ligaw sa kanya. May maganda rin itong trabaho noon bilang security guard ng isang mall, actually doon nga sila nagkakilala. Pero noong natapos na ang kontrata nito ay hindi na naghanap pa ng ibang maganda-gandang trabaho. Siya na lamang ang inasahan nito sa lahat ng bagay lalo na sa mga bayarin sa bahay. Hindi na natuloy ang ipinangako nitong pakasalan siya nang ilang buwan pa lamang ng kanilang pagsasama ay mabuntis siya nito. At noong manganak siya at hindi na makapagtrabaho ay tsaka lang ito napilitang pumasok as a construction worker. Kung tutuusin mahal niya naman ang lalaki, pero sa tuwing nagigipit sila at wala man lang makain ay walang nagagawa ang pagmamahal na iyon lalo na kapag walang pambili ng pangangailangan ng anak sa tuwing nagkakasakit. Gusto man niya itong iwan, pero nananaig pa rin ang kagustuhan niyang maging buo ang pamilya para sa kapakanan ng bata. Bagamat gutom na rin ay inuna niya munang asikasuhin ang anak noong mga oras na iyon. Binihisan niya ito ng malinis na damit at pagkatapos pakainin ng biniling prutas ay pinainom ulit ito ng gamot. *** “Amanda, pwede bang ikaw muna ulit ang maglinis sa bahay ni Kagawad? Masama ang pakiramdam ko eh,” iyon ang natanggap niyang text messages na nanggaling sa Tiyahing si Rosanna nang I check niya ang telepono noong umagang iyon. Kasalukuyan na siya noong naghahanda para pumunta sa kaibigang nagpapalaba ng mga damit. Natigilan siya bigla nang mapag-isip isip na doon na lamang siya pupunta kay Kagawad. Mas malaki kasi ang sahod doon. Isa pa hindi masyadong pagod ang katawan niya pagkatapos. Bukas na lamang siya pupunta sa bahay ng kaibigan upang makapaglaba, sigurado naman na maiintindihan siya nito.. “Oh, Amanda! Ikaw ulit ang pinapunta ni Aling Rosana?” malaki ang pagkakangiti nito nang makita ang babae. “Oho eh. Masama daw po ang pakiramdam ni Tyang,” nilakipan niya rin ng pagngiti ang sinabing iyon sa lalaki. “Naku parehas pala kami. Ako rin, tinrankaso ng ilang araw. Pero magaling na rin naman, kaya nga nakaligo na ako today. Hindi nga lang ako papasok pa sa trabaho at magpapalakas pa ng konti. Halika kumain ka muna ng breakfast.” “Naku, huwag na po. Tapos na po ako mag-almusal!” wika niya rin. Pansin niya ay tinapay at kape lang ang kinakain ng lalaki noong umagang iyon. Hindi gaya sa nakagawian nito na may bacon at pancake at kung ano-ano pa. “Ganun ba? Sige at doon muna ako sa patio para hindi makaistorbo sa iyo,” nangingiti nitong saad habang dala sa isang kamay ang isang basong kape. Tumango lang naman siya. Mabuti at naisip iyon ng lalaki dahil nahihiya siya na kumilos habang nandoon ito. Ilang sandali pa ay nagsimula na siyang maglinis ng bahay. “Ano ho pala ang kakainin ninyo sa tanghalian Kagawad?” tanong niya nang magtatanghali na ay hindi pa rin naalis ang lalaki para bumili ng makakain. Tapos na siya noon sa paglilinis at kasalukuyan nang itinatabi ang mga ginamit. Tiningnan niya ang ref nito sa pag-aakalang may nakatabi na itong pagkain doon ngunit walang laman iyon. “Hindi ko rin alam eh, wala ang guard ko para mautusang bumili,” sagot nito na hindi man lang siya nilingon. “Gusto n’yo ho, ako na lamang ang bibili ng makakain ninyo?” prisinta niya dito. “Naku, huwag na at wala akong kumpyansa sa mga lutong ulam sa kanto. Kung pwede nga lang na ako na lang ang magluto ng kakainin ko pero hindi naman ako marunong,” natatawa nitong pakli. Sa sinabing iyon ng lalaki ay nagkaroon siya ng idea. Hindi muna siya aalis hangga’t hindi ito naaasikaso. Nakakakunsensya kasi na iwan ito sa ganoong kalagayan. Naalala niya na walking distance lang doon ang talipapa. Bibili na lamang siya ng maluluto roon at ipagluluto ang lalaki. Naaawa siya at kagagaling pa lang nito sa sakit ay baka mabinat kung malipasan ng gutom. Sandali siyang nagpaalam dito na lalabas lamang. Maya-maya pa nang bumalik ay may dala-dala na siyang mga rekado pang tinola at agad na nagluto. Nagulat na lamang si Kagawad Eric nang makita siyang busy na sa kusina. Magmula nang mamatay ang asawa nito ay hindi na nagamit pa ang kusinang iyon. Never rin naman nitong nasubukang magluto dahil bata pa man ay may cook na ang pamilya nito. Mayaman ang angkan ng lalaki na karamihan ay pumasok rin sa politika. Sa mga oras na iyon ay tila ba nanumbalik ang liwanag sa parteng iyon ng bahay ng Kagawad. Humahalimuyak ang amoy ng niluluto ni Amanda na tila ba masaya sa ginagawa nito. Pinakatitigan ito ng lalaki habang may kalakip na ngiti sa mga labi. Bigla nitong naalala ang yumaong asawa. Na-miss nito ang kabiyak na malugod itong pinagsisilbihan noon. Dahil doon ay nalungkot ito at itinuon na lamang ang pansin sa harapan ng laptop. Ilan taon na rin na mag-isa ito sa buhay at sa dinami dami ng nagtatrabaho dito, labas masok sa bahay nito, si Amanda lang ang nagbigay ng malasakit dito upang ipagluto ito. “Halika po, kumain na kayo,” saad niya nang mai-ready na ang lamesa. Pumatayo ang lalaki at naglakad papuntang dining area. “Salamat Amanda ha. HIndi ko akalain na paglulutuan mo pa talaga ako. Tara, saluhan mo ako?” saad naman nito. Hindi na siya humindi pa dahil kanina pa rin siya nagugutom. Habang kumakain ay nakapagkwentuhan sila. Doon niya nga nalaman na bata pa pala ang Kagawad. Nasa early 40’s pa lamang ito. May isang anak sana ito ngunit namatay iyon kasabay ng asawa noong ipanganak ng babae ang bata. Doon ay nagkapalagayan pa sila ng loob. Kasalukuyan na niyang hinuhugasan ang mga platong pinagkainan nang biglang sumulpot si Eric sa likuran niya. Sa gulat ay napaharap siya rito at hindi sinasadyang maglapit ang kanilang katawan. Nakita niya na ibibigay na sana ng lalaki ang sobre na naglalaman ng sahod niya pero kapwa sila natigilan. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa sumunod na sandali ay hindi na niya namalayan nang lumapit pa ang mukha ng lalaki at balak sanang tumbukin ng mga labi nito ang mga labi niya nang pumaatras siya. Dahilan upang matauhan din ito. “Sorry ho, pero may asawa at anak na ho ako,” pagpapaalala niya dito sa gusto sana nitong gawin. “Um, pagpasensyahan mo na rin ako. Na-carried away lang siguro. Medyo matagal na rin kasi …” sambit naman ng lalaki na sandaling pinutol ang sasabihin. Naintindihan naman niya ito. “Tama na yan, umuwi ka na, sobra-sobra na ang extra service na ibinibigay mo sa akin,” natatawa pang saad nito. “Eto oh.” kapagkuwan ay abot nito sa sobreng hawak. “Tatapusin ko lang po ito para wala na kayong aalalahanin pa,” saad niya lang at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi niya alam na palihim pa rin siyang pinagmamasdan ng lalaki. Habang papauwi ay sandaling sumagi sa isipan niya ang tagpong muntikan na siyang halikan ni Kagawad Eric ngunit sa kabila ng nangyari ay hindi naman siya nabahala o nailang sa presensya nito sa sumunod pang mga minutong pananatili sa bahay nito kanina. Kahit magpahanggang ngayon, wala siyang ni anumang grudge sa lalaki. Sigurado naman kasi siyang hindi nito iyon sinasadya. Nalungkot lang siya dahil sa kabila ng kabutihan ng lalaki ay wala pa rin itong nakikitang katuwang sa buhay na maipapalit sa yumaong asawa nito. Sa maikling panahon na pagkakakilala niya dito ay nasaksihan niyang may mabuting loob ito. Sandali niya tuloy itong na-compare sa kanyang asawa. Kung tutuusin ay walang-wala si Ricardo dito, ang lamang lang ng asawa ay bata pa ito. Actually, matanda nga siya sa asawa ng limang taon, mas may pinag-aralan din siya kesa dito. Maging ang personalidad niya ay mas angat sa lalaki. Pagdating sa mga pagdedesisyon sa maraming bagay siya ang mas nasusunod pero kahit ganoon ay nirerespeto niya ang lalaki at kinokonsider pa rin itong haligi ng kanilang yahanan. At kahit may pagkabatugan ang asawa at madalas ay naiko-compare niya sa ibang lalaki, kahit kailan ay hindi niya magagawang pagtaksilan si Ricardo. Tuwan- tuwa siya nang makita ang halagang ibinigay sa kanya ng Kagawad. Halos doble ang ibinigay nito ngayon kesa noong nakaraan. Tamang tama at bayaran na ng ilaw at kuryente. For the longest time ay ngayon niya na lang ulit mababayaran ng sabay ang dalawa. Natutuwa siya, at kahit papaano ay nakakaahon sila sa pang-araw-araw at dahil iyon sa paglilinis niya ng bahay ng lalaki linggo-linggo na sinamahan rin ng halos araw-araw rin ng paglalabada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD