“Bakit ka pa pumunta dito? Dapat nasa ospital ka ngayon binabantayan ang anak mo,” saad ni Eric nang maabutan nito si Amanda sa loob ng bahay nito kasalukuayng nagluluto ng tanghalian. Itinabi nito ang biniling pagkain dahil hindi naman nito inaasahan na pupunta doon ang babae. Araw ng schedule nito sa paglilinis but knowing na nasa ospital pa ang anak nito ay akala nito ay mag-skip ang babae.
“Mabuti na ang kalagayan ng anak ko. Actually maya-maya ay lalabas na siya ng ospital. Dinaanan lang kita dito dahil I’m sure wala ka pang nakukuhang maglilinis ng bahay mo,”
sagot naman niya habang inihahanda na ang lamesa. “Hindi ka na sana bumuli pa ng pagkain, dalawang putahe ang niluto ko, hanggang bukas mo na ang mga iyon,” sambit niya pa.
Tina naninibago naman ang Kagawad na sinundan lang ito ng tingin.
“Kumain ka na. Dumaan lang talaga ako dito para pagsilbihan ka,” aniya pa habang nakangiti.
“Hindi mo man lang ba ako sasaluhan kahit sandali?” tanong nito nang pumaupo na sa upuan.
“Hindi na. Kanina pa ako rito. Baka gising na si Totoy at hinahanap na ako,” tapik naman niya sa balikat nito.
Pinakiramdaman nito ang tapik na iyon. Malumanay iyon na tila may kasamang concern.
“Teka,” humugot ang lalaki sa bulsa at kinuha ang wallet nito. Kapagkuwan ay kumuha ito ng pera doon at iniabot kay Amanda. “Ito oh,” saad pa nito.
“Hindi na. Malaki ang perang ibinigay mo sa akin noong nakaraan. Kung tutuusin may utang pa ako sa iyo,” sambit naman niya kasabay ng marahang pagtulak sa kamay nito na may hawak na pera.
“Sabi ko naman sa iyo, tulong iyon, walang kapalit,” wika rin ng lalaki.
“Hindi naman ito kapalit. Masaya lang ako na pagsilbihan ka, Eric,” matamis na ngiti ang inilakip niya noong sabihin iyon.
Napamaang naman ang lalaki. Iyon ang unang beses na tawagin niya ito sa pangalan nito. Parang musika iyon sa tenga ng kagawad. Nagningning ang mga mata nito. May kung ano rin itong naramdaman sa dibdib. Wari ba ay nabanaagan nito na may pagtingin na rin dito si Amanda.
Samantalang pumihit siya patalikod upang makaalis na nang pigilan siya ng Kagawad. Hinawakan nito ang kamay niya at marahang hinila papunta sa katawan nito. Hahalikan na sana siya nito sa mga labi nang muli niya itong pinigilan. Iniharang niya ang hintuturo sa mga labi ng kaharap.
Tinitigan niya ang mga matang iyon ng lalaki, mahahalata doon ang pananabik dito ngunit ipinagpatuloy niya ang pag-alis. As much as she wanted na pakahagkan din ito ay kailangan niyang pigilan ang sarili. Oo nahulog na siya ng tuluyan dito pero nagtatalo ang isip at puso niya. Nakukunsesnya siya sa ginawang pagtataksil sa asawa pero hindi naman niya makakaila na maligaya siya sa tuwing nasa piling ng Kagawad.
***
Sa mga nagdaang araw ay bumalik na sa dati ang pamumuhay nila. Tuluyan nang gumaling si Totoy. Samantalang si Ricardo ay nagkaroon na ng lakas ng loob na mag-apply ng trabaho at di nga nagtagal ay natanggap ito bilang isang security guard sa isang establisyemento. Na-busy naman siya sa pagtanggap ng labada dahil bumalik na rin ang Tiyahing si Rosanna sa paglilinis ng bahay ng Kagawad. Dala niya ang anak sa tuwing maglalaba sa bahay ng mga kaibigan, hinahayaan niya lang itong maglaro habang binabantayan rin ang bata.
Dumating ang araw ng sweldo ni Ricardo at dahil medyo matagal na itong hindi nakakainom kasama ang kaibigan ay sinamantala nito ang pagkakataong iyon kahit na masungit ang panahon. Walang ilaw ang buong lugar nila dahil may bumagsak raw na poste sa kanilang lugar sanhi ng malakas na hangin.
Alas singko y medya pa lamang ng hapon ay madilim na sa paligid gawa ng pabugso bugso ring ulan. Gamit ang gasera ay binuksan niya ang takip ng kaldero nang nilulutuang sinigang na bangus nang maalalang nakaligtaan niya pa lang bumili ng pangpaasim. Tamang-tama naman ay dumating si Ricardo na lulugo-lugo. Napabuntong hininga lang siya. Marahil ay napagdesisyunan ng mga kaibigan nito na magsiuwian na rin gawa ng sama ng panahon.
“Mabuti at umuwi ka na. Pwede bang bantayan mo muna si Totoy, may bibili lang ako sa tinadahan sa kabilang kanto,” saad niya dito. Pinatay niya ang muna ang kalan at nagdesisyon na ipagpapatuloy ang pagluluto pagkabalik.
Hindi naman nagsalita ang lalaki. Kumumpas lang ito na tila ba pinagtatabuyan na siya.
“Hoy, ang gasera ha, malakas ang hangin,” paalala pa nito sa asawa na pinukulan pa ng tingin ang butas sa kisame kung saan nalusot ang malakas na hangin na nagpapaikot ikot sa kanilang maliit na barong barong. Hindi naman na siya pinansin pa nito kung kaya lumabas na siya ng bahay.
Hindi na siya gumamit ng payong noong sandaling iyon, basta mabilis na lamang niyang nilakad ang pinakamalapit na tindahan. Hindi niya alam na sa ilang saglit lang na pagkakawala niyang iyon ay maabutan niya ang bahay na nagliliyab na sa apoy. Nagkakagulo na rin ang mga tao roon, ang iba ay nakikiusyoso at ang iba ay sinusubukang patayin ang tila kakasimula pa lamang na sunog ngunit halos kalahati na ng bahay ay kasalukuyan nang tinutupok ng apoy,