Chapter 7

1149 Words
Namilog ang mga mata niya, kasabay ng pagbitaw sa biniling bagay na hawak-hawak ng isang kamay. “Totoy!” sambit niya sa pangalan ng anak. Sinubukan niyang pasukin ang bahay pero pinigilan na siya ng mga taong naroroon kabilang na ang mga kapitbahay. “Ang anak at asawa ko, nasa loob! Tulungan n’yo sila parang awa n’yo na!” pagmamakaawa niyang saad sa mga ito. Nagsimula na ring mag-unahan sa pagtulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Ilang beses siyang nagsisigaw na tulungan ang kanyang mag-ama, may iilang kalalakihan na nagtangkang pumasok doon, ngunit napangungunahan ang mga ito ng takot. Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga ilang bumbero at emergency vehicle na noon ay active sa pagroronda dahil nga sa mga sakunang pwedeng mangyari dulot ng masungit na panahon. Agad ang mga itong kumilos at sinimulang patayin ang apoy. Sa kalagitnaan ng pakikipagbuno ng mga ito sa naglalakihang apoy at nagkakapalang usok sa bahay nila Amanda ay ang paglabas ng isang lalaki mula roon. Yakap nito ang isang batang nakabalot sa basang kumot. Dumiretso ito sa kanya. “Eric?” saad niya nang makilala ang lalaki. “I’m sorry, pero hindi ko kaya bitbitin ang asawa mo kaya lumabas na ako bago pa tuluyang lamunin ng apoy ang buong bahay,” humahangos na saad nito. Kasama pala ito sa mga rumurondang emergency vehicle noong mga oras na iyon. Agad nitong ipina-check ang bata sa mga medic na nandoon at maswerteng hindi man lang ito nawalan ng malay sa makapal na usok na bumabalot na sa kasalukuyang nasusunog na bahay. Nayakap niya ito ng mahigpit habang pinapanood ang anak na ligtas na sa kapahamakan. Kapagkuwan ay nilingon din niya ang bahay na kasalukuyan nang nilalamon ng malalaking apoy dahil na rin sa malakas na hangin. Napapikit na lamang siya sa isiping hindi na makakaligtas ang asawa sa sakunang sinapit ng sariling pamilya. Ilang oras pa ang lumipas nang maapula ang sunog. Abo na lamang ang natira sa maliit na barong barong nila. Sa kasamaang palad, kasama nitong nasunog ang asawang si Ricardo na dahil sa kalasingan ay hindi na nagising pa at hindi na nakalabas ng buhay sa nasusunog na bahay. It was heartbreaking for her. Kung alam lang niya na magkakaganoon ay hindi na lang sana siya umalis sandali. “Hindi mo kasalanan, Amanda. Aksidente lang ang lahat ng nangyari. Ang mahalaga, buhay pa rin ang anak mo,” sambit ni Eric nang sila na lamang ang natira sa katatapos pa lamang na libing ng asawa nito. Hanggang ngayon ay sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Pero ano pa ba ang magagawa niya, paulit ulit mang sisihin ang sarili ay hindi na niya maibabalik pa ang buhay ni Ricardo. Karga niya noon si Totoy at patuloy pa rin sa pagluha ang kanyang mga mata. Kahit naman ganoon ang asawa ay minahal niya pa rin ito. Kahit puro pasakit ang hatid sa kanya ng lalaki ay kailanman ay hindi niya ninais na mangyari ito kay Ricardo. Kahit pa sa mga nagdaang buwan ay may iba nang laman ang puso niya. Iyon ay si Eric. Oo, at magmula nang may mangyari sa kanila ng lalaki ay hindi na siya sumiping pa sa asawa. Kaya nagkalakas na ito ng loob na maghanap ng trabaho sa kadahilanang baka iyon ang dahilan kung bakit nanlamig na siya dito. Pero kahit ganoon ay pinakisamahan niya pa rin ito ng maayos. May guilt lang siyang nararamdaman dahil ganito ang kinahinatnat ng buhay ng lalaki. “Saan ka na pupunta ngayon?” tanong ni Eric habang papalabas na sila ng simenteryo. “Hindi ko alam. Baka uuwi na lang kami sa probinsya at maninirahan kasama ng mga magulang ko,” sagot niya. “Amanda, alam ko hindi ito ang tamang panahon para mag-propose sa iyo pero, hanggang ngayon hindi nawawala ang pagmamahal ko sa iyo. Hayaan mo sana akong tulungang kang alisin ang lungkot sa puso mo. Aalagaan ko kayong mag-ina, hindi ko kayo pababayaan,” pagsusumamo nito sa babae. “Eric, aaminin ko sa iyo, napamahal ka na rin sa akin. Pero ikaw na rin ang nagsabi, hindi ito ang tamang panahon, kamamatay pa lang ng asawa ko,” saad niya lang. “Uuwi kami sa probinsya, magpapahinga. Susubukang bawasan ang sakit ng mga nangyari, pero babalik ako, kung kelan ay hindi ko alam,” may luha sa kanyang mga matang sambit. Marahang napatango lang naman ang kagawad. Naiintindihan naman nito si Amanda, ayaw lang siguro nito na mapalayo ang babae. Pero sa sinabi nito ay aasa ito na isang araw ay tutuparin iyon ng minamahal. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan. “Aling Rosanna, tigilan n’yo po muna iyan at kumain ho muna kayo,” iyon ang sambit ni Eric nang dumating ito sa bahay nito galing sa trabaho. Gaya ng nakagawian ay umuwi ito upang magtanghalian. Ngunit nagulat na lamang ito nang imbes na si Aling Rosanna ang tumambad sa harapan nito ay si Amanda iyon. Pagkatapos ng ilang buwang walang komunikasyon dito ay sa wakas ay nagpakita na rin ito sa lalaki. Hindi na nila pinatagal pa ang sandaling iyon at agad na silang nagyakap. “Oh, Amanda, akala ko tuluyan mo na akong kinalimutan,” sambit ng lalaki habang yakap yakap siya ng mahigpit. “Sinubukan ko, Eric. Pero hindi ko pala kayang pigilan ang tinitibok ng puso ko,” saad niya naman. Kinuha nito ang mukha niya at hinalikan ang kanyang mga labi sa mga narinig nito mula sa kanya. “Nasaan na si Totoy?” hinanap agad nito ang batang iniligtas noon. “Nasa loob ng kuwarto, natutulog,” sagot niya naman. Magkahawak ang mga kamay nilang pinuntahan nila ang bata at mula sa pintuan ay pinakatitigan habang himbing ito sa pagtulog. “Masaya ako na makitang nandito na kayo sa piling ko. Magmula sa araw na ito, diyan sa kamang iyan matutulog tayong tatlo. Ikaw at ang anak mo, ituring nyo nang bahay ang bahay ko. Dito, magiging isang buong pamilya na tayo.” sambit pa nito. Wala naman paglagyan ng kaligayahan ang puso niya. Nawalan man ng totoong ama ang kanyang anak ay may isang tao namang handang magpakaama dito. At nawalan man siya ng kabiyak, sigurado siyang pupunan ng lalaki ang pangangailangan na dapat ay matagal nang ibinigay ng namayapang asawa. Ilang buwan pa ang lumipas nang pakasalan siya ni Ricardo at simula ulit bumuo ng pamilya sa piling nito. Ito ang nagbigay ng kaganapan sa maaliwalas na buhay na pinapangarap lang noon. Hindi naman niya inasam na maging mayaman, ngunit sa piling ni Eric, hindi na niya nagawang maghirap pa. Sa piling ni Eric naranasan niyang pakamahalin ng sobra-sobra. Sa buhay, hindi habang panahon ay nasa ibaba ka lang, gagawa at gagawa ng paraan ang Panginoon para makaahon ka. Gagamit siya ng mga instrumento para makamit mo ang pangarap mo at sa huli ay magtagumpay. Lalo na at nagtataglay ka ng mabuting kalooban. WAKAS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD