CHAPTER 6 Brandon POV Nasa opisina ako nang araw na iyon, puno ng mga dokumento at reports na kailangan kong suriin. Seryoso ang pakiramdam ko, at hindi ko maikakaila ang pag-aalala ko sa performance ni Blaire. Ang dami niyang pagkakamali lately, at aaminin kong hindi ko na kayang magpanggap na okay lang sa akin. Hindi ko naman ginusto na maging ganito, pero hindi ko rin kayang makita ang kumpanya ko na nalulugmok dahil sa kakulangan sa trabaho. Habang sinisiyasat ko ang isang ulat, pumasok si Mia sa opisina ko. “Sir Brandon, may mga reports po na kailangang i-review mo. Nasa desk mo na po.” “Thanks, Mia,” sabi ko, hindi na tumingin sa kanya. Nagpapatuloy ako sa pagbasa ng mga dokumento, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilang isipin si Blaire. Ang paminsan-minsan niyang pagka

