Kanina ka pa? Sabay tapik ni Rene sa balikat ko.
Ayyyyy. bigla akong napasigaw sa gulat.
Ano beh boss, naman eh, muntik mahulog puso ko.
Di bale madam willing si boss pulutin yan... Sabay tawa.
Unggoy ka... nakairap kong tugon.
Oh akala ko ba gwapo ko.
Heh ikaw lang nagsabi nun.
Aray ko naman madam sabay hawak sa dibdib.
Nakasaing ka na ba? Seryosong sabi ni Rene sabay talikod.
Yes boss, maluluto na. Kasabay ng pagkindat nya sa akin na parang sinasabing, kita mo na sabi ko sayo eh, selos yon.
Hmmmnnp ganting reply ko sabay lagay ng hintuturo sa labi para sabihing tumahimik ka.
Maghain ka na. Ani boss kay Rommel.
Ako na boss, tulungan kita Rommel.
Wag na kaya na nya yan, sagot ni Rene.
Oo madam, cool ka lang, relax and watch. Habang si Rene naman ay nagchecheck ng halaman.
Ok....
Kain na tayooooo. Maya maya'y tawag ni Rommel.
Madam oh... Nilagyan ako ng kare-kare at kanin ni Rommel sa plate.
Sige nga tingnan natin ang pinagmamalaking kare-kare.... Hmmmnn sarap.
Pati bagoong ang sarap.
Sabi sayo madam masarap yan talaga. Alam mo ba yung mani, fresh yan, sya pa ang sasangag at nagdidikdik.
Hmmmnn talaga ba? Sarap talaga.. Favorite ko talaga ito pero ito pinakamasarap. Sabay lingon ko kay Rene.
Kain ka pa, damihan mo, madami akong dinala para din makapag-uwi ka.
Ay ma patake out pa si mayor...
Mayor? tanong ni Rene.
Mayor, boss, ganern...
Nakamotor ka ba?
Oo dapat kasi SM North punta ko maghahanap ng kakainan.
Sabi ko wag ka ngmomotor sa highway eh delikado dyan sa circumferential.
Nag-iingat naman ako.
Oo nga, ikaw maingat paano madaming lokong driver dyan.
Madam tawagan mo nalang si Boss para maihatid ka.
Heh tumahimik ka nga dyan, sagot ko. Napansin ko naman sa gilid ng mata ko na masama ang tingin ni Rene kay Rommel.
Pagkatapos kumain, hinanap ko yung pang take out ko. So paano salamat sa lunch ha, late lunch man pero sulit sa sarap.
Nasan yung take out ko.
Ahahhaha lakas manlambing ni madam.
Ito oh, sabay abot ni Rene ng canister.
Ang dami naman nyan. Ako lang sa bahay.
Ikaw lang? Pede bumisita madam?
Huh?
Tumigil ka nga magbantay ka ng pwesto, sagot ni Rene.
Boss ibig ko sabihin baka pede ka bumisita dun. Di ba madam, pede naman? Wala ka namang bf?
Ah.. eh oo wala naman.
O boss ayan ha, bagal mo kasi. Pede daw bumisita.
Hoy teka wala akong sinabi na pwede ha. Anyway sige na uuwi na ako.
Ihahatid nalang kita. sabi ni Rene.
Naku wag na dala ko naman motor ko.
Eh yung halaman inihanda ko na. Rommel ibalot mo na.
Nanatili akong tahimik dahil naguguluhan na ako sa sitwasyon. May pagtingin kaya si Rene sa akin.
Boss naisakay ko na sa motor.
Ah sige thank you sabay talikod. I gcash ko nalang ha. Rommel text na lang kita kung magkano ha.
Naku si boss na ang tatawag sayo mamaya. Sabay kindat ni Rommel sa akin paglingon ko. Naramdaman ko naman na nagblush ako.
Oh sige na bye na.
Ingat ka ha.. Pahabol ni Rene na sya ko namang tinanguan lang.
Pagdating ko sa bahay ay wala pa ding text si Rommel o Rene sa halaga ng plants pero hinayaan ko na lang muna at feeling ko napagod ako ng sobra at gusto kong humiga. Tutal oras naman na ng siesta. Makaidlip nga muna dahil may pasok naman bukas.
Pero work from home lang naman ako.
Madami akong chat pero hinde na muna ko nag-open ng messages kasi nga gulong gulo na ako sa sitwasyon.
Kinagabihan.....
Kring kring kring kirng
Hello? pagsagot ko sa phone na hinde ko man lang tiningnan kung sino.
Bakit di ka nasagot sa text at chat ko? May nangyari ba sayo?
Boss? wala naman nakatulog lang ako pagdating kasi kailangan ko mamahinga dahil may pasok bukas.
Nakalipas ang ilang linggo at buwan at nasasanay na ako na lagi syang nandyan, lagi ko kausap, tumatawag, ngtetext o di kaya ay nagchachat.
Feeling ko talaga, I'm in love dahil sa sweetness na pinapakita nya.