Madam, invite sana kita sa Christmas party namin, sabi naman ni Boss pede kami magsama. Text ni Rommel.
Eh bakit naman ako ang isasama mo?
Syempre di ba friends tayo? Isa pa yung gf ko eh staff din naman.
Ayun na nga baka awayin ako.
Hinde kasi lagi naman kita kinuwento.
Ah depende sa sked ha.
Sabado yon. Sige na kita na lang tayo dito sa Circle sa sabado ha. Sige na sama ka na. Di alam ni boss na isasama kita. Ikaw ang surprise ko sa knya.
Naku naku puro ka kalokohan..
Kay Kuya Erwin naman tayo sasakay. May service naman tayo hinde tayo mamasahe.
Ok sige. Sama ko si Ate Gina ha. Di ko alam na dito pala madudurog ang puso ko.
Saturday at 10am pa lang nsa Circle nakami tulad ng napag-usapan pero ala una na wala pa ang van pero nandito na dn yung gf ni Rommel na si Eve na nakilala ko na kanina. Pero ramdam ko na pinagseselosan nya ako.
Dumating yung van ng 1:30 PM at di ko alam na madami palng sakay, kasma 3 staff sa bulacan yung kanilang mga anak.
Hi guys, bati ni Rommel, si Emy, valued client namin dito, invited sya sa Christmas party.
Hi sa inyo, nahihiyang tugon ko. Si ate Gina nga pla, friend ko.
Hi, ganting bati nila sa amin.
Sa van ay wala naman kami halos imikan, si Rommel lang ang madaldal. Naisipan ko muna umidlip at siguradong puyatan kasi sa tantya ko ay mga 5PM pa kami makakarating sa pupuntahan. Mabuti na lang at kasama ko si Ate Gina para hinde ako ma out of place. Alam kong naiinip na din si Ate Gina kaya binulungan kong matulog muna sa byahe.
Di nga ako nagkamali at mag 6PM nakami nakarating, dahil December na, sobrang ginaw mabuti na lang at nakapagdala kami ng Jacket.
Pagdating nakita ko na agad si Rene at bigla akong naexcite.Pero pinauna ko silang bumaba.
Nangunot ang nuo ni Rene ng makita kami at parang nagbabanta ang tingin kay Rommel.
May lumabas na payat na babae na maliit at inaaya ang lahat na kumain.
Si madam Myla pala nandito, narinig kong sabi ni Mike, tauhan sa Calumpit.
Biglang kabog ng aking dibdib na parang gustong sumabog at parang hinde ako makahinga. Nanatili lang ding tahimik si Rene.
Madam, dito tayo upo kayo. Sabi ni Rommel sabay hiklat ko sa damit nya.
Bakit mo ako isinama eh andito pala yung wife nya.
Hinde ko naman alam madam, sabi kasi hinde daw sasama kasi nga di ba may sakit sya. Sorry na. Ganting bulong ni Rommel
Naku lagot ka talaga sa akin. Inis kong tugon.
Kain na tayo, pasok na pasok at iniisa isa pa kaming hilahin habang magandang nakangiti samin at nakakahiyang hinde namin gantihan ng ngiti.
Pinag-aaralan ko ang kilos ni Rene at alam kong bantulot sya, siguro pakiramdam nya nagkakasala sya. Pero teka wala namang kami bakit kami magi guilty, di ba, di ba, sabi ng isip ko.
Nang mapadaan ako sa harap ni Rene ay bumulong sya sakin na bakit ka andito.
Nagulat ako sa tanong nya at mataman syang tinitigan.
Boss sinama ko si Madam kasi di ba valued client naman natin sya kaya pedeng magsama. Sagot ni Rommel na naramdaman at narinig pala yung sinabi ni Rene.
Ah reseller ba natin sya? tanong ni Myla.
Opo madam, reseller natin si madam Ems.
Nice to meet you po. Thank you sa pag invite. Sige po dito na po kami. Paalam ko kaagad kasi hinde ko kayang tagalan ang sitwasyon. Kung pede nga lang na umuwi na ako. Parang nagsisisi ako na sumama pa ako.
Huy, bakit aligaga ka, kalabit ni Ate Gina sa likod ko. May di ka sinasabi sa akin.
Ano naman sasabihin ko sayo?
Kayo na ba?
Huh? Hinde ah. tugon ko na sinabayan ni Ate Gina ng paglabi at pag ismid.
Naku halata kita. Kilala kita. Buti pala kasama mo ako.
Oo nga buti nga.
O kita mo inamin mo din.
Wala akong aaminin kasi walang kami. Wala pa.