First Date!

675 Words
Eh san ba tayo magkita? Buti nalang nakaligo na ko kanina kasi naman biglaan ka magsabi. Sa Jollibee na lang sa may Visayas kasi hinde pa ako nakapagbreakfast. Aba, magpapa breakfast ka? Oo syempre sagot ko. O sige na ibaba ko na ng makapagready ka na. Ok. wait lang. Ay susme, ano ba isususot ko, ok na siguro itong aking short at shirt, maayos naman. Nasaan na ba yung susi ng motor ko. hay naku Ems wag ka nga mataranta, si Rene lang naman kikitain mo at hinde mo naman boyfriend. Halatain kang masyado. Awat ko sa sarili ko. Ewan ko ba bakit ba kasi parang ang gaan ng loob ko sa knya. Tit-tit tit-tit I'm here. Park lang muna ako mamaya na ko bababa pagdating mo. Para sabay na tayo mag-order. OMG andun na pala sya. Wait lang reply ko. At nagmamadali ng nagsuot ng helmet at nagpatakbo ng motor. Meron kasi akong MIO na yellow since ito yung favorite color ko. Kaya lang pang malapitan lang at hinde ako bumibyahe ng malayo. After 12 minutes, I arrived at Jollibee at agad ko ng nakita yung pick-up na black na nakapark. Ito kaya sya? Kasi van yung gamit nya kahapon. Palinga linga muna ako kasi nakakahiya naman mangatok. Ay wait alisin ko pala helmet ko kasi baka di nya ko nakilala. Ems, ikaw pla yan? Nagmomotor ka? Oo pag malapit lang. Takot ako sa malayo. Sayo yan? Oo nabili ko tsaka ginagamit kong pandeliver ng halaman pag malapit lang. Naku delikado yan ah. San ka ba magdeliver samahan kita mamaya. Naku ha, di na, over ka. Oh ano tara na. Anong gusto mo? Libre ko. Ah fried chicken na may burger steak. Yun lang? Sundae? Coffee? No, ok na yun tsaka iced tea. Sige wait mo nalang ako sa table dun. Good morning sir, ma'am, dinr in o take out? sabi ng guard. Dine in. sagot ni Rene. Ah vaccination card po please. Ito yung sakin sabi ko. Ah cp lang sakin kasi hassle malaki tsaka baka mawala. Ah sige po sir ok lang. Pakisunod na lang po social distancing sa pila. Ok.. maikling tugon ni Rene. Oh sya wait kita dun o samahan kita mag order? Ako na sige na wait ka nalang dun Ok.... Maya maya nakita ko ng palapit si Rene. Wait na lang daw natin tawagin number. Ah ok, so kamusta ang byahe mo? Di ka ba napapagod sa trabaho then sa kakabyahe? Hinde naman ok lang kasi halaman at bulaklak naman talaga ang fashion ko nuon pa. Eh wag ka sana magagalit, kasi ang lapit lang nito sa atin, paano pag may nakakita satin baka ano pa isipin at mag-away pa kayo ng asawa mo. Alam mo, aaminin ko sayo, sabi ng asawa ko maghanap naman na daw ako ng ipapalit sa knya. Wehhh di nga. Oo totoo pero ako lang yung takot kasi feeling ko parang panloloko pa dn yon. Matagal na din kami nagsama at may anak kami. Kaya nga, tsaka ano iisipin ng anak mo, di ba. Isa pa yon, may sariling mundo yon ang hirap din kausapin minsan, pero baka kako kasi pinoproblema lang nya ang nangyari sa mama nya. Ah sabagay nga, posible yon. Number 22 po... sigaw ng crew Wait kuhanin ko lng order natin, sabi ni Rene. Ang dami ng inorder mo. Kaya natin yan. O sige na kain na tayo. Maasikaso si Rene at maalaga sa kasama. Ang dmi din namin kung ano anong napagkwentuhan hanggang natapos kami kumain at oras na ng uwian. Oh paano, salamat sa mga pasalubong. Di ko pa nga naibibigay sayo, salamat kaagad. Pareho na lang kami nagkatawanan. Sa pick-up, oh eto na sila nakapack naman ito. Sya na din ang nagsabit ng plastic sa motor at nagkabit ng helmet ko. Ang dami naman nito, sabi ko habang papasakay sa motor. Baka hinde ko ito maubos. Ishare mo dun sa lagi mong kasama. Mauna ka na at sundan kita hanggang sa lilikuan mong kanto. Sige, salamat ulit ha... Hanggang sa pinaandar ko na yung motor pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD