My New Text/Chat mate!

659 Words
Hi, kamusta? Tulog ka na? Kakatapos ko lng kumain. Text ni Rene. Hinde pa kasi di ba sabi ko naman hihintayin kita makakain. Nakangiti ako habang nagtetxt. Ah akala ko tinulugan mo na ako. Syempre pag promise, tinutupad. Kamusta nabusog ka ba? Prang ang bilis mo kumain, 10 minutes palang yata. Ako kasi ang bagal ko kumain. Eh kasi naisip ko baka tulugan mo ako. Nga pla my sss ka ba? Oo yung name ko, nakayellow summer dress ako. Sige wait lng hahanapin ko. Tit-tit tit-tit, you have a new friend request. Sige dito na tayo sa messenger mag chat. Ayan iniadd na kita ha. Thank you. So paano sleep ka na. Susme, inintay nga kita tapos papatulugin mo lang pla ko. Sige goodnight. Di naman, kaso lang gabi na baka mapuyat ka... Mokong to ah, seen mode ka sakin ngayon. Kanina pa ko inaantok, nagtiis ako tapos papatulugin ako. Hmmnnppp Inaantok ka ba? Hmmnp seen zone ka lang sakin. Di kita replayan. Galit ka ba? Reply ka na. Seen zone ulit. After a while, aba hinde na nagchat... Hmmp bala ka dyan... Napikon siguro. Makatulog na nga.. Tit-tit tit-tit Good morning madam... Masarap ba tulog mo kagabi? Nag-enjoy ka ba sa kachat mo? Ah peste ka, ang aga mo mamwisit Rommel ha. Ayiiieeehh parang kinikilig si madam.. Wehhh ewan ko sayo. Matutulog pa ako. Oh sige, sige, punta ka dito sa Circle mamaya sige na, lunch tayo. Ayoko nga, mamaya ma chismis pa tayo dyan. Aga aga pa 6am pa lang, nangiistorbo ko na. Syempre maapit na ko magbukas kaya gising na kami. Sige text kita mamaya, magready muna kami. Ok sige... Browsing messenger.... Aba walang text o chat ahh. Napikon yata talaga. Since naistorbo na din naman ang tulog ko, makabangon na nga at maiready na yung mga for out na halaman today. Usually kasi kailangan ko silang balutin ng box isa isa para di masira. kring-kring kring-kring Sino kaya yung tumatawag ang aga naman. Ayyyy impit kong tili. Hello. Ginamit ko ang bedroom voice ko pra sexy. Hi Ems, good morning, nagising ba kita? Hinde naman, kanina pako nakabangon kasi ang aga magtext ni Rommel. Si Rommel? napakunot ang nuo ni Rene. Bakit naman tinetext ka anong sabi? Wala naman nanggising lang. Tinatanong nya kung nagtext ka. Ako? Ano sabi mo? Wala akong sinabi. Sana sinabi mo na nagtext ako. Oh ganun ba, sige later pag nagtext sabihin ko pag nagtanong ulit. So, ibig sabihin magkatext pla kayo palagi? Hinde naman kanina lang. Tapos nag-aaya maglunch, sabi ko ayoko. Aba, nag aaya pa maglunch. Bakit di ka sumama. Ayoko, ayoko lang. So, di mo sya type? Ha? type? Ano ka ba, friends lang naman kami. Ayoko ng ganon, masyadong agresibo. Teka, bakit ba sya pinaguusapan natin. Napatawag ka? Ah kasi ano. eh.. nabubulol na sabi ni Rene Ano nga? Kasi inisip ko galit ka sakin kagabi so binilan kita pasalubong. Wow ha, talaga lang. Hinde ka na sana nag abala. Okey lang naman ako. Eh san kita pede puntahan? or kitain? Ah kelngan na ba ngayon? Madami pa kasi ako ipapadeliver na halaman. Parang ayaw mo yata ng pasalubong ko. Pede naman hinde mo kuhanin. O sige busy ka yata mamaya na lang. So ikaw naman ang nagtatampo? Eh di inamin mo din na nagtampo ka kagabi? Uy hinde ah. Ayaw mo talaga kuhanin tong pasalubong ko? Ano ba yan? Buko pie tsaka sweets. Tsaka meron ding ox tail tsaka balat ng baka pang kare-kare. Bigyan kita kung gusto mo. Buko pie nalang tsaka sweets. Paborito ko yang kare-kare pero ako lang dito sa bahay sayang lang pag ngluto pa ko. Eh di lulutin ko na tsaka kita bibigyan. Wehh di nga? Sus wag na, joke lang yon. Nasa may Visayas Ave na ko. San tayo magkikita. What? Nagmamaneho ka habang kausap ako? Magpark ka muna baka mabangga ka. Naku hinde, naka loud speaker ka naman. Sure ka ha . Yeah... Malapit na ko. See you...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD