Pagkahugas ko ng pinagkainan ay inayos ko naman ang mga dala dala kong damit.
-------------------------
Mabilis lumipas ang panahon, nakaraan ang Christmas at New Year ng hinde kami magkasama at ngayon ay more than 6 months na kami. Kahit gustuhin ko ay hinde talaga maari dahil pamilyado sya. Isama pa ang Valentine, Birthdays at lahat ng okasyon, ni isa dun wala akong nai celebrate kasama sya. Pero tinitiis ko lahat yon.
Babe? gusto mo mag move in ka na dito? Sayo ba yung bahay na tinitirahan mo sa Pasong Tamo?
Ah hinde upa lng, pero matagal na kami dun ni Auntie Bella nung nabubuhay pa.
Gusto mo dito ka na tumira?
Nanlaki ang mga mata ko sa offer nya. Talaga babe?
Sayang na din yung ibabayad mo dun, lipat ka nlang dito.
Ang dami kong gamit eh, hayaan mo na. Hussle pa.
Yung lagi mong kasama si Gina ba yon? Gaano mo na katagal kakilala?
Ah mga 6 years na buhat ng maging magkapitbahay kami.
Magkano ang upa mo sa bahay?
3K lang dahil nga matagal na kami dun at may garahe pa yon. Isa pa madami akong memory duon kaya ang hirap.
Baka binebenta yung bahay na yon?
Ay oo nga noh, ask ko nga yung may-ari.
Si Gina umuupa din?
Oo kwarto maliit lang yon. Sya na lang kaya ang paupahin ko din ng 2K sa bahay pra 1K nalang ang ipoprovide ko tutal 2 room ng inuupahan ko.
Pede, pede para dito ka na muna uuwi at may tatao sa bahay. Bibisita na lang tayo dun minsan.
Sige sige kausapin ko si Ate Gina. Malamang naman na pumayag yon.
So payag ka na dito ka na muna? Tulungan kita maghakot.
Pede ko dalin plants ko? Ksi ung Monstera ko aalagaan ko yon.
Turuan kita paano yon malapago, so dapat hinde diretso tap water kasi my chlorine yon so magstock ka muna ng water tapos kinabukasan mo pa ipapandilig. Hahaluan mo ng vetsin yon ung tag 3 pesos sa isang timba.
Vetsin?
Oo MSG, then diligan mo ng basang basa pero dapat hinde everyday ang dilig. Kapag medyo tuyo na tsaka diligan.
Ah Salamat sa tip boss.
Boss? Boss?
Yeah boss....
Ah boss pala ha sabay kiliti nya sa akin. Napatakbo tuloy ako sa banyo sabay lock.
Please open the door. Sagot ni Rene.
Heh, bahala ka dyan. Maliligo na muna ako.
Sabay na tayo...
Ayaw ko. Maghintay ka dyan.
Daya naman, maktol ni Rene.
Paglabas ko sa banyo ay wala si Rene sa room kaya lumabas ako at hinanap sya at inabutan ko sa terrace at may kausap.
Nasa Bulacan ako, bukas pa ako uuwi dyan dahil didiretso pa ako sa Silang.
Awwwttsss. Naisip kong baka si Myla ang kausap nya kaya hinayaan ko na lang muna sya at hinde inabala. Pagbalik ko sa kwarto ay inayos ko na lang muna ang mga gamit nya at inilabas ang pamalit nyang damit.
Pagbalik ni Rene sa room ay napansin kong nakatitig sya sa akin, sabay buntong hininga.
Tumawag si Myla hinahanap ako, ngayon lang sya nagtanong ng ganoon, baka nakakahalata na din sya.
Malakas kasi ang instinct ng babae. Or baka tumawag sya sa Bulacan at nalaman nyang wala ka don. Possible ba yon?
Siguro kasi hinde ko naman pwede sabihin sa mga tauhan ko na pag natanong si Myla eh magsinungaling sila kasi para na din akong umamin nun.
Napaisip ako dahil nakikita ko sa mukha nya ang matinding pag-aalala. Eh ano kaya kung umuwi ka na lang muna sa inyo?
Maliligo muna ko babe. Teka lang.
Sige para marelax ka.
Pagpasok nya sa banyo at ipinapatuloy ko na lang ang pagtitiklop ng mga damit habang patalikod akong nakasalampak sa kama.
Gusto ko kasi na maayos ang pagkakatiklop at pantay pantay. Natapos ko na ang mga damit na dala ko kanina at ngayon naman ay tinatapos ko ang mga damit ni Rene.
Nagdadalawang isip na ko kung itutuloy ko pa ba ang pagtira ko dito sa bahay nya. Hayyy na sinabayan ng malalim na buntong hininga.