Pagkatanaw ko ng sasakyan ay agad na akong tumayo at sumakay
Hinde ko na hinintay na pagbuksan nya pa ako ng pinto.
Babatiin ko sana pero kahit saglit ay di ako nagawang lingunin kaya kusang umurong ang akong dila.
Habang daan ay nanatili kaming tahimik. Ayaw ko ng ganitong sitwasyon. Di yata ako tatagal.
Babe pwede mo bang ihinto? Sabi ko sa mahinang tinig.
Bakit?
Bababa na ako, uuwi na lang ako.
Sabay tapak nya ng bigla sa preno.
Ano ba? Itabi mo nga at baka maaksidente tyo. Galit kong sabi.
Nanatili lang syang tahimik at mahigpit na nakahawak sa manibela. Buti na lamang ay walang masyadong sasakyan.
Ah ayaw mo ha, sabay bukas ko ng pinto.
Agad naman nya akong hinatak sabay abot nya sa pinto at hinila pasarado.
Nagmamadali nyang pinaandar ang sasakyan.
Nagpapakamatay ka ba? Pwede ba wag ka mandamay. Sigaw ko. Kung di ka magsasalita ng matino mainam pang tsaka na tayo mag-usap.
Nanatili lang syang tahimik at concentrated sa pagdrive kaya hinde ko na nagawa pang magsalita ulit.
Paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay ay bumaba sya para magbukas ng gate. Sinabayan ko din ng baba para sana umalis pero agad nya kong nahatak at hinila sa kamay. Di nya ako binitawan kahit ang isang kamay ay sinususian ang pinto.
Pagpasok sa bahay ay halos isalya nya na ako sa sofa.
Sya naman ay halatang may galit, iiling iling at di mapakali habang ang isang kamay ay nakapamulsa at nakahawak sa batok ang isa.
Di mo man lang ba ako kayang sundin na dito ka lang sa bahay habang wala ako? Tuwing sabado lang naman babe.
Ako naman ay nagsimula ng tumulo ang luha.
Para sayo naman yung ginagawa ko pra na din sa atin. Ayaw ko lng dn magwork ka pa pag weekends para makapag pahinga ka. Ang tagal ko kasing ginusto na ganito yung may mag aasikaso sa akin pag darating ako. Tapos ano, ang tigas ng ulo mo.
Eh kasi naman maghapon lang din ako andito at walang ginagawa. Sanay akong mabuhay sa sarili ko kaya naninibago din ako na may nagmamando na sa buhay ko.
Kaya nga kita kinakausap di ba pra magkaintindihan tayo.
Kasi ang gusto mo lahat susundin ko, di nga ako sanay ng ganon. Ganting sagot ko habang pinipigilang umiyak.
Babe please understand, kasi di normal ang sitwasyon natin at para dn maiwasan yung katulad ng nangyari kagabi sa grocery.
Siguro maghiwalay muna tayo pareho muna tayong mag-isip.
Bakit tingin mo ba solusyon yan? Di mo ba naisip na lalo lang tayong mahihirapan nyan?
Pag-usapan natin ang set-up kasi ayaw ko ng nararamdaman ko, ayaw ko ng nagtatago.
Di ba nga sabi ko sayo konting tiis muna. Yung pills ba ininom mo na?
Tango lng naisagot ko. Unti unti nya na kong niyakap at pinaupo sa sofa. Kumaha sya ng tubig para makainum kmi.
Nagsimula na syang magbaba ng cooler galing sa pick-up at naipasok nya na din ang sasakyan.
Tulad ng naipangako nya at may dala syang seafoods.
Tinulungan ko syang magprepare ng para sa buttered king crab at shrimp.
Kahit pagkasarap sarap ng dinner ay parang di ako ganahan pero napilitan akong ubusin ang kanin. Habang kumakain ay pinagbabalat nya ako ng shrimp ay ng crab.
Kumain ka na kaysa puro bigay ka sakin.
Makita lang kita nasisiyahan ay ok nko.
Pagkakain ay ako na din ang nagligpit pero hinde sya humihiwalay at minsan pa ay yayakap sa likuran ko.
Babe sorry kung nagalit ako. Gusto ko lang kasi ulit maranasan na pag-uuwi ako ay may asawang mag-aasikaso at naghihintay sa akin.
Di mo ko asawa, malungkot na sagot ko.
Shhhhhh don't say that. Malay mo someday, you will.
Nako baka mamaya may mahanap ka pang iba na higit sa akin.
Kung gusto ko sana dati pa pero nakayanan ko, sa charm mo lang ako hinde umubra, Sabi nya habang humahalik sa tenga at batok ko.
Babe ano ba? Nakikiliti ako. Nakangiti kong tugon, or mas tamang sabihin ba na kinikilig. Dun ka nga muna ng matapos ako.
Ok sige manuod muna ko habang inuubos yung SanMig. Sabi ni Rene habang papunta sa sala.
.