Rene's Care!

692 Words
Ano bang nangyari sayo? Bungad ni Ate Gina pagbukas ko ng gate. Nilalagnat ako ate.. Naku baka mamaya covid yan ha. Pabiro nyang tugon. Uy hinde ah... So san ka nagpunta kagabi kasama si Rene? Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Paano mong nalamang si Rene ang kasama ko. Paano kagabi usap usapan ka na dito dahil nakita ka nung anak ni Ilonggo ng hatakin ka daw nung lalaki tapos sumakay daw kayo ng van. Ano ba yan naunahan na ko agad ng tsismis. Nagmmaktol kong tugon. Nagdala pala ko ng pandesal at kape. Magtimpla muna ako tsaka ka magkwento. Naupo na ko sa dinning table tsaka ko nakwento kay ate ang nangyari. Patay tayo dyan ang dali mo namang bumigaw. Anong plano nya sayo? Wala pa kami napag-usapan basta sabi nya konting hintay lang. Naku malabo yan, sinabi nya na bang mahal ka nya? Kailagan pa ba yon eh nag-effort na nga para makita ako at makausap. Naku, bagong bago ka pa talaga kung relasyon ang pag-uusapan. Paalala ko lang sayo, pede naman yan maging single pero sa ngayon pamilyado pa dn yan. Sana hinde ka muna bumigay agad. Eh dati tinutulak mo ako sa knya bakit ngayon parang ayaw mo. Hinde kita tinutulak lamang ay nakita kong gusto mo sya at dahil may sakit naman ang asawa so pede ka umasa, hinde ko naman inasahan na ibibigay mo agad ang sarili mo. Eh ate basta suportahan mo na lang muna ako. Andito na to eh. Tapos bilhan mo ako ng pills. Sige na. Ayaw ko pang mabuntis. Pills? May ginagawa kayo pero hinde kayo ready pag nakabuo. Ako ok sakin pero sabi nya wag daw muna. Natural, pamilyado yon eh. Oh sya sige anong brand ba bibilin ko? Madami bang brand yon? Di ako pamilyar, basta pakitanong mo ano ang mas effective. Ayon sa wallet ung pambili. Kuhanin mo na ung Php500 dun then kuha ka Php20 pamasahe sa tricycle. Ok sige aalis ako pagkakain natin. Salmat ate, sabi ko habang nakangiti. Tit-tit tit-tit You have received PHP 1,500 of Gcash from RENE GARCIA ---------- Babe what's this Php1500? text ko ky Rene. Para saan? Babe bili ka gamot mo then food and pills. May pera naman ako, di mo kailangan magpadala. Next time ha ayaw ko ng ganito. I insist, kasi ako naman may kasalanan bakit ka nagkasakit, dapat gumaling ka na agad kasi alam mo na..... naiimagine kong nakangiti pa sya habang ngrereply. Bigla din akong natawa. Siraulo ka. Di pa nga ako magaling, kasunod agad iniisip mo. Oh sige na aalis na ko at mukhang kinikilig ka na. Singit ni Ate Gina. Sige Ate ingat. Bili ka na dn pala ng Jollibee yung palabok at spicy chicken sakin. Bahala ka na kung anong order mo. Bigla ka nagkagana kumain ah. Nakangiting sabi ni Ate Gina. Idagdag mo na itong Php100 at bilan mo dn si Ash. Sige thank you.. Yung sukli bayad sa pandesal at kape. O sya lakad na. Uuwi muna ako at baka magluto si Ash sabihin kong hintayin na muna ako. Ok ate. Balik pagbabasa ako sa reply ni Rene. Babe hayaan mo ng alagaan kita kahit malayo ako sayo. Magpa grab food ka nalang. Hinde na kasi sinabihan ko na si Ate Gina na bumili ng gamot at Jollibee kasi prang gusto ko ng palabok at spicy chicken. Ah sige kumain kang mabuti at magpahinga. Tatapusin ko muna ang trabaho ko. Sige sige. ingat ka. See you later babe. Pagkatext ay nagsimula na akong makatulog muna. Paggising ko ay nasa bed side table ko na ang mga gamot at pagkain. Hinde na ako ginising ni Ate Gina. Una ko munang inapuhap ang cellphone ko pagbangon ko, at di nga ako nagkamali dahil may mga chat message na si Rene. Tangahalian na pala. Dala siguro ng puyat kagabi kaya ang tagal ng tulog ko. Hi baby ko, kamusta pakiramdam mo. Naglunch ka na ba? Kain tayo. Hmmnnn siguro tulog ka pa noh kasi alam ko naman magrereply ka. Hi babe, reply ko. Opo nakatulog po ako. Ngayon ko lang po makakain yung Jollibee ko na galing sayo. Nakakain ka na? Anong ulam mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD