Tit-tit tit-tit
Babe san kita sunduin? Chat ni Rene
Kring-kring kring-kring
Hello babe? sagot ni Rene sa video call.
Eh wag muna tayo magkita kasi nilalagnat pa ako. Masama pa ang pakiramdam ko.
Kamusta ka na ba, anong dinner mo?
Wala pa. Tawagan ko na lang si Ate Gina.
Anong address mo at orderan kita, puntahan na lang pla kita.
Wag na, uwi ka na muna sa inyo kasi hinde ka umuwi kagabi, Di ka ba hinahanap ng asawa mo?
Tinawagan ko naman kagabi at kanina kaya alam nyang di ako makakauwi.
Sige, focus ka muna sa kanila.
Sure ka? Pero dahil uuwi ako wag ka muna magtext ha. Early morning tomorrow call kita. Ok?
Malungkot lang yung naging tango ko kasi ito yong ayaw ko sana yung maghihintay ka lang kelan sya libre. Yung sayo sya pero hinde mo maituring na sayo kasi nga kabit ka lang.
Pinindot ko na lang yung end call pra matapos na. Nagsimula na naman tumulo ang luha ko. Sakit pa rin pala ng ganito.
Pagpunta ni Ate Gina ay nagpatimpla na lang ako ng kape at nahiga na ulit ako.
5AM, kring-kring kring-kring
Hellloooo inaantok ko pang sagot.
Babe good morning, papasok ka ba today?
Ah oo medyo ok na kasi ako.
Sige hintayin kita sa kanto at ihahatid kita.
Wag na kasi baka malate ka.
Wag na makulit bangon na at nakaalis na ko ng bahay.
Eh sige wait lang. Bye.
Sige sa kanto lang ako ha. Ingat ka.
Nagmamadali na akong maligo at magbihis para makaalis na kaagad. Nagpack din ako ng 2 pares ng damit kaya bag pack ang dala dala ko, naisip ko kasing baka dalhin nya ko ulit sa bahay nya. Pagdating ko sa kanto ay nandun na nga sya.
Bumaba sya ng pick-up at inalalayan akong makasakay. Morning babe sabay halik sa labi ko.
Nakakapanibago ang ganitong sitwasyon. Morning din.
San office mo? tanong nya.
Eh sa may Pasay pa ako, ang layo baka malate ka. Kahit ibaba mo na lang ako sa may recto para makapag LRT ako.
Hinde na ano ba, ihahatid kita. Kamusta ka? sabay hipo nya sa leeg ko.
Mabuti na. Ang dami kong gustong itanong pero hinde ko magawa.
Babe, basag nya sa katahimikan. Dun din ba kita sunduin mamaya?
Huh? Di ba pupunta ka ng Bulacan later?
Ganito ang set-up natin, pag Friday to Sunday magkasama tayo ha. Friday night sa bahay tayo matutulog then maaga na lang ako aalis ng Saturday.
Di mo ko isasama?
Ahhhh hmmmnn nauutal nyang tugon, wag muna babe pero promise Saturday night uuwi ako sa bahay pra magksama tayo at Sunday na ako uuwi sa amin. Pero ihahatid sundo kita everyday.
May time na work from home ako eh.
So hinde tayo magkikita everyday?
Hinde na para may time ka din sa family mo.
Thank you, sabay hawak nya sa kamay ko.
Eh di ba pag sabado aalis ka so pede muna ko umuwi sa bahay sa maghapon kasi maglalive pako, Aagahan ko nalng para matapos pati delivery.
Babe how much do you earn in selling plants?
Siguro mga 3K to 5K weekly.
Ok, gusto ko sana sa bahay ka lang muna para may pahinga ka din so ako ng magpoprovide ng weekly allowance mo. Wag ka ng maglive.
What? Aba hinde pede yon, di ako payag sa ganuong set-up.
Tutulungan lang kita para hinde ka na mapagod.
No, hinde nga, wala naman akong gagawin sa sa araw pag wala ka so uuwi na lang muna ako.
Hinde na nga dahil nagmomotor ka pagdeliver masyadong delikado. Sundin mo nalng ako ok?
Tulad nyan, ang dami ko pang halaman na natirang ilalive bukas.
Sige magkano yan at ako ng kukuha.
Hmmnp napakademanding naman pla nitong lalaking ito. Hinde na ulti ako sumagot kasi ako yung tipo na ayaw ng mga arguments.
Naramdaman ko na lang na hinawakan nya ako sa kamay at pinisil ito.
San tayo kakain babe.
Kahit saan, matabang kong tugon.
After a while napag-isip ko na siguro talaga lang ayaw nya pang mahirapan ako kaya pinilit ko na ding alisin ang inis ko.