It's Friday!

685 Words
After breakfast sa Jollibee at dumiretso na sya sa trabaho nya at ako naman ay maglalakad na lang pa opisina. Sobrang dami kong trabaho for the day at hinde allowed ang cellphone sa worstation namin kaya hinde ko sya narereplyan kaagad. Di bale later naman magkasama kami. Babe 4:30 pede na ko mag-out. Ikaw what time? 6PM pa. San mo ko hihintayin? Naku ang tagal pa pala, pwede bang mag commute na lang ako sa LRT baba ako ng D. Jose or Quiapo para dun na lang tayo magkita? Ha? sure ka? Oo sayang kasi yung time na maghihintay ako dito. Sige babe. Or ano bang address mo para sa bahay mo na lang ako didiretso. Nakalock yon. Paano ka makakapasok. Alam ko, sa labas ako maghintay. Wag na sa SM na lang tayo magkita para makapaggrocery tayo ng stocks for the weekend. Ok sige. Nag LRT na ako pauwi kasabay si Jerry na ka-officemate ko. Dahil mabilis lang ang byahe ko ay nauna na ko sa grocery at namili ng mga favorite kong chips at cookies. Kring-kring kring-kring Di pako nakakapagsalita ay nadinig kong sabi nya, nasan ka na? Grocery na ko, dito na kita hintayin. Ok nakapark na ko. Wait mo ko sa meat section. Ok. sabay baba ko ng phone. Namimili ako ng thin sliced pork ng dumating sya. Babe, sabay yakap nya at halik sa akin. Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa kanya. Pareng Rene, anong ginagawa mo dito? Kasama mo si misis mo? At dahil nakatalikod ako ay di ko makuhang humarap dahil siguradong magkakaproblema si Rene. Nanatili lang akong nakaharap ky Rene. Ah pre, grocery lang kami. Kayo ni mare? Sabay yakap sakin. Eh pre nahahapo na kasi sya. Pero alam ko iniiwas lang nya yung mukha ko para hinde nila ako makita. Grocery lang din pre. Sabay senyas kung sino ang kasama nya. Nakita ko ding sumenyas sya at nagpaalam na yung kaibigan nya. Pre mauna na kami ni misis ha at walang kasama mga bata sa bahay. Hmmmnnpp babae siguro ng kumpare mo yon. Hinde yon si mareng Myla dahil matangkad yang kasama at mahaba ang buhok. Nadinig kong sabi ng asawa ng kumpare nya. Sshhh wag ka ng maingay alam mo na yon. Dapat nga matagal nya ng ginawa yan. Kailangan din nya ng makakasama dahil alam mo namang hinde na pede si kumare. Kahit na may sakit na nga ang asawa niloloko pa. Shhh basta ikaw wag kang magsasabi kay Myla, wag kang makisali sa gusot nila. Shackssss ang sakit nun ah. Babe, I'm sorry ha, Tumango lang ako habang naluluha. Dinalian nalang namin ang pamimili at hinde ko na makuhang umimik habang nasa byahe at makarating ng bahay. Diretso nalang ako sa sala at naupo pagkabukas nya ng pinto. Babe, ito nga pla oh, nagpaduplicate na ko ng key para anytime gusto mo magpunta dito ay pwede. Tahimik ko lang na kinuha ang susi at nilagay sa bag pack ko. Itutuloy pa ba natin ito? Ang sakit madinig ang katotohanan na ako ay kabit mo lng. Nilapitan nya ako pra aluin at yakapin. Shhhh konting tiis pa babe, please. Yumakap lang din ako habang naiiyak. Di ko yata kaya pero dahil mahal kita, pipilitin kong intindihin ito. Paano sa susunod na may makita ulit tayong kakilala. Ganito ulit b? Kaya nga hanggat maaari dito na lang tayo magkita. Ok, sabay tango ko. Magluluto na ko ng ulam, pede ka ng magshower muna. Hinde tulungan na kita. Stir fry pork and mushroom na lang ang lutuin natin. Masarap din yon. Sabay hubad ng kanyang polo at sapatos. Tshirt na puti na lang ang kanyang suot. Nilabas ko na ang thin sliced pork at mushroom, sya naman ay nagsimula ng maghiwa ng belle pepper at konting beans. Nagtulong na lang kami sa pagluluto at kumain. Ang sarap. Masaya kong sabi, Buti ang galing mo magluto. O hilig ko din kasi yan. Pagkakain ay nagprisinta na ako magligpit para makapagpahinga na sya. Habang nanunuod ng TV ay umiinum sya ulit ng SanMig light. Ako naman ay busy sa paghuhugas ng mga ginamit at pinagkainan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD