Sasagot na sana ako nang maunahan akong magsalita ni Rine.
"No. There are a lot of vacant tables there and this is our bonding so please." she said then rolled her eyes.
Napangisi naman si Zester samantalang si Harrison ay nakaiwas ng tingin. Ang tatlo nilang kaibigan ay nanonood lang at napapailing.
Tinignan ko si Rine na parang inis na inis. Si Nas ay nakangisi habang sinisipat ang kuko niya. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. May hindi ba ako alam?
"Okay. See you around then, Cath " Zester said then winked.
Nalaglag ang panga ko sa nakita. Tumalikod na silang lima at umupo sa table na malayo sa amin. Ibinalik ko ang tingin kay Rine.
"What's that? What's with you and Jester? Magkakilala ba kayo?" sunod-sunod kong tanong.
Bigla namang humalakhak si Nas.
"Ichika mo na teh. Gulong-gulo na ang lola mo." pagkausap ni Nas kay Rine. So may hindi nga ako alam.
"I met him at the bar. You know what I mean with met right?" Rine said. Napatango ako. Sa aming tatlo, ako nalang ang birhen. Pero walang kaso sa akin kung ginagawa na nila ang bagay na iyon kahit hindi kasal. Maging si Nas kase ay may mga nakaka-a******x na mga lalaki.
"Tapos ayan, kung saan man ako pumunta ay nakabuntot siya. Ewan, may klase naman tayo ngayon pero paano niya nalamang nandito ako. He's the reason too why I agreed with dad to go to states para lubayan niya na ako at baka sakaling magsawa siyang kulitin ako kapag hindi niya na ko makikita ng isang linggo." litanya niya pa.
Napangisi naman ako. "Maybe you got him with your charm." I said.
"What?! No!" she hissed.
Natawa naman kami ni Nas sa reaksyon niya.
"I'm just kidding, okay. Calm down. Playboy 'yang si Zester kaya tatantanan ka rin niyan kapag nakahanap siya ng bagong lalandiin." sabi ko pampalubag-loob. Pero totoo namang playboy si Zester.
Nagsimula na kaming kumain at hindi na inisip ang nangyari kanina. Halata namang hindi na rin gustong pag-usapan pa ni Rine. Ayaw kasi nitong kinukulit siya. Lalo na ng mga nakikilala lang niya sa bar.
Naputol ang kwentuhan namin nang tumawag kay Rine ang mommy niya. Looks like she's asking her to come over at their house. After the call, she looked at us with apologetic smile.
"Uhm, guys. Mom called. I need to meet her. Pero mabilis lang naman since may class pa ko mamaya and I don't want to absent. Alam niyo na naghahabol." she said.
Tinapos naman na namin ni Nas agad ang kinakain naming halo-halo.
"Ayos lang. Hindi rin ako pwedeng magtagal, may aasikasuhin pa ko sa campus." sabi ko naman habang inaayos na ang gamit ko.
"I have a class too mga teh. Pero mamaya pa naman 'yon so daan muna akong mall. Ubos na ang skin care ko." sabi naman ni Nas.
Nagkasundo kaming magkaniya-kaniya na nga. Parehong may sasakyan sina Rine at Nas. Ayoko namang maka-istorbo so mag-jeep nalang uli ako pabalik ng campus.
Katatayo palang namin nang bilang lumapit sa akin si Harrison.
"Babalik ka na bang campus?" tanong niya.
"Oo." tipid na sagot ko.
Napatango naman siya. "May dala ka bang kotse? Convoy nalang tayo." suhestiyon niya.
"I don't own a car, Harrison. Magj-jeep lang ako." sagot ko at napaiwas ng tingin.
"Oh, okay. Kung ganoon, sumabay ka nalang sa'kin. I brought my car." suhestiyon na naman niya.
Napaisip naman ako. Pareho lang naman ang pupuntahan namin at may usapan din kami ngayon na tuturuan ko siya.
"Sige." sagot ko nalang at napangiti naman siya.
Lumingon ako kina Rine at Nas para magpa-alam na sana pero naabutan ko silang nagtataka at makahulugan ang tingin sa'kin. Nakataas pa nga ang kilay ni Nas.
"I'll explain later." I mouthed them. "Ah, guys una na 'ko ah. Sasabay lang ako kay Harrison eh." paalam ko sa kanila.
Lumabas na kami ng Tambayan ni Harrison, pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Pagdating namin ng parking lot ay pinagbuksan niya rin ako ng pinto ng kotse at inalalayan pa ang ulo ko habang pumapasok para hindi mauntog.
Napangiti ako sa loob ko. Gentleman naman pala siya.
Tahimik lang kaming pareho habang bumabiyahe. But he keeps throwing glances at me.
Pagkarating namin ng parking lot ng university ay pinagbuksan niya uli ako ng pinto at inalalayan ang ulo ko. Wala gaanong tao rito sa parking lot, mangilan-ngilan lang. Pero ang mga 'yon ay napatingin pa sa amin.
Nang lumakad kami papuntang field ay mas lalong dumarami ang taong napapatingin sa aming dalawa. Napailing nalang ako sa sarili ko. Sikat kasi itong si Harrison at maraming nagkakagusto. Kaya malamang magtataka ang mga tao rito bakit magkasama kami eh hindi naman ako kagandahan at sikat kagaya niya.
Wala parin kaming imikan at sabay lang na naglalakad. Ako na ang namili kung saan kami uupo. Napili ko ang upuan na gawa sa kahoy na nasa ilalim ng malaking puno dito sa gilid ng field. May mesa itong gawa rin sa kahoy, malinis hindi gaya ng sa nasa likod ng university.
Inilabas ko ang libro ko at notes ko.
"Ilabas mo rin ang libro mo. Lumipat ka nalang din dito sa tabi ko para kapag may itinuro ako rito sa libro at notes ko ay madali mong makita." sabi ko. Sa tapat ko kasi siya nakaupo.
Sumunod naman siya at umupo rito sa tabi ko.
"Itong financial accounting talaga hindi ko maintindihan. Akala ko pa nga kapag nag-business program ako ay walang accounting, meron din pala." sabi niya.
"Hindi mawawala iyang accounting sa business. Lalo na at may money involved sa negosyo. Madali lang naman 'to basta't alam mo ang mga accounts at kung kelan sila ginagamit. Pati ang recording, kung debited or credited. Nakakalito nga lang minsan dahil akala mo debited siya, 'yun pala ay credited and vice versa." mahabang paliwanag ko saka tumingin sa kaniya. Naabutan ko namang titig na titig siya sa'kin na parang namamangha.
"Ang talino mo talaga." puri niya pa.
Napaiwas naman ako ng tingin habang nagi-init ang pisngi ko. Ewan ko ba pero mas masarap sa pakiramdam ko ang mapuri ang katalinuhan ko kumpara sa katawan at mukha ko.
"Tara na, umpisahan na natin 'to para masagutan mo narin yung mga activities mo." sabi ko nalang.
Nagsimula akong ituro sa kaniya ang mga topics na parte ng activities. Nagself-study lang ako rito dahil nga hindi naman ito tinuro ng prof namin. Pero kahit na ganoon, I'm one hundred percent sure that I understood it right.
"-tapos kapag ganito naman yung transaction na given, dapat-" napahinto ako sa kaka-explain nang mapansin kong parang hindi siya nakikinig.
Nilingon ko siya at naabutang nakatitig lang siya sa'kin.
"Huwag ka sa'king tumingin kundi sa libro at notes ko. Wala ang explaination and terms sa mukha ko." naiinis na sabi ko. Para kasing nagsasayang lang ako ng laway dito.
Napangiti naman siya. "Yes, ma'am." sagot niya at sumaludo pa. Napairap naman ako at itinuloy na ang pagtuturo sa kaniya.
Nakinig naman na siya this time at paminsan-minsan nagtatanong sa'kin kapag may hindi maintindihan. Mabilis na lumipas ang oras at patapos na ang break namin. Naintindihan niya naman lahat ng tinuro ko at mamaya nalang daw siya magsasagot.
"Mauna na 'ko." paalam ko sa kaniya habang nag-aayos ng bag. Ang napag-usapan naming sahod ko ay ihinulog nalang niya sa bank account ko. Bank transfer kumbaga. Ayoko kasing abutan niya ako ng cash dito na maraming nakakakita baka mapagkamalan na naman akong gold digger lalo na at sikat si Harrison kaya panigurado na issue 'yon.
"Hatid na kita." sabi naman niya. Magkaiba kami ng papasukang klase ngayon.
"Huwag na." tanggi ko. "Salamat nga pala. Una na ko." paalam ko ulit at tinalikuran na siya.
Mabilis na lumipas ang araw magmula noong tinuruan ko si Harrison. Ipinaliwanag ko rin kina Rine at Nas kung anong mayroon sa amin ni Harrison. Alam kasi nilang ayaw na ayaw ko ron dahil naikwe-kwento ko sa kanila ang palagi niyang paghingi ng sagot sa akin kahit palagi ko ring tinatanggihan. Kaya nagtaka talaga sila noong magsabay kami minsan.
Naglilinis ako ngayon sa apartment at linggo naman. Tapos ko na ang mga dapat kong sagutan, wala ring order na damit para sa araw na 'to.
I just spend my time cleaning my whole apartment. After this, I will sew another dress. Meron kasi akong bagong idea na design. Gusto ko kapag nakakaisip ako ng bagong design ay gagawin ko kaaagad o di kaya'y i-sketch. Kaya kahit saan ako magpunta ay may dala akong notebook para sa designs ko.
Tanghali pa lang naman at patapos na 'ko sa paglilinis. Uubusin ko naman ang oras ko sa hapon sa pananahi. At mamayang alas-singko ay papasok ako ng fastfood. Night shift ako ngayon.
Nagluto lang ako ng pananghalian ko at kumain. Pagkatapos ay umupo na 'ko sa harap ng sewing machine ko.
Red dress itong tatahiin ko. Sleeveless, at merong strap sa kaliwa. The right part don't have a strap but instead I made a criss-cross strap from underam up to the side waist. Half of its back is open and shaped into v-cut while in the chest part, it only cut like a tube. The top of the dress is fitted and the bottom part is flowy. It's length is only mid thigh.
It's already 4 pm when I finished sewing. I tried the dress first and smiled when I felt satisfied with its look. Nagmadali nalang din akong maligo para makapasok na sa trabaho.
I just finished getting order on call from a customer when my phone rang. It's Rine.
"Hello?" I answered.
"Nasaan ka? Nagpunta kami ni Nas sa apartment mo pero wala ka." reklamo niya.
"Nagtratrabaho ako." sagot ko.
"What? 'Di ba chinat kita kahapon ng gabi na magba-bar tayo ngayon?" napasapo naman ako sa noo ko.
"Nawala sa isip ko, sorry. Antayin ko lang mag-ala una. Out na 'ko that time tapos sunod nalang ako sa inyo sa bar." sabi ko nalang.
8 hours kase ang duty ko ngayon para may maitulog pa sana ako. 'Di bale, hanggang alas-dos lang ako roon. Pagbibigyan ko lang si Rine dahil naka-oo na 'ko.
I don't usually come with them at a bar dahil nga sa rami kong ginagawa. Pero napilit niya 'ko kagabi. Ayoko namang baliin ang salita ko sa kaniya.
"Sige sunod ka ah. Ingat ka Zel." sabi nalang niya at ibinaba na ang tawag.
Wala na masyadong customer dahil 11 pm na kaya ipinagpapahinga ko nalang din at nakikipag-kuwentuhan sa mga kasamahan ko. Nang mag-ala una ay hinubad ko lang ang uniform ko at nagpalit ng baon kong pantalon at cropped shirt saka umalis na at nag-grab nalang.
Pagdating ko sa bar ay masyado nang wild ang mga tao. Nahirapan pa akong hanapin ang table nina Rine at Nas.
Papalapit palang ako ay naaaninag ko nang lasing na si Rine. Si Nas naman ay hindi alam paano ang gagawing pigil kay Rine sa kakainom.
"Gurl! Buti dumating ka na jusme. Nai-stress ako rito sa lola mo. Pagkatapos namin magsayaw sa dance floor ay umupo siya rito para uminom na naman. Nagsuka na nga 'to kanina sa cr!" stressed na sumbong ni Nas.
Natawa naman ako at nilapitan si Rine. Mababa ang alcohol tolerance niya pero ang hilig parin mag-inom. Hinablot ko ang baso niya at inis niya naman akong tinignan pero nang maaninag niya ang mukha ko ay tumayo siya agad para yakapin ako pero muntik pa siyang matumba.
"Zeeelll. I thought you wouldn't come." parang batang sabi niya.
"Tama na 'yang kakainom mo. Maupo ka diyan at ikukuha kita ng tubig." sabi ko nalang. Sumunod naman siya.
"Nas, huwag mo muna siyang iiwan ah." bilin ko.
Papunta na 'kong bar counter nang may madaanan akong mesa ng grupo ng kalalakihan. Nagi-inuman sila habang nagkwe-kwentuhan.
"I saw you with Cath's friend after we ate at Tambayan." sabi ng lalaki. Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ng kaibigan ko at pamilyar na boses na 'yon. Hindi nila ako napansin dahil madilim sa parteng 'to at marami ring tao sa paligid.
I turned my head to the guy who spoke. It was Zester. Nandirito rin pala sila. Sabagay, isa 'to sa sikat na high-end bar sa siyudad.
"Oo nga. Kasama ko si Zester that time. Are you both studying? Sabay pa kayong umalis sa Tambayan." sabi naman ni Felix.
Nakita ko si Harrison na nilalaro ang baso ng alak. "I just asked her to teach me." sagot niya.
"What? Ikaw magpapaturo? Bro, we all know here that you're the most intelligent one in our group." sabi naman ni Rafael.
"Yeah, valedictorian ka pa nga nung graduation natin ng Highschool." segunda ni Garrie.
Doon na napakunot ang noo ko. Kung matalino pala siya eh bakit pa siya nagpaturo sa'kin. Niloloko niya lang ba ako? Lagi rin siyang nanghihingi ng sagot sa'kin pero hindi ko binibigyan. Anong trip niya?
"Actually, I didn't need her help. Naiintindihan ko naman lahat ng lesson. Kahit ang accounting na 'yon ay madali lang sa'kin." sagot ni Harrison.
"Then why?" Zester asked.
I also want to ask that question.
"I got challenged. She's not the usual type of girl I know. Parang napakarami niyang tinatago at ginagawa. I'm just wondering if I can get her. Parati nalang kasing mga babae ang nauunang lumalapit sa akin." sabi niya na ikinagulat ko. "And I think it's fun to play with her." dagdag pa niya.
So all along, laruan lang ang tingin niya sa'kin. Akala ko pa naman totoong nahihirapan siya sa subject namin at kailangan ang tulong ko. Akala ko pa naman totoong gentleman siya. Kinukuha niya lang pala ang loob ko para maisama sa listahan ng mga babaeng pampalipas-oras niya.
Mabibigat ang hakbang ko nang umalis sa tapat ng mesa nila at nagpuntang bar counter. Sa halip na kumuha ako ng tubig ay um-order pa ako ng karagdagang alak para sa mesa namin.