Chapter 2

2109 Words
When our prof dismissed the class, I immediately got up from my seat. My head is still throbbing from drinking a lot. Alas-tres na rin ako nakauwi sa apartment ko. Rine was so wasted. Good thing that she didn't brought her own car. Nakisabay lang siya kay Nas. Ihinatid namin siya sa condo niya pagkatapos ay ako naman ang ihinatid ni Nas. Hindi naman ako sobrang lasing at kaya ko pa ngang umuwi mag-isa pero mas pinili ni Nas na ihatid nalang din ako. Hindi naman nalasing ang kaibigan kong 'yun. Palibhasa napakataas ng alcohol tolerance. Pababa na sana ako ng hagdan nang may tumawag sa pangalan ko. "Kiezel!" Harrison shouted. Humabol pa siya sa akin. Inalis ko ang tingin sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa gitna na ako ng hagdan nang sabayan niya ako sa pagbaba. "I just want to thank you. Ang taas ng scores ko ron sa-" he didn't finished his sentence when I cut him off. "Liar." I said while staring intently at him. He looked stunned. "What are you talking about?" he asked. Kitang-kita sa mukha niyang naguguluhan siya sa galit na pinapakita ko. Napangisi naman ako at humarap nang tuluyan sa kaniya. "You think I wouldn't know that you just want to play me?" I asked. "What? No. I-I don't know why are you-" I cut him off again. "Stop the act, Harrison!" I shouted because of irritation. Maski ang mga estudyante sa paligid namin ay napatingin at nagtataka kung bakit ko sinisigawan ang crush nila. "Stop bothering my peaceful life. Napakaraming bagay ang kailangan kong pagtuunan ng pansin at hindi kasama ron ang makipaglokohan sayo." mahinahon kong saad habang pinipigilan ang inis. Tinapunan ko siya ng isa pang masamang tingin bago tinalikuran. Good thing he didn't followed me again because I don't know what else I can say. Aminado akong masakit ako magsalita kapag pinapangunahan ako ng emosyon kaya hangga't kaya ko ay pinipigilan ko ang emosyon ko. Dumiretso ako ng apartment ko para lang maligo at magpalit ng damit para pumasok sa trabaho. Magduduty ako ngayong linggo, straight, dahil bayaran na naman ng renta ng apartment. Tsaka para rin makalimutan ko ang ginawang pangloloko sa akin ni Harrison. Alam kong hindi naman ganon kagrabe ang ginawa niya at binayaran din naman niya ang pagod kong turuan siya. Pero ang malamang balak niyang paglaruan ako dahil lang natsa-challenge siya sa akin ay sobra na. Wala akong panahon sa mga ganoong bagay. Kung siya ay maraming oras para roon, pwes ako wala. Time flew so fast that I didn't even noticed it. It's already Sunday and today is my last day of one week straight duty. Kahapon ay nakuha ko na ang sahod ko at nagbayad na rin kaagad ako sa landlady ng apartment kahit na sa Martes pa dapat. Baka kase magastos ko ang pera. Ang kinikita ko pa naman dito sa fastfood sa loob ng isang buwan ay sakto lang pambayad ng isang buwan ding renta, tubig, at kuryente. Ang panggastos ko sa pagkain at iba pa ay nanggagaling sa channel ko at online store. Kakaunti lang ang natitira sa'kin at iniipon ko nalang sa banko. Napabuntong-hininga ako dala ng pagod. Kanina pa ako kumukuha ng order dito sa counter. Napakahaba kase ng pila ngayon dahil linggo, maraming kumakain. Kapag natapos ko ang isang batch, may mga bagong pipila na naman. Hindi pa 'ko nakakapananghalian, hapon na, kaya pinipigilan ko lang ang sarili ko na matakam sa mga pagkain na sineserve ko. Ilang minuto nalang din naman ay out ko na. Umaga hanggang hapon kase ang pasok ko ngayon. "Good afternoon, ma'am. May I know your or-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang pag-angat ko ng tingin sa customer sa harapan ko ay nakita kong si Rine pala 'to. "The usual ma'am?" palit ko sa tanong ko. Tumango naman 'to. Mukha siyang matamlay. Anong nangyari rito? Matapos kong i-serve ang pagkain niya ay umupo siya sa pangdalawahang mesa sa tabi ng glass wall. Napatingin ako sa orasan at limang minuto nalang out ko na. Lumapit ako sa manager namin at nagpa-alam na mag-a-out na. Pumayag naman siya dahil saktong kadarating lang ng kapalit ko. Nagpunta akong banyo para magpalit ng damit saka ko na kinuha ang bag ko at pumuntang mesa ni Rine. May baon akong pananghalian kaya inilabas ko nalang at sinabayan siyang kumain. "Anong nangyari?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. "I messed up." bulong niya. Napakunot naman ang noo ko. "What do you mean?" I asked. She looked at me, teary-eyed. "Friday night, birthday ng blockmate ko and she threw a party at their house. Of course, I was invited. But what shocked me is, Zester was invited too. Turned out that Zester is my blockmate's cousin. I tried to avoid him that night. Alam mo namang hindi ako umuulit ng lalaki dahil ayokong ma-attach sila sa'kin at ganoon din ako sa kanila. Pero kasi ang kulit niya. To cut the long story short, may nangyari ulit sa amin." litanya niya. "Oh, anong problema mo roon?" nagtataka kong tanong. Hindi naman kase basta-basta mamro-mroblema ng ganito si Rine kung tungkol lang sa sinasabi niyang may nangyari na naman daw sa kanila. "Her cousin caught us." bulong niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Ha? Bakit? Saan niyo ba ginawa?" sunod-sunod kong tanong. Nawiwindang ako sa kuwento niya. "Sa kwarto of course! But I don't know who owns the room, maybe guest room sa bahay ng pinsan niya. Hindi kasi namin nai-lock ang pinto at napansin daw ng pinsan niyang may nakasiwang na pinto ng kwarto so lumapit siya para sana isara nang marinig niya ang ibgay sa loob so sumilip siya and that's it, she caught us. Ayos lang naman sana kaso ang babaeng 'yun ay masyadong naniniwala sa marriage before s*x. Isinumbong ba naman ako sa mommy niya. Kaya ayun yung mommy niya kinausap ang mommy ni Zester. Tapos yung mommy ni Zester kinausap naman ang mommy at daddy ko. Gusto nila kaming magpakasal, zel!" mahabang kwento niya. Nalaglag naman ang panga ko. Sobra naman yata? Baka nabibigla lang sila. Kilala ko ang mga magulang ni Rine. Sobrang halaga sa kanila ang kasiyahan ng anak nila. Kaya nakakagulat na pinapangunahan nila siyang magdesisyon sa kasal. "I don't even love Zester, zel! Yes, I'm attracted but that's it. Siya rin, hindi alam kung papayag ba o hindi." dagdag ni Rine. Lumipat naman ako sa tabi niya at niyakap siya. "Palamigin mo muna ang sitwasyon tsaka mo kausapin ang mommy at daddy mo. Explain them your side, na hindi kayo seryoso ni Zester sa isa't-isa." suhestiyon ko. "And also apologize dahil panigurado magugulat sila na ang unica hija nila ay nakikipag-pre-marital s*x pala." dagdag ko pa. Inangat niya ang tingin sa'kin at inirapan ako. Natawa naman ako sa kaniya. Nanatili pa kami ng ilang saglit sa restaurant bago namin napagdesisyunang umalis na. Ihinatid niya naman ako sa apartment ko para hindi na ako maglakad pa. Though, malapit lang naman. "Thank you, zel. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko." Rine said. Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap siya. "Wala yun." sagot ko. Bumitaw kami sa yakap na dalawa. "Hindi ko pa nasasabi 'to kay Nas. Sa'yo ko palang sinabi. Pero sasabihin ko na rin sa kaniya at hihingi ng karagdagang advice kahit walang sense yun." pareho kaming natawa sa sinabi niya. Totoo namang walang alam sa pagbibigay ng advice si Nas but she's a great listener. Days passed at paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa pang-araw-araw. Si Harrison ay tinigilan na rin ang paglapit-lapit sa'kin para kunwaring manghingi ng sagot o magpaturo. I am currently listing down things to buy at the grocery. Paubos na ang stocks ko kaya kailangan ko na mamili. Nang matapos na ako sa paglilista ay binilang ko ang laman ng wallet ko kung magkakasya pa ba. Hangga't maaari kasi ay ayokong mag-withdraw sa banko. Next week pa ang sale day kaya next week pa dadagsa ang order sa'king damit kaya pinipilit kong pagkasyahin ang cash ko rito. Nang makarating akong grocery store ay kumuha agad ako ng cart para paglagyan ng mga bibilhin ko. Nasa drinks section na ako at hinahanap ang favorite kong flavor ng mogu-mogu. Nasa bandang itaas siya ng rack kaya tumingkayad ako para maabot nang may naunang kumuha non. Tinignan ko kung sino iyon nang matantong si Harrison pala. He's holding the bottle of mogu-mogu I was trying to get earlier. Inabot niya sa'kin 'yun. "Here. I saw you struggling to get it so kinuha ko na para sa'yo." sabi niya. Kinuha ko naman iyon sa kamay niya at inilagay sa cart ko. "Thank you." saad ko at tumalikod na para umalis pero humarang siya sa harap ng cart ko. May bitbit siyang basket at nandoroon ang ilang alak at chichirya. Mukhang iyon lang ang ipinunta niya rito. "Can we talk?" mahinahon niyang tanong. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa kaniya. "We have nothing to talk about." malamig kong tugon. Kahit na tinulungan niya ako kanina ay hindi sapat iyon para mapatawad ko siya sa balak niya sa akin nakaraan. "Please, kiezel, let's talk." he plead. "I have lots of thing to say to you." he added. "I'm sorry but I don't have ample time. Just say now whatever you want to say." sagot ko. "I want us to talk in private." pilit niya pa. I ignored him and pushed my cart to his side but he stopped my cart from moving. I tried to push it harder but he's so strong. My cart didn't even moved a bit. I sighed in defeat. "Fine." I said. He smiled like an idiot as he let go my cart. Tinignan ko kung ano pang kulang ko at napansing hindi pa pala ako nakakabili ng hotdog, tocino, karne, at ice cream na comfort food ko. Pumunta ako sa frozen section at kumuha ng kulang ko. Nakasunod parin sa'kin si Harrison eh hindi ko naman siya tatakasan. Pati sa counter ay nakasunod siya sa'kin. Inabot ng kulang-kulang tatlong libo ang mga pinamili ko. Ilalabas ko na sana ang pera ko nang maunahan ako mag-abot ni Harrison. Binigyan niya ng card ang babae. "I'll pay for her groceries and mine." sabi niya sabay angat ng basket niya. "Hindi po ate. Magbabayad po a-" hindi ko na natapos ang pagtutol ko nang magsalita ulit si Harrison. "No. Use my card. Now." mariing utos niya sa babae kaya wala na 'tong nagawa kung hindi sundin siya. Tinapunan ko ng masamang tingin si Harrison. "Just let me please." he whispered, enough for me to hear. Hindi nalang ako nagsalita pero tutol pa rin ako. Ayokong pinapangunahan ako sa kahit anong bagay na may kinalaman sa buhay ko. Natsa-challenge pa rin ba siya sa akin hanggang ngayon kaya nagpapakitang-gilas naman siya para makuha ang loob ko? Dahil hindi gumana ang plano niya nakaraan, ganoon ba? Pagkatapos niyang mabayaran pati ang sa kaniya ay iginiya niya ako sa parking lot. "Let's talk inside my car. Akin na muna iyang pinamili mo, ilalagay ko lang sa likod." sabi niya. Hindi na ako nakipagtalo at iniabot nalang ang mga pinamili ko para matapos na 'to. Marami pa akong gagawin. I didn't wait for him to open the passenger seat for me. I get inside his car by myself. Maya-maya ay pumasok na rin siya sa driver's seat. "Talk." tipid kong utos. I heard him took a deep breath. "First of all, I admit that what you said last time were true. Totoong nagsinungaling lang ako sayo na kailangan ko ang tulong mo. At totoo ring balak lang kitang paglaruan dahil-" "dahil natsa-challenge ka." I cut him off. Napayuko naman siya. "Yes." he whispered. He raised his head then looked at me with apologetic eyes. "I want to say sorry for being a jerk. I'm sorry Kiezel. I didn't mean it." he said. Pagak akong napatawa. "Yes, you mean it." I said, trying to suppress my irritation. "You came up to that idea because you mean it." dugtong ko. "Maybe you're right. Still, I wan to say sorry. It's okay even if you'll not forgive me yet. I understand. Pero babawi ako. This time, gagawin ko na sa tamang paraan." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Anong this time-this time at tamang paraan? "What do you mean?" I asked. "These past few days, I realized that I am not just challenged by your personality. It's more than that. That's why, I want to say sorry and make things right." he said but still I don't get what he meant. He held my hand and stared deep in my eyes. "Kiezel, I like you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD