It's been weeks since Harrison's confession. I didn't took it seriously. Napaka-imposible naman kasi na gusto niya na agad ako sa maikling panahon lang. At saka, paano ako magtitiwala sa kaniya kung una palang ay nagbalak na siya ng masama sa akin. Kung sakali namang totoo ang sinasabi niyang gusto niya ako, hanggang doon nalang iyon. Having a special feelings or relationship with someone is not on my list of priorities.
"150 pesos lang, ma'am." sabi sa akin ng kahera rito sa cafeteria. Bumili kasi ako ng milkshake. Isang beses sa isang linggo ay bumibili ako, pang-treat sa sarili ko. Pagkatapos ay doon ako kakain sa likod na bahagi nitong campus.
"Here." sabi ng boses lalaki sa likuran ko at nag-abot ng limang daan sa kahera. "I'll pay for her." dagdag niya. Nilingon ko 'to at nakitang si Harrison.
Napabuntong-hininga ako. Simula noong insidente sa parking lot ay hindi na niya ako tinantanan. Nililibre niya ako kapag nakakakuha siya ng tiyempo, binibigyan ako ng tsokolate at kung anu-ano na ayoko naman sanang tanggapin kaso ipinagpipilitan niya.
Gaya nakaraan, pagpasok ko ng room ay lumapit siya sa akin para bigyan ako ng chocolate na nakabalot pa sa heart shape na itim na lagayan at may pulang ribbon. Hindi ko iyon tinanggap pero inilapag niya sa mesa ko at nagpunta na ng upuan niya. Pinagtitinginan na rin ako ng mga ka-block mates ko kaya napilitan akong itago na sa bag. Noong dismissal ay sinubukan ko itong ibalik sa kaniya bago siya makapasok ng kotse niya pero hindi niya tinatanggap. Inilapag pa niya sa gutter at bahala na raw ako kung pupulutin ko pa o hindi na.
Ayoko namang nagsasayang ng pagkain so pinulot ko. Pati ang panlilibre niya sa akin ay nagsunod-sunod tulad ngayon.
Kinuha ko ang milkshake at tumalikod na. Sumunod naman siya sa 'kin hanggang palabas ng cafeteria.
"Iyan lang ba kakainin mo this lunch?" tanong niya pa.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Harrison, itigil mo na 'tong ginagawa mo. Wala kang mapapala. Hindi na rin ako natutuwa sa mga pabigay-bigay at panlibre-libre mo sa akin. Ayoko ng issue, okay?" sabi ko. "Sikat ka, mayaman, maraming nagkakagustong babae at ako ay scholar lang dito. Napapansin na ng mga tao ang mga ginagawa mo. Ayokong isang araw nalang may mang-away sa akin at isiping ginagayuma kita or what." dagdag ko pa.
"Do you think I will let them hurt you in any way?" he said, with his brows creased. "Kiezel, when I said I like you, I really mean it. I am willing to do anything to make you believe. Gusto ko ring makabawi sa kasalanan ko sa'yo." he added.
Napahawak ako sa noo ko dahil sa stress. Hindi ko na alam paano ko ipapaintindi sa kaniya.
"Harrison, listen. Sobrang halaga sa akin ng pag-aaral ko kaya ginagawa ko ang lahat para lang makatapos. At ayokong mapunta sa wala ang pinaghihirapan ko. I appreciate your efforts to prove that you really like me. But I can't accept your feelings. I'm sorry."
Napangiti siya matapos kong sabihin iyon at nakuha pang guluhin ang buhok ko.
"Silly. I am not asking you to accept my feelings. I am not asking to have something in return. I am doing this because I want to. Just let me. That's all I'm asking. Don't worry, I know my boundaries." he said.
"Bahala ka. Pero sinasabi ko na sa'yong wala kang mapapala sa akin." sabi ko nalang at tumalikod na. Napansin kong nakasunod pa rin siya sa akin.
"Huwag mo na akong sundan." saad ko nang hindi siya nililingon. Pero napahinto ako noong hawakan niya ang braso ko.
"You don't have to eat alone during lunch. You don't have to hide." mahinahon ang pagkakasabi niya, maging ang hawak niya sa akin at ang mga mata niya. Napakunot ang noo ko nang makuha ko kung anong sinasabi niya.
"Sinusundan mo ba ako noon pa?" tanong ko.
"Yes." walang alinlangan niyang sagot. "Kiezel, I don't want to see you eating alone, away from our schoolmates stares. I know that you don't buy food at our cafeteria and instead, you bring your own food. Wala akong nakikitang problema roon. But if you're shy, pwede ka namang sa amin nalang sumabay na kumain."
Hindi ko alam ang iisipin ko. Concern ba talaga siya sa akin? Until now, I can't help but to doubt him.
"Ayos lang ako." mahina kong sagot. Pumunta siya sa harapan ko at yumuko para matitigan ako nang maayos sa mata. Mas matangkad kasi siya sa akin kaya lagi akong tumitingala kapag kinakausap siya.
"If you don't have friends here in our university, pwedeng kami ng mga kaibigan ko nalang ang maging kaibigan mo." pangungumbinsi niya sa akin. "At isa pa, kilala ka naman na nila." dagdag niya pa at ngumiti nang marahan sa akin.
Wala na akong nagawa nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. He pulled me gently. Sinabayan ko naman ang lakad niya. Pumunta kami sa gazebo, dito lang din sa loob ng campus. Nandoroon na ang mga kaibigan niya. Sina Zester, Felix, Rafael, at Garrie. May mga pagkain na ring nakahanda at inumin sa mesang pabilog na nasa gitna ng gazebo.
Only white and brown are the colors used here. Puro puti ang pintura ng gazebo, maging ang mesa at mga upuan sa gitna. Brown naman ang sahig at maliit na hagdan, pati railings sa paligid ng gazebo, gilid ng mesa at mga upuan.
Anim ang mga upuan dito. Tatlo sa bandang kaliwa at tatlo rin sa bandang kanan.
His friends are laughing and they didn't noticed us yet. Harrison cleared his throat and that's when his friends turned their heads to us. They didn't look shocked. Instead they're smiling and giving Harrison a meaningful stares. Para bang inaasar nila siya gamit ang tingin.
"Sit here, Kiezel." Harrison said as he pulled a chair for me.
"Thanks." I said. Umupo naman ako at sumunod din siya. Sa kaliwa ko ay si Zester at sa kanan ko naman si Harrison. Sa tabi ni Harrison ay si Rafael, sunod si Garrie, bago si Felix.
I feel so awkward seating with these guys. Buti nalang ay kami-kami lang ang nandirito sa parteng 'to ng campus. May mga estudyante man na mangilan-ngilan ay may kalayuan naman sa amin.
"Let's eat." Harrison said. Lima lang ang nakahandang disposable plate rito, sakto para sa kanilang lima.
Inilabas ko naman ang lunch box ko. Wala akong narinig na kahit ano sa kanila. Hindi rin nila ako tinitigan na parang nagtataka kung bakit may lunch box parin ako kahit college na.
We all eat in silence. Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko kung bakit hindi nila magawang magbiruan.
"Did you cooked that?" Harrison asked. Siya lang ang salita nang salita sa amin kanina pa.
"Yes." mahina kong sagot. I saw him smiled.
"Can I try?" he asked again. Nag-alangan naman ako dahil hindi ako sigurado kung magugustuhan niya ba ang lasa. Pero para sa akin ay masarap naman.
Tinanguan ko siya kaya kumuha siya. Pinakbet ang baon ko ngayon.
"It tastes great." namamangha niyang sabi pagkatapos lumunok. "I didn't know that you are a great cook." papuri niya pa.
"Hindi mo alam kase hindi ko naman sinasabi sa 'yo eh." sagot ko.
Napatingin ako sa mga kaibigan niya nang makarinig ako ng mumunting ingay. Naabutan ko silang nagpipigil ng tawa. Saka ko lang narealize, binara ko pala si Harrison. Pero totoo naman ang sinabi ko.
"You're fun to be with, Kiezel." biglang sabi ni Zester. Nginitian ko lang siya.
"Saka palagi ka ring kinekwento sa amin ni Harrison. So, huwag ka nang mahiya. Think about us as your new friends." sabi ni Rafael.
Napatingin naman ako kay Harrison. Kaya ba sinabi niya sa akin kanina na kilala naman na ako ng mga kaibigan niya?
"Ano namang naikwe-kwento niya?" tanong ko.
Narinig kong natawa si Felix. "Na palagi mo raw siyang binabara kaya nahihirapan siyang mapormahan ka." sabi niya saka sila nagtawanan.
Tinignan ko si Harrison pero masama na ang tingin niya sa mga kaibigan. Nakasandal na siya sa upuan niya at nakahalukipkip. Mukhang hindi na nga siya natutuwa.
"Ah ganoon ba. Totoo naman ang sinabi niya. Wala kasi sa plano ko ang mga ganoong bagay kaya hangga't maaari ay gusto ko nang tumigil siya." sagot ko. Gusto ko ring malaman ng mga kaibigan niya ang rason ko. Ayoko namang isipin nila na sadyang maarte at pakipot lang ako.
"Harrison is a good guy." biglang singit ni Garrie. Napatingin ako sa kaniya, maging si Harrison. "Kapag tulog nga lang." dugtong niya. Binato siya ng tissue ni Harrison.
Nagtawanan naman silang magkakaibigan, pati ako ay nahahawa sa tawa nila.
"Gago ka, Garrie. Hindi na kita ilalakad kay Charice." sabi ni Harrison habang nanga-asar na nakatingin kay Garrie. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Garrie.
"Wala namang ganiyanan. Joke lang eh!" biglang bawi niya.
Naging masaya ako sa kabuuan ng tanghalian. Nalaman ko ring dito pala talaga ang tambayan nila. Matapos kumain ay nagkaniya-kaniya silang linis at tapon ng mga pinagkainan. May basurahan pala sa tabi ng gazebo.
"Ah, guys. I need to go. May klase pa ko. Thanks for letting me join you for lunch." paalam ko.
"Hatid na kita." presinta ni Harrison at tumayo na.
"Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko." tanggi ko. Tinitigan ko siya ng mariin kaya napabuntong-hininga nalang siya at hindi na nagpumilit.
Nakakailang hakbang palang ako paalis ay humabol sa akin si Zester.
"Kiezel, I just want to ask you something. How's Catherine?" alanganin niyang tanong.
"Ha? Hindi ba kayo nagkakausap?" taka kong tanong. Umiiwas pa rin ata si Rine. Wala naman kasi siyang nababanggit sa akin.
"Hindi eh. After that incident, she didn't talk to me again. I bet you know what I'm talking about. After all, you're her bestfriend." sagot niya.
"She's fine, Zester. Nakausap ko siya nakaraang araw. Ayos naman siya." saad ko. Napatango naman siya at nagpasalamat sa akin bago bumalik ng gazebo. Ako naman ay nagtuloy na sa paglalakad para makapasok na ng klase ko. 15 minutes pa bago iyon magsimula pero kailangan ko pa ring magmadali dahil layo-layo ang building dito.
Pagkatapos ng lahat ng klase ko ay dumiretso na 'ko ng uwi. I'm now currently arranging the orders in my clothing store. May bumili rin ng painting ko kaya pati iyon ay inaayos ko na rin para sabay-sabay ko na silang mapadala bukas ng umaga.
Hindi pa 'ko kumakain at ito muna ang inaatupag ko para wala na akong iisipin mamaya. Pagkatapos kong ma-secure ang packaging nila ay isa-isa ko silang nilalagay sa kahon para isahang bitbitan nalang bukas.
Napatigil ako nang mag-ring ang phone ko. It's Rine calling in our group chat. I accepted the call and place my phone near me. Para mapagpatuloy ko ang pag-aayos kahit kausap siya. Nakita kong sumali rin si Nas.
"How are you guys?" Rine asked.
"Busy." maikling sagot ko.
"Halata naman teh." sabi sa akin ni Nas sabay irap. Natawa nalang ako. "Ako naman ay ito pa rin, maganda." sagot niya sa tanong ni Rine.
Nagtawanan kaming tatlo. Nas has always been our source of laughter because of her jokes and lines. Pero kahit na ganoon, may mga panahong nalulungkot siya. Kahit gaano niya itago ay napapansin namin iyon dahil kilalang-kilala na namin ang isa't-isa.
"Nga pala Rine, kinakamusta ka sa 'kin ni Zester." pag-open ko ng topic.
Nakita ko naman siyang napairap. "Iniiwasan mo pa rin ba siya?" tanong ko.
"Yes. Because you told me to let the situation cool down first. Ayokong may bagong issue na makarating sa mga magulang namin kaya iniiwasan ko muna siya. Baka ipakasal na kami bukas kung may issue na naman silang malalaman." sagot niya.
"Eh teh, hindi ka rin naman kasi nagi-ingat. Makikipag-chukchakan ka na nga lang, di pa kayo naglo-lock." Nas said.
"Eh malay ko bang ganoon ang mangyayari, duh." sagot naman ni Rine.
"Tama lang na huwag nga muna kayong mag-usap baka ikalala pa ng sitwasyon niyo 'yan." sabat ko.
"Bakit nga pala ako na naman ang topic. Hey Zel, you told me last time na nililigawan ka na ni Harrison, right? So what's the score between you two?" usisa ni Rine.
Bigla namang tumili si Nas. Napangiwi ako. Nakakagulat talaga 'to minsan.
"Omg! Eh 'di ba ayaw mo ron? Tapos nagpapaligaw ka na ngayon! Anong trip yan? Change of hearts?!" segunda ni Nas.
"Pwede ba, hindi niya ako nililigawan." tanggi ko dahil totoo naman. "Wala akong sinabi sayo Rine na nililigawan niya ako. Ang sabi ko lang ay nililibre at nireregaluhan niya ako." dugtong ko.
"That's the same." at talagang pinaglalaban pa nga niya.
"Kwento ka naman, mare." sabi naman ni Nas.
"Wala akong ikwe-kuwento kasi wala namang ganap, okay." sabi ko nalang. Wala akong balak sabihin sa kanila na kasabay kong kumain ng tanghalian kanina ang magka-kaibigan. Hindi rin naman nila alam na sa likod ako ng campus kumakain eh. Ayokong mag-alala sila sa akin. Baka mag-transfer pa sila agad kapag nalaman 'yun.
"Masyado kang pa-showbiz teh hindi ka naman artista!" sabi pa ni Nas. Sasagot sana ako nang may kumatok sa pinto.
"Wait, may tao yata." paalam ko. Hindi ko na pinatay ang tawag.
Binuksan ko ang pinto at nakitang may pulang kahon nakalapag sa sahig. May pula rin itong ribbon na matingkad dahil sa glitters.
Dinampot ko iyon at sinara ang pinto bago bumalik sa harapan ng cellphone.
"What's that? Is that a gift? From whom?" sunod-sunod na tanong ni Rine.
"Malamang kay Harrison." sabi naman ni Nas. Iyon din ang iniisip ko pero hindi ko sigurado dahil wala namang nakasulat sa card. Tanging "to: Kiezel Alves" lang ang nakalagay.
"Hindi ko alam kung kanino galing. Walang nakasulat. Saka pagbukas ko ng pinto ay walang tao. Nakita ko lang 'tong box." paliwanag ko.
"Go, open it!" excited na sabi ni Rine.
Binuksan ko ang kahon at nagulat ako sa laman. Isang manika. May mga bakas siya ng pulang likido sa mukha at damit. Ang hawak niyang pulang unan na hugis puso ay may hiwa sa gitna. Lumalabas na rin ang pinalaman ditong cotton. Ang ulo ng manika ay halos matanggal na sa pagkaka-kabit sa leeg nito.
Inangat ko 'yun para matitigan nang maayos.
"Oh my god! Ano yan?!" histerikal na tanong ni Nas. Maging si Rine ay nanlaki ang mata.
"Gosh, it looks so creepy!" sabi naman ni Rine na halatang natatakot. Ako naman ay hindi takot sa ganito. Ang ipinagtataka ko lang ay sino naman ang magpapadala sa akin ng ganito? Imposibleng si Harrison. Wala rin akong maisip na ibang pinagbigyan ko ng address ko at tanging sina Nas, Rine, at mga magulang ko lang.
"Teka, may letter." sabi ko nang makitang may letter pala at nadaganan lang ng manika.
"Anong nakasulat?" usisa ni Nas.
"Stay away from him if you want to keep your life peaceful. Kung hindi ay magagaya ka sa manikang 'to." malakas na basa ko sa papel.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na gulong-gulo rin gaya ko. They also looked scared. Maybe for me.
"Who would sent that threat to you, zel? Gosh, let's report it to the police!" suhestiyon ni Rine.
"Yes girl. Magsumbong tayo. Grabe, nakakatakot 'yan. Baka magulat nalang kami nakabulagta ka na riyan." takot na sabi naman ni Nas.
"Nas! Don't say such thing. Hindi nakakatulong!" galit na saway ni Rine. "I'm sorry! Naga-alala lang din ako." sagot naman ni Nas.
Nakatulala lang ako sa kanila. Hindi ko maisip kung sino naman ang magpapadala sa akin nito.
Napatingin ako ulit sa sulat.
"Stay away from him"
Him... Can it be Harrison?