Chapter 4

2162 Words
That day, Rine and Nas picked me up at my apartment. Kotse ni Rine ang ginamit nila. We reported it to the police. Para na rin sa seguridad ko. Ininterview nila ako kung may pinaghihinalaan ba ako. Pero ang sabi ko ay wala. Maging ang tinutukoy na "him" sa sulat ay tinanong nila. "Mayroon pong nagkakagusto sa akin sa university namin. Sikat po siya roon dahil sa hitsura niya at isa rin po kasi sila sa shareholders." sagot ko. Nakatingin lang sa akin sina Rine at Nas habang iniinterview ako ng pulis. "Maaring siya nga ang tinutukoy sa banta sa'yo. Sabi mo ngang sikat siya, pwedeng admirer niya ang nagpadala niyan. Pero hindi pa tayo nakakasigurado. Puro haka-haka lang ang mayroon tayo sa ngayon dahil hindi pa nakakapag-imbistiga." sagot naman sa akin ng police officer na kausap ko. "May cctv ba sa apartment na tinutuluyan mo?" tanong pa niya. Tumango naman ako. "Meron po." sagot ko pa. "Kung ganoon ay magpupunta ang kasamahan ko roon para i-check kung sino ang nag-deliver sa'yo nito." tukoy niya sa kahon na may manika at sulat. Ganoon nga ang nangyari. May kasama kaming dalawang pulis pabalik ng apartment. Kinausap nila ang landlady ko para humingi ng pahintulot kung pwedeng makita ang cctv footages. Pinayagan naman niya kami. Maging siya ay nag-alala para sa'kin. Dalawang taon na rin kasi ako rito at medyo naka-close ko na siya. Nakita namin sa cctv footage na may lalaking pumasok dito sa building at dumiretso sa apartment unit ko. Base sa tindig at lakad niya kaya namin nasabing lalaki siya. Hindi kasi namin makita ang mukha niya dahil sa suot niyang itim na helmet. Naka-jacket siyang itim at ang likod noon ay may nakasulat na "Hilleria". Pati ang pantalon at sapatos niya ay itim. Kumatok siya pagkatapos ay tumakbo nang mabilis papuntang hagdan. Nasa tabi lang kasi ng hagdanan ang unit ko. Nakita rin doon sa footage na nagbukas ako ng pinto at dinampot ang kahon. Dahil may cctv din sa hagdan, nakita naming hindi agad bumaba ang lalaki at nagtago lang doon. Pero sumilip din siya maya-maya at naglabas ng cellphone para siguro kuhanan ng litrato ang aktong pagdampot ko sa kahon. Nang maisara ko ang pinto ay umalis na rin siya. Nakita namin pati ang pagsakay niya ng motor dahil sa cctv na nakaharap sa labas ng apartment. Zinoom-in ng pulis ang plate number ng motor niya pero blanko iyon. Pagkatapos naming mapanood ay humingi ng kopya ang dalawang pulis doon sa landlady ng apartment ko. "Paano ho nangyaring hindi niyo napansin ang pagpasok ng lalaki, ma'am?" tanong nung isang pulis sa landlady ko. "Hindi naman po kasi ako mahigpit, sir. Nakakalabas-pasok po ang mga tenant ko rito at pwede rin ang bisita kahit anong oras basta hindi maingay. Kaya hindi narin po namin chine-check kung sino ang pumapasok at lumalabas dito. Ang bahay ko rin po kasi ay doon pa sa kabilang barangay. May katiwala lang po ako rito para magbantay." paliwanag niya. Totoo naman iyon. Kaya rin nagtagal ako rito dahil hindi marami ang patakaran at hindi mahigpit. Basta't nakakabayad kami nang nasa oras at hindi nag-iingay at nanggu-gulo ay walang problema. Nagpupunta lang din dito ang landlady nitong apartment tuwing bayaran namin ng renta. Kaya ngayon nang dumating kami kasama ang dalawang pulis tumawag pa ang katiwala niya sa kaniya para pumunta siya rito at siya ang makipag-usap. Ilang buwan na rin ang lumipas simula noong pangyayaring iyon. So far, nothing strange is happening. I didn't bother to tell it to my parents because I don't want them to worry about me. I also didn't tell Harrison about what happened. Hindi naman kasi kami nakakasigurado na siya nga ang tinutukoy sa sulat at admirer niya nga ba ang nagpadala noon. Pero wala na rin akong ibang maisip na lalaking malapit sa akin kung hindi siya. Hindi na-trace ng mga pulis kung sino ang nagpadala at sino iyong inutusang mag-deliver sa akin. Base kasi sa ginawa ng lalaki na pagkuha ng litrato, masasabing inutusan lang siya. I tried not to think about it, too. It will just stress me out. Sinunod ko nalang ang nasa sulat at umiwas kay Harrison. Of course he asked what's wrong. Bakit ko siya iniiwasan. But I chosed not to tell him my reason. Sinabi ko nalang na hindi ko talaga priority ang ganoong bagay. Totoo naman iyon. I had a hard time avoiding him at first. Pero kalauna'y siya na rin ang tumigil kakalapit sa akin. Mabuti na rin iyon. Si Rine ay nag-transfer na rin sa university na pinag-aaralan ko para raw may kasama ako lalo na at may nagbanta na sa buhay ko. Sabi niya rin ay nagustuhan ng magulang niya ang desisyon niyang iyon para mapalapit pa sila ni Zester. Hindi pa rin kasi nila inaatras ang kasal. Pero napag-usapan nila na kapag pareho nang tapos sa college sina Rine at Zester saka nalang ulit pag-usapan ang tungkol doon. Nabanggit lang din sa akin ni Rine 'to nang minsang mapag-usapan namin. "Zel, I need to buy some materials for my plates. Are there stores here inside the campus?" Rine asked. Vacant namin ngayon at nakatambay lang sa bench na nalililiman ng malaking puno. "Ah yeah. May tinatawag na oval rito. Maraming tindahan doon ng kung anu-ano. Tara." aya ko sa kaniya. Nagpunta kaming oval ni Rine. May kalayuan lang iyon sa pinagtatambayan namin dahil sa gilid na parte pa ng campus iyon, tabing gate. May gate kasi sa harapan which is ang main, may gate rin sa magkabilaang gilid, at sa likod. Open space 'to at may fountain sa gitna na may bakod na oval shape. May mga nagkalat din na bench sa paligid. Ang mga tindahan ay nakapalibot lang din at halos magkakatabi kaya hindi mahirap magpalipat-lipat. May mga nagbebenta ng ulam at kanin, may streetfoods, may office and school supplies, milkshake and milktea shops, university souvenirs, at kung anu-ano pa. Sinamahan ko bumili si Rine. Binitbit ko na rin ang ibang kailangan niya. Marami-rami rin kasi 'to. Architecture ang kurso ni Rine kaya hindi na nakakapagtaka kung madalas siya bumili ng kung anu-anong art materials, gaya ngayon. Mabilis niya rin kasi maubos ang supplies niya. Tinuturuan ko siyang magtipid dahil ako ang nanghihinayang para sa kaniya pero magastos pa rin siya. Though hindi na kasing lala ng dati. Dahil wala pa nga kaming klase ay nagpunta muna kami sa maliit na park katabi ng oval. Tambayan din ito ng mga estudyante. Gumagawa si Rine ng plates niya samantalang ako ay naga-advance reading lang. "Kamusta kayo ni Zester?" tanong ko. Napatigil naman siya at tinignan ako bago bumalik sa ginagawa. "We're cool. We're like flings?" hindi pa siya sigurado ah. Taray. "But we're not doing it." dagdag niya. "Do you have other guy or guys, perhaps?" I asked again. Inirapan naman niya ako. "Gaga! I don't want to add more stress 'no. Baka kapag malaman ng mga magulang namin iyon sabihan pa ako na cheater though wala naman kaming relasyon ni Zester. But still, they're oldies na. Masyadong conservative. As if they didn't go through this phase when they were young. Tss" litanya niya. Natawa naman ako. Iyon din ang iniisip ko minsan eh. Kung pagbawalan tayo minsan ng mga matatanda sa ilang bagay ay parang hindi nila pinagdaanan ang ganoon noong kabataan nila. However, I know deep down that they're only concerned to us. They don't want us to commit the same mistake they did when they were young. They don't want us to feel the pain they once felt. That's why they're being over protective. Pero may kasabihan nga, na lahat ng sobra ay masama. Sometimes, they don't notice that their over protectiveness deprived us from the freedom we deserve to have. "What about Zester? May iba ba siyang dine-date?" tanong ko pa. "Malay ko. He's free though. It's not like we're in an exclusive agreement. Pero kapag nalaman iyon ng mga magulang namin ay bahala siya." sagot naman niya. "Pero hindi naman forever kong ikukulong ang sarili ko kay Zester. I mean, diba nga napagkasunduan na ang kasal namin. I will just lie low for months hanggang sa mawala na sa amin ang focus ng mga magulang namin. And then I will go back to my usual routine. I'm still young to be stuck with a guy I don't even love. Attracted, yes. But love? No. I'm pretty sure ganoon din siya. He's just attracted to me. And like me, he can't go against to our parents." she added. "Do you think they will forget about the wedding over time?" napatingin naman siya sa akin at nabitawan na ang lapis niya. Napasandal siya sa upuan at umiwas sa akin ng tingin. "I hope so." she said. I got up from my seat and sat beside her. I hug her to comfort. "This is just one of your challenges in life. I know tita and tito loves you so much. Wala naman silang ibang iniisip kung hindi kasiyahan mo. Don't worry, they will realize eventually that you're not fine with their decision about you and Zester's marriage." pag-alo ko pa. Alam kong nahihirapan si Rine sa sitwasyon niya, hindi niya lang pinapahalata. Kaya in-open ko iyon ngayon dahil alam ko namang wala siyang balak mag-vent out. Kung ako man ang lumagay sa sitwasyon niya ay mahihirapan din ako. Hindi ko pa nga nagagawa lahat ng bagay na gusto kong gawin sa buhay ay may naka-abang na tali na agad sa'yo. Marriage shouldn't make you feel you are tied and can never be unleashed. It should not make you feel freedomless. Because marriage is supposed to be your new home. You should feel secured in the arms of someone. Iyong kahit saan ka mapunta, uuwi at uuwi ka sa taong mahalaga sa'yo dahil nandoon ang kasiyahan mo. Dahil doon ka nakakaramdam ng ibang klaseng pagmamahal. Nanatili pa kami ng ilang minuto roon bago napagpasiyahang umalis. 10:00 am palang at ang klase ko ay mamaya pang 1 pm. Second semester na kasi kaya nagbago na ang schedule ko. Ang klase ko lang kanina ay 6-8 am. Si rine naman ay kaninang 7:00 am natapos ang klase niya at mamayang 11 am pa ang kasunod. Naglalakad kami palabas ng campus para kumain sa restaurant sa labas nang may tumawag sa cellphone ni Rine. Lumayo siya at sinagot niya lang 'to saglit saka bumalik ulit sa tabi ko. "It was Zester. He's inviting us to watch his basketball game later." sabi niya. "Anong oras daw?" tanong ko. "5 pm." Rine said. Tumango nalang ako. Manonood nalang din siguro ako para may kasama si Rine. Nagpunta kaming Steak House dalawa. Hindi na ako madalas magbaon ngayon dahil kasama ko na si Rine. Minsan kasi ay gusto niyang kumain sa restaurants kaya sinasabayan ko nalang. Kapag nagbabaon naman ako ay ipinagbabaon ko rin siya. Ayos lang naman iyon sa kaniya, natutuwa pa nga siya dahil gustong-gusto niya ang luto ko. "Omg! Makikita ko na naman si baby Zesty ko!" tili ng babaeng kasabay namin maglakad. "Sameee. Parang gusto ko nalang hilahin ang oras para makanood na agad tayo." sabi pa ng kasama niya. "Ang inaabangan ko talaga doon ay ang abs ni Felix my loves. Sana maghubad siya ulit!!" sabi naman ng babaeng may mahabang buhok. Mukha siyang tourism student base sa ayos niya. Kinalabit ako ni Rine pagkalagpas sa amin ng mga babae. Napalingon ako sa kaniya at nakita ang kuryoso niyang hitsura. "What they're talking about? I think I heard Zester's name and his friend, Felix." tanong niya. "Hindi ko alam." sagot ko. Narinig ko lang na may pinaguusapan sila pero hindi ko alam kung tungkol saan. "Saka hindi naman ako tsismosa, 'no." dagdag ko pa. Napataas naman ang kilay niya. "Really?" she asked, not convinced. I laughed while shaking my head. "Slight lang." sagot ko sabay pinagdikit ko nang kaunti ang hinlalaki at hintuturo ko. She rolled her eyes. "Ikaw din naman ah! Narinig mo lang pangalan ni Zester eh." asar ko sa kaniya. "What? I don't care about Zester, you know." tanggi niya. "Mama mo." Kunwari pa siyang wala siyang paki-alam. Sus. Bagay naman sila, mahilig mag-laro ng apoy. Ngayon ay pareho lang silang napaso. Kaya rin ayokong pasukin pa ang ganiyang bagay. Isang araw ay akala mo walang halaga sa'yo ang taong iyon. Tapos isang araw madidiskubre mo nalang na nahuhulog ka na. Ang iba pa minsan ay binubulag ang sarili sa totoong nararamdaman dahil natatakot sa kung anong pwedeng mangyari. Wala naman kasing kasiguraduhan sa kahit anong bagay eh. Even sa love, there's no assurance that you'll only experience rainbows. Because life is an unending game. You will never know if you'll win or you'll lose. Not until you took a risk. Risk...Isang bagay na kaya kong gawin sa kahit anong aspeto ng buhay, pero hindi sa pag-ibig. Dahil hindi pa ako handa. At hindi ko alam kung kailan ako magiging handa. That's why I don't want to include it in my priorities. Huwag muna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD