One Last Cry
Ashren Rameigh Domingez is almost a perfect man. Mayaman, sikat, mabait, magandang lalaki, matalino at higit sa lahat, tapat sa binitiwang pangako. Halos lahat ng kababaihan ay siya ang ideal man ngunit hindi lingid sa kanilang kaalaman na minsan man ay hindi nanligaw ng babae si Ram.
Kung bakit? Dahil sa kanyang kababata na sampung taon na niyang hinihintay na bumalik. Ito ang tanging babae na nakapagpatibok ng puso niya sa hindi normal na paraan. Ito ang katangi-tanging babae na para sa kanya ay kanyang minamahal.
Pinangako niya sa sarili niya na kailanman ay hindi siya magmamahal ng iba bukod dito at hihintayin niya ang muli nilang pagkikita. Ngunit isang araw nang sila ay magbakasyon sa isang probinsya ay nakilala niya ang isang dalaga na kamukhang-kamukha ng kanyang kababata.
Ang dalagang nagbigay sa kanya ng kalituhan. Ang dalagang nagpatibok sa puso niya sa hindi normal na paraan. Ngunit, ito nga ba ang babaeng matagal niya ng hinihintay?
Magkamukha ngunit magkaiba ang pangalan. Halos lahat sa kanila ay magkatulad ngunit may pagkakaiba.
Handa nga ba siyang malaman ang lihim sa likod ng magkawangis nilang mukha?
Ano nga ba ang kaya niyang gawin para sa kanyang minamahal?
Ito na nga ba ang babaeng matagal niya ng hinihintay?
Tadhana nga ba ang naglalapit sa dalawang pusong nakatakdang tumibok para sa isa't isa?
O tao ang siyang magpapasiya?
Paano mo nga ba malalaman kung siya ang nakatadhana para sayo?
Dahil ba sa napapatawa ka niya at napasasaya? O dahil ba sa siya lang ang may kakayahang paluhain ka?