Chapter Nine

2900 Words
Maki's POV Ngayong tanghali ang dating ni Miro dahil kahapon ng gabi siya bumiyahe. Naghanda na ako ng isusuot ko at saka ako dumeretso sa banyo para maligo. Hindi ko pa nakakausap si Rameigh pagkatapos ng usapan namin kagabi. Halos wala din akong tulog dahil alas-dose na ng gabi ng makatulog ako dahil sa unan. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba. Naabutan ko naman sina Yahen at Jayden na nakaupo at nanonood sa sala. Si Iyen naman ay nasa kwarto daw at natutulog na naman. Hindi ko alam kung nasaan si Ram.. maaring nagpunta na naman siya kina Mia. "Dito rin ba tutuloy si Miro?" tanong ni Yahen ng makita niya ako. "I'm not sure.. pero siguro dito rin kasi wala naman siyang kilala dito bukod kay Kenny at sa atin," sagot ko. "Ahh.. siguradong matutuwa si Iyen dahil makikita na naman niya ang kuya mo," nakangiti pang sabi ni Jayden. "Yeah, I think so.. pano aalis na ako, he hates me being late," paalam ko sa kanila. Ginamit ko yung van nina popcorn papunta sa bus station na bababaan ni Miro. Pagdating ko doon ay agad ko siyang hinanap dahil medyo marami ang tao. Ipinarada ko yung sasakyan sa kabilang parte ng kalsada dahil doon lang naman ang maluwang at may sign na parking. "Hey brother!!" bati niya sa akin sabay akbay. "Tsh! Let go of me, Miro," saway ko sa kanya. "Tss.. sungit," angil niya saka ako binitawan. Tinulungan ko na lang siyang buhatin yung gamit niya papunta sa van. Bakit ba ang bigat ng dala niya? Para siyang titira dito sa dami ng gamit na bitbit niya. "Hindi ko akalain na maganda pala dito," aniya ng magsimula akong magmaneho. "Mm," "Makz.. bakit hindi mo sinama yung iba sa pagsundo sa akin, especially, Vien?" tanong niya. "Busy sila," maikling sagot ko. "Talaga? Nakapasyal na ba kayo dito?" "Oo," "Maganda ba dito?" "Hm.. you just said it earlier," "Bakit ba ang tipid mong sumagot!?" reklamo niya. "Bakit ba kasi ang dami mong tanong? Mukha ba akong tour guide sayo?" inis na tanong ko naman. "Aish! Hindi ka na talaga matututong naglambing sa kuya mo 'no, Mayro Kian?" sambit niya pa sa buong pangalan ko. "Mga aso lang ang naglalambing Mikey Roshean," ani ko. "Grabe ka talaga sa akin! Kuya mo kaya ako," "Oo nga.. pero mas bata ka mag-isip kesa saken," pambabara ko. Ang dami niya pang inireklamo sa akin tungkol sa trato ko sa kanya at sa ugali ko na hindi daw maganda. Tinatanong niya pa kung kulang daw ba ako sa asukal sa katawan dahil hindi daw ako sweet. Malay ko ba? Hindi lang talaga ako katulad nila ni Iyen na punong-puno ng ka-cheesy-han dahil sa pagpapak ng popcorn na cheese flavor. Pagdating namin sa bahay ay agad na sinalubong ni Iyen ang kapatid ko. Grabe baka sila talaga ang magkapatid? "Oh! Bakit nakakunot ang noo mo diyan?" tanong ni Miro. "Tss.. magsama kayo," ani ko saka ko kinuha yung bag niya at ipinasok sa loob. Ibinalibag ko na lang sa kama ko yung bag niya at saka ko tinanggal yung tshirt ko. Nagpahinga ako saglit at saka ako naligo dahil napuno yata ako ng keso nina Miro at popcorn. Nang matapos ako sa mga ginagawa ko ay bumaba na ako at nakita ko naman sina Miro na nakaupo sa sala at nagkukwentuhan. "Kamukha ba talaga ni Mia yung first love ni Ram, kuya Miro?" tanong ni Iyen sa katapid ko. Hindi kasi niya kilala si Venice dahil siya ang pinakahuling napabilang sa grupo namin. Kami kasi ni Ram ang unang naging magkaibigan. Halos pareho din sila ng sitwasyon ni Ven ng makilala ko si Rameigh. Binubully din siya noon kaya ipinagtanggol ko siya dahil yun naman talaga ang dapat gawin tapos naging magkaibigan na lang kami kahit na bihira ko siyang kibuin. Medyo late din kasi ako nag-aral dahil kay Miro kaya naging kaklase ko siya noong grade two kami. I was ten and he was eight. That time kilala ko na din si Ven dahil sa mommy ko. Nagkataon naman na magkaibigan din ang adopted mommy ni Ven at si tita Ashley na mommy ni Rameigh kaya nang minsang magpunta sila kina Ven ay nagkakilala na sila. Yun yung time na umiiyak na naman si Ven dahil tinutukso siya ng ibang bata. Sina Jayden at Yahen naman ay nakilala din namin noong grade two kami dahil sa basketball game. Dahil napapansin ko na masaya si Ram kapag kasama sila ay inaya ko rin silang sumama sa amin ni Ram at naging magkakaibigan kami. Si Iyen naman ay nasama sa amin dahil sa pagiging asar niya. Natutuwa si Ram sa kanya kaya kahit naiinis ako sa kanya ay hinayaan ko na lang siyang sumama sa amin. To be honest, there are times na nakikita kong malungkot si popcorn kapag mag-isa na siya kaya naiisip ko na baka paraan niya lang ng pagtakas sa problema ang pagtripan ako. Kaya kahit nakakainis siya ay hinayaan ko na lang kaso minsan talaga ay nasasagad ang kordon ko. "Yeah.. noong una ngang makita ko si Mj ay para kong nakita yung--" "Miro," tawag ko sa kanya. "Hey bro!! Bakit?" baling siya sa akin. "Do you have a gift for Kenny?" tanong ko na lang dahil wala akong maisip tanungin. Ayoko lang na pag-usapan nila si Ven dahil baka kung ano pang masabi ng isang 'to. Mana pa naman siya kay popcorn na madaldal at walang preno ang bibig. "Wala pa.. gabi ako nagbiyahe di ba?" patanong na sagot niya. "Tara," aya ko. "Saan?" tanong niya. "Bibili tayo ng regalo para sa boyfriend mo," sagot ko saka nagpatiunang lumabas. "Kuya Miro.. boyfriend mo si Ken?" dinig ko pang tanong ni popcorn kaya bahagya akong natawa. Tss. Uto-uto talaga. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Miro sa likuran ko. "Makz! Bakit mo naman sinabing boyfriend ko si Kenny?" Reklamo niya. "Di ba no girlfriend since birth ka?" tanong ko. "What's the connection between that?" kunot noong tanong niya. "Then, you can't blame me if I'm thinking that you're.. gay," sabi ko. "Hoy brother! Hindi ako bakla ah! Bakit kayo ni Rameigh.. hindi rin naman kayo nagge-girlfriend, e di bakla din kayo?" "You know the reason, Miro.. hindi kami bakla dahil wala kaming girlfriend sa nag-iisang dahilan," "Yeah! Yeah! You are trap with a girl that can never be yours and Rameigh is trap with a girl who will never return to him," sagot niya. "Hmm," sabi ko na lang. Alam ko namang totoo pero bakit masakit? Kung nasasaktan ako.. Paniguradong mas masasaktan si Rameigh kapag nalaman niya ang totoo. Kaya ako naduduwag na sabihin sa kanya ang totoo e dahil alam kong masasaktan siya ng sobra dahil hanggang ngayon umaasa pa rin siya. Paano ko ba sasabihin sa kanya? Natatakot ako sa pwedeng mangyari.. Venice.. Bakit mo ba kasi binitawan si Ram ng ganon kadali? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa kanya para hindi na siya umasa? Tuloy ako ngayon yung nahihirapan kung paano sasabihin sa kanya na hindi mo na siya babalikan.. Para na akong mababa-- "Aray!! Hayst!" napahawak ako sa noo ko dahil nauntog ako sa may nakasabit na kahoy. "Wahahahahaha.. bakit ba kasi hindi mo tinitingnan yang dinadaanan mo brother!?" tinawanan niya pa ako. Grabe talaga siya! Baka kapag si popcorn 'to ay hinipan na niya sa noo. Bakit ba kasi ako nauuntog e hindi na nga ako matangkad!? "Sige tawa pa!" Singhal ko sa kanya. "Bakit ba kasi ang lalim ng iniisip mo diyan at hindi mo man lang napansin na may mababangga ka na?" tumatawang tanong niya pa. "Tss.. shut up!" singhal ko pero tawa lang siya ng tawa. "Oo na.. saan ba tayo bibili ng ireregalo kay Kenny?" tanong niya. "Sundan mo na lang ako.. malapit lang yun dito kaya maglakad na lang tayo," sagot ko. May nakita kasi kaming bilihan ng regalo dito lang sa malapit. May nakita ako na siguradong magugustuhan ni Kenny. Sabi ni Miro mahilig siya sa mga bagay na simple lang kaya malamang magugustuhan niya yun. Pagdating namin sa destinasyon namin ay agad kong hinanap yung bagay na nakita ko. Medyo madilim na din kaya mas maganda na ang paligid dito. "Ito ba yung tinatawag nilang centro?" tanong ni Miro habang nagtitingin din ng pwedeng pang-regalo. "Yeah," "Mas maganda ito kesa sa inimagine ko," aniya pa. "Yeah.. mas maganda talaga ang mga probinsya kesa sa syudad na punong-puno ng usok," pagsang-ayon ko. "Ano sa tingin mo ano ang magugustuhan ni Kenny?" tanong na naman niya habang tumitingin sa mga tinda. "Anything simple.. ikaw ang nagsabi sa akin nun," sagot ko. "Yeah.. he said anything simple pleased him but he also said that it's his first time celebrating his birthday," napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Seriously?" "Yep!. Yep!." "Then give him the first one you see," sabi ko sabay kuha dun sa kahoy na kahon. Parang lalagyan ng mga ballpens and pencils ito kung hindi ako nagkakamali. Simple pero maganda. Just right. Polo naman ang binili ni Miro. Mahilig din kasi magsuot ng polo ang isang yun. Pagkatapos naming mamili ng ireregalo kay Kenny ay hindi nakaligtas sa mga mata niya yung popcorns kaya yun bumili siya ng pagkarami-rami. Siguradong matutuwa si popcorn nito. Bumili din kami ng pizza bago umuwi. Mag-a-alas syete na ng makauwi kami. "WOW!! POPCORNS!!" masayang-masaya si Iyen habang nakatingin sa mga pinaputok na mais na dala ni Miro. "Dinamihan ko talaga yan para sayo," sabi naman ni Miro. "Yeah.. halos bilhin nga niya pati stall at yung mga kaserola," sarkastikong sabi ko. "Don't mind him, Kuya Miro," ani popcorn. Napapailing na lang akong umakyat sa kwarto ko. Hihiga na sana ako para magpahinga dahil nakakapagod maglakad kapag kasama mo ang makulit mong kapatid na nauna nga sayo ng tatlong taon ay mas bata naman ng sampung taon kung mag-isip pero biglang tumunog yung phone ko. Wrong timing! Tch! ~I dream high nan keumul keujo, Himdeul taemyeon nan neunul gamgo, keumi irwojineun seu ganeul gyeseok toeuli myeon, ireonajo~ Misty Calling.. Bakit naman kaya siya tumatawag? Hindi ko sana sasagutin kaso baka importante ang sasabihin niya kaya sinagot ko na lang.. "Hello," "Mayro.. nandiyan ba si kuya Roshean?" tanong niya. "Hmm.. why?" "Sabihin mo sa kanya patay siya sa akin pag hindi niya pa sinagot ang tawag ko!" "Bakit?" "Sabi ko sa kanya ay sasama ako papunta diyan pero iniwan niya ako!" reklamo niya pa. "Hmm.. okay," "Bakit ba ang ikli ng sagot mo diyan!?" singhal niya sa akin. "Dahil pareho kayong sakit sa ulo," sagot ko saka inilayo yung cellphone sa tenga ko dahil sigurado akong sisigawan niya ako. "Bye.. Misty Kein," sabi ko sabay baba ng line. Hayst! Paano ba mabuhay ng tahimik kung parehong isipbata at maingay ang dalawa kong nakatatandang kapatid!? Yeah.. Misty Kein is my older sister or should I say.. older twin sister. Malas ko kasi nauna siyang lumabas sa mundo kaysa sa akin.. Pero hindi ko naman siya tinatawag na ate.. Even Miro.. Hindi naman sa bastos ako at walang galang na katulad ng sinasabi ni Miro, I just don't feel like it. Pakiramdam ko kasi kapag in-address ko sila ng ate at kuya ay mawawala na ang koneksyon namin sa isa't isa. I want us to stay like this. Mas nararamdaman ko yung koneksyon namin kapag nagsisinghalan kami. Never pa naman kami nag-away kaya ayos lang. I argue with them especially when they touch my things but I never fought with them just for certain things. I do love and respect them but I hate saying it because I want them to feel it instead of hearing it. Mas gusto ko kasi yun kaysa ang sabihin sa kanila na mahal ko sila. I'm not vocal but I make sure that I showed my words through my actions. Di ba astig? And back to Misty Kein Dela Cruz.. Kambal ko siya pero sa UK siya nag-s-stay dahil doon siya nag-aaral kaya medyo may accent niya. Magaling naman siya magsalita ng tagalog dahil yun talaga ang gamit naming salita namin kapag nag-uusap. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa sala kung nasaan yung mga tao sa bahay na kasama ko. "Miro," tawag ko sa kapatid ko. "Yes brother?" "Papatayin ka daw ni Misty kapag hindi mo sinagot ang tawag niya," nababagot na sabi ko. "Ay s**t! Oo nga pala! Nakalimutan kong sasama pala dapat siya?" napatayo pa siya habang sinasabi yan. "Bakit naman sasama si Kein dito?" tanong ni popcorn. "Maybe she misses her twin brother," sagot ni Yahen. Minsan lang kasi talaga kami magkita ni Mist. Gaya nga ng sabi ko ay doon siya sa UK nakatira at nakakauwi lang siya kapag bakasyon niya o wala silang ginagawa sa school niya. Graduate na si Mist pero nag-aaral siya ulit. Gusto niya daw kasing maging conductor ng orchestra.. Ang boring kaya nun. Graduate na rin sana ako kaso ilang taon din akong huminto ng pag-aaral dahil sa nangyari kay Miro noon. Mabuti na lang at nakapagtest ako kasama yung apat para sa college na kami agad pagkatapos ng graduation namin sa junior high school. Nag-aral kami sa bahay or homeschooling ng limang buwan kaya noong magpasukan ay hindi na kami nagsenior high at sa halip ay kolehiyo na kami agad. We didn't used any of our family's connection but we used our own talent. I'm already 22 tama lang dahil magtatapos naman na kami next year. Makakapagtrabaho na din ako. I can wait to get my own money with my own sweat and blood. Aalis na sana ako at aakyat na muli sa kwarto pero biglang bumukas yung pinto at pumasok si Rameigh. Galing na naman siguro siya kina Mia. "Ram.. bakit ngayon ka lang?" tanong ni Yahen. "Yo Rameigh!" masiglang bati naman ni Miro. "Oh! Kuya Miro, nandito ka pala?" gulat na tanong niya. "Saan ka ba galing?" tanong pa ni Miro. "Naglakad-lakad lang," maikling sagot niya saka dumeretso sa sofa. "Galing ka ba kina Mia?" tanong naman ni popcorn. "Hindi," si Ram. "Teka.. pinupuntahan mo si Mj?" si Miro. "You know her?" takang tanong ni Ram sa kapatid ko. "Of course.. she my friend's sister after all," sagot naman ni Miro. "Yeah.. why didn't you tell me? Alam ba ni Maki?" tanong ulit ni Ram. Mukhang hindi niya ako napansin nung pumasok siya. "Nah.." saka siya tumingin sa akin kaya napatingin din si Rameigh sa gawi ko. "Nalaman niya lang din noong nagpunta kayo dito," "Okay," maikling sagot ni Ram. What's happening to him? He's really acting weird since yesterday after that incident with Mia. I needed to talk to him.. I'm worried about my bestfriend.. "Rameigh..," tawag ko sa kanya. "Yeah?" "Can we talk?" "Sure," aniya saka lumabas. Nakatingin naman sa akin sina popcorn at Miro ng sundan ko palabas si Ram. Naglakad siya hanggang makarating sa ilog at wala naman akong ginawa kundi sundan siya.. "What's going on with you?" walang emosyong tanong ko ng tumigil kami sa paglalakad. "Nothing," he answered. "Nothing? Come on Ashren Rameigh don't fool me.. I know you and I'm sure you have something bothering you," sambit ko. "Mayro.. I want to believe her.. I want to believe that she's not Venice.. gusto kong maniwala na siya si Mia at magkamukha lang sila pero ayaw maniwala ng pesteng puso ko," I felt my heart break when I saw tears streaming down his face. My friend is crying again.. He's always crying when it comes to Venice.. Lumunok ako bago nagsalita. "Rameigh.. do you love Venice that much?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at tumango. "I love her more than I love myself, Maki.. dati naisip ko na baka makalimutan ko din siya kasi bata pa ako noon pero hindi e, I waited for her because what I felt for her is not just affection but love.. I waited for her for almost a decade and I'm more than willing to wait for another more basta bumalik lang siya," he said crying. "That's why you are thinking that Venice came back and that she was Mia?" I asked. "Yes.. I know she is Venice even if she kept on denying it.. something in my heart is telling that she is Venice," tinuro niya pa ang puso niya. "Rameigh.. what if I tell you that Mia isn't Venice and that Ven won't be coming back to you anymore because she already let you go?" kinakabahan ako habang tinatanong yan. "Then.. I won't believe you unless she said it herself," ngumiti siya pero malungkot. Shit! s**t Venice! "Kung ganon ikaw mismo ang tumuklas.. Mia isn't Venice, Rameigh," sambit ko. "Bakit ba parang siguradong-sigurado kang hindi siya si Venice, Mayro.. if that's so.. do you know where Venice is?" hindi ko napaghandaan ang tanong niyang iyan. "No," pagsisinungaling ko. Ngumiti siya saka ako nilagpasan at naglakad pabalik sa bahay. "s**t!" napasabunot ako sa buhok ko dahil sa katangahang ginawa ko. I could have told him the truth! That was my f*****g chance to tell him the truth but what did I do!? I lied! Shit! I f*****g lied.. again. I know where Venice is but I don't have the f*****g courage to tell Rameigh. I'm so stupid! Please don't forget to Vote, Comment and Follow!! Thanks a lot!! [MisterYoos_06]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD