"Chapter 29" Sha-Sha's POV: "Hon. Huy Hon kaya mo pa ba? Patulong sana ako eh. Hatid natin sila ate sa itaas." Sabi ko kay Aleck. Medyo maingay kasi kaya di nya ako marinig. "Ha?! Ah sige ba." Sagot nya. Tapos tumayo sya. Sinimulan naming akayin si Ate Cleo na kasalukuyang natutulog na sa upuan. Si Ate Sophie at Aleck ang humawak sa dalawang kamay. Ako naman ang naka-alalay sa likuran. Hirap na hirap kami sa pag-akyat. Bukod kasi sa malaking bulas din si ate eh may kabigatan din sya. Marahil dala na rin ng sobrang kalasingan kaya lalong nadagdagan ang kanyang timbang. Nang makarating kami ng third floor ay agad binuksan ni Ate Sophie ang kwartong inookupa nila. Tapos maingat naming inihiga si Ate Cley sa kama. Hingal-kabayo kaming tatlo. Napasalampak ako sa lapag dahil sa sobrang p

