"Chapter 28" Sha-Sha's POV: Sa shower room: Palabas na sana ako nang bigla akong matigilan. Si KC, nasa may bandang exit. Nakasandal sya sa may pader. Nakayuko ang ulo. Oh my God! What is he doin' here?! Hello! Pag-aari mo ba ang lugar na 'to? FYI lang ha kahit sino pwedeng pumasok dito. Kahit sino pwedeng gumamit ng banyo. Gets mo? Pssshhh.. Pambabara ng konsensya ko. Oo nga naman... Pero bigla akong naturete. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko. Para kasing naiilang akong dumaan sa harapan nya. Nahihiya akong lampasan na lang sya ng basta-basta. Nasa daanan pa naman sya, as in sa may labasan. Hindi pwedeng hindi ko sya madaanan. Imposibleng hindi nya ako mapansin man lang. Haaay... Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpasyang maglakad. Ngunit napahinto na naman ako nung

