"Chapter 27" Sha-Sha's POV: Actually sanay naman akong kumanta. Madalas kasi kaming mag-videoke sa bahay. Kung tutuusin ay maning-mani lang sa akin ang humawak ng mic. Pero bakit ngayon kinakabahan ako? Para akong sasali sa isang singing contest. Medyo nanginginig pa nga ang kamay ko habang hawak ko ang mikropono. Maybe it's because of Aleck. Para naman kasi syang engot eh. Mula nung iabot nya sa akin ang mic ay hindi na nya inalis ang tingin nya sa akin. Kaya ayan naiilang tuloy ako ngayon. At lalong dumagundong ang puso ko nung tumunog na ang videoke machine. Waaaaah... Ayan na. Whooo! Kaya mo yan Krisha. Sisiw lang yan. Kayang-kaya mo yan... Pampalakas-loob ko sa sarili ko. Then huminga ako ng malalim, ng paulit-ulit. "Goodluck. Galingan mo ah." Sabi ni Aleck tapos pinisil nya an

