Ayalyn PoV:
"Uyy!! dito mo na lang ihinto!! Huwag mo nang ipasok pa ng campus!!" pa sigaw ko nang sabi ko dito
"Hoy!! Ano ba?!!" singhal na may pag hampas ko na sa balikat niya.
Ngunit mukhang nag bingi-bingihan pa ang tipaklong na ito at di man lang ako sinunod, dere-deretso lamang ito hanggang sa loob ng parking lot ng campus..
Ayan na nga nag lalakihan na mga matang naka pukol sa amin ng mga kapwa namin studyante..
"Ang timang mo talaga no!!" singhal ko dito pag ka baba ko sa motor niya.
Feeling ko umuusok na naman ang ilong at teynga kong tumitig dito dahil sa inis ko, lumalala pa ng ngumisi lang ito ng nakakaloko.
"Akin na ang helmet"
"Ayaw!!" dahil nga sa pinag titinginan kami, gusto ko na lang mag lakad ng naka helmet.
"A-KIN NA!!"
Aba't mapang bwesit talaga tong tipaklong na ito ah.
"A-YO-KO!!" pag mamatigas ko naman
"Oh' sige ikaw na lang mag lagay nito don kay Kuya Guard."
Biglang laki naman ng teynga ko sa narinig ko sa dulo ng sinabi niya.
"Ito na nga eh.. di makapag antay."
Nakakatakot kasi na basement na ayaw na ayaw kung puntahan meron kasi momo don na nag paparamdam ilang beses na akong nakaranas ng kakaibang enerhiya doon. At iyon din talaga ang mga sabi sabi ng mga ibang estudyante na naka punta na din doon. Sa una di pa ako naniniwala, pero nung ako na ang mismong nakaramdam ng kakaibang hangin nung pag punta ko don sobrang takot at kilabot ko talaga.
"Antayin mo ako dito." sabi naman nito pag ka bigay ko ng helmet sa kaniya.
"Ayaw!! mauuna na ako" sabay lakad ko naman, ngunit bigla niyang hinawakan ang palawit ng bag ko at hatak hatak niya lang naman, akong paatras naman mag lakad.
"Aantayin mo ako oh sasama ka."
"Oo na!!... oo na.. bweset!! bitiwan mo na nga ako!! Ano ba?!!"
Saka naman niya binitawan,
"Stay!" sabi pa nito
at pumasok na nga ito ng basement..
"Parang ginawa pa akong aso ng tipaklong na'to ah"
"Kakairita talaga tong tyanak na ito, masyadong pam bweset sa araw ko!"
Ilang Minuto naman dumating na ito. Tatanongin ko din sana ito tungkol sa Momo ngunit huwag na lang di naman kami ganon ka close para tanungin siya, tsskk!
Habang nag lalakad na kami papasok. Ayan na nga ang mga look nilang nakakalusaw.
"Sabi ko na sayo mukha sila eh"
"Oo nga... parang nga... tingnan mo sabay pa silang pumasok."
"At naka angkas pa si Cap Aya sa motor ni kuya transfere."
"Oo nga!"
Bulung bulungan na naman ng mga bubuyog este mga kapwa estudyante namin mga Junior high pa lang ata ang mga ito.
"Sabi na nga ba tiyak na magiging topic kaming dalawa ng tipaklong na ito sa buong school. Kaasar kasi tong isa na'to pwede namang wag na akong sunduin eh!" himutok naman sa isipan ko at sinulyapan ko naman to na parang wala man lang itong pakialam na pinagtitingan kami. "Naku sarap dagukan!"
Hanggang sa makapasok na kami nakita ko naman ang magaling kong pinsan napangiti naman ito at ang biglang pag kunot noo nito ng makita niyang kasabay ko si William.
"Good morning Insan" bati pa nitong may nakakalokong ngiti.
Pinandilatan ko lang ito ng mata ko.At dumiretso na ako sa inuupuan ko. Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk dahil naiinis at ayokong makita ang mga expression ng pag mumukha nilang lahat.
"Tssk!! sungit!" rinig kong bulong pa ng pinsan ko sa teynga ko.
Biglang inangat ko naman ang mukha ko, ang gulat ko dahil mukha na ni William ang nasa harapan ko, kunting kunti na lang didikit na sa mukha ko. Napulunok naman ako at naikuyom ko pa ang mga kamao ko.
Ilang sinugundo kami sa ganong eksena.
"Uuuyy!!! ano iyan ha!!"
"Kayong dalawa ha!"
"Bagay kayo" rinig ko naman na sabi pa ng loko loko kong pinsan na lalong nag pilantik ang mga teynga ko.
Tinulak ko naman gamit ng hintuturo ko ang noo nito.
"Ano ba? Pwedeng ilayo mo iyang pag mu-mukha mo sa mukha ko!" singhal ko naman dito.
"Tssk!! ako pa talaga! e ikaw nga tong lumingon bigla eh!!" sabay kuha naman ng ballpen sa may bandang paahan ko.
"Aba!! malay ko bang na andyan ka!" singhal ko naman dito
Tumitig pa nga ito sa akin.
Pinandilatan ko na lang ito ng mga mata ko. At sumubsob ulit ako sa desk.
May mga bubuyog na nag bubulongan parin akong naririg.
Sana lamunin na lang ako sa kinauupuan ko.. ngayon na please...
Mga ilang minutong nanatili lang akong naka ganon.
"Nanjan na si Cap?" rinig ko naman ang boses ni Ella sa labas. Saka ko lang naalala.
"Ayyt! oo nga pala may practice pala kami ngayon."
Agad naman akong tumayo, dahil ramdam ko na naman ang enerhiyang nanggagaling sa pinsan kong papalapit na naman sa akin.
"Nandiyan na ang ka team mo." sabi nga nito
"Alam ko!" pag kasabi ko naman napa tingin pa ako sa isang pam bwesit din sa araw ko. Naka tuon lamang ito sa binabasa niyang libro.
Bigla naman may pumasok sa imahinasyon kong, bigla ko daw itong sinubsob sa librong hawak hawak niya ngayon.
Bigla akong kinilabutan.
Yeehh! erase!! erase!!
Maging angle ka na muna isipan ko.
"Cap pinapatawag ka na po ni coach." si Ella
"Sige papunta na kamo." at sabay na din kaming pumunta ng court ni Ella.
* * * *
Buti practice lang ginawa namin walang biglaang laro kaya dalawang oras lang na work out, work out ang ginawa namin.
Pag katapos balik na din agad kami sa kanya kanyang room.
Kakatapos lang ng lesson sa English si Ma'am Elsa ngunit meron silang sinasagutan Activity ata.
"Mr. Navarro pa explain na lang kay Cap Aya, Lesson natin today para maka habol pa sa activity niyo."
Kwakk kwakk kwakk ang uwak na naman biglang lumitaw na boses na narinig ko.
Ano ba yan ano bang meron dito sa tipaklong na ito at parang pilit pinag didikit kaming dalawa.
"Sige po Ma'am" sabi naman nito na masyadong masunurin talaga!
Samantalang ako naman palihim na pinandilatan ko ito ng mga mata ko. Umismid lang din naman ito.
"Go ahead Cap Aya."
"Yes po Ma'am" at umupo na nga lang ako sa tabi ni William na abala na ito sa pag susulat.