Chapter Six

1188 Words
Chapter Six Anong oras na parang wala pa atang balak umuwi tong isa na'to. "Hoy!! di ka pa ba uuwi sa inyo? tsaka kala ko ba aakyat kang ligaw sa pinsan ko, tara samahan na kita doon bago ka umuwi sa inyo" sabi ko ngunit di ako pinansin Sa halip kinuha niya ang kanyang bag at may kinuhang isang notebook at binato sa akin Buti nasalo ko agad kung hindi sa mukha ko tatama, see, ang bait na bata talaga. "Ang bait na bata ah., Ano to?" takang tanong ko "Notebook ata sa nakikita ko" sabi nito, pilosopong sabi nito. "Tsskk! alam kong notebook, anong gagawin ko dito" "Ihagis mo din pabalik sa akin" diba sasaksakan ng pagkapilosopo ang tyanak na ito. "Bwesit ka talagang kausap!!" inis na sabi ko dito. Ngunit wala man lang reaksyon ito. Napaka presko talaga! Narinig ko na lang nag buntong hininga pa ito. "Ayan yong lesson kay Sir Alvin na di mo daw na copy, e copy mo na" "Bukas ko na lang bigay sayo, mamaya ko kukop-" "Hindi pwedi, need ko yan ngayon at mag re-review din ako mamaya pag uwi ko dahil may quiz tayo sa kanya bukas." paliwanag nito "Tsskk!" "Bilisan mo na lang kaya" "Opo, ito na nga eh!" at agad naman akong lumapit sa kanya dahil nasa tabi niya ang bag ko at padabog kong kinuha. "Tabi nga! hampas ko sayo tong bag na'to eh" "What did you just say?!" "Wala sabi ko magsusulat na ako, binge!!" Tumitig at naningkit pa nga ang mukong nakipag titigan din ako.,, talo siya. bleeh Inumpisahan ko na ngang buklatin ang notebook niya at tiningnan isa isa ang mga sulat. "Hmm infairness maganda ang sulat mo ah, hindi pang doctor" Tiningnan niya lang ulit ako. Agad na akong umupo sa sahig dahil dito na lang ako mesang maliit dito sa sala mag susulat kung saan nasa may harapan ko naman tong tipaklong na'to na busy naman sa panonood at kinuha ko na din ang notebook ko at kinopya lesson namin kanina. Mga ilang oras na tapos na nga uminat inat pa ako.Napahinto naman ako nang napansin kong ako na ang pinapanood ng tipaklong na'to sa ginagawa ko.Kaya tumayo na ako at inabot sa kanya ang notebook. "Ayan tapos na! lumayas kana!" taboy ko sa kanya "Ayalyn?!!" biglang tawag naman ng inay. "Naku lagot! naririg ata ako ng inay kanina pa." kaba ko naman sa isipan ko. "Ayalyn?!!.... Kanina pa kita naririrnig na pinapaalis ang kaibigan mo." si inay lumapit na din sa amin,. Agad din tumayo si William. Nag auto maamo naman bigla ang pag mumukha nitong humarap sa inay ko. "Sarap sakalin!" "Po?! an-ano po kasi inay masyado na po kasing gabi" "Eh?' ano naman,dito kana lang mag hapunan hijo" sabi ni inay sa kanya "Opo tita" nakangiti pang sabi nito "Luh?!" gulat ko., tumingin pa sa akin ang inay at umiling iling pa ito saka bumalik sa kusina. "Di ka ba talaga marunong tumanggi?!" pabulong kong sabi sa kanya Kumibit balikat lang ito at bumalik sa kinauupuan niya.Feel at home na feel at home talaga eh. "Tyanak ka talaga!!" inis kong sabi at padabog akong naglakad patungo sa kwarto ko "Nay bihis lang po ako" paalam ko Pag kapasok ko sa kwarto parang biglang kumikinang ang higaan ko., Para bang nang-aakit na humiga na ako.Dumiretso muna ako ng kabinit ko para kumuha ng pampalit na damit, lagi akong naka long sleeve o kaya naka jacket para matakpan ang mga pasa ko sa mga braso minsan kasi nagkakaroon ako ng mga pasa at sugat kaya long sleeve o kaya jacket at partner jogger ang sinusuot ko para di makita nila itay tiyak na may sermonan na naman po kami., pag kakuha ko ng damit nag tungo na ako ng banyo para makapaglinis ng katawan.. Paglabas ko ng banyo. lalabas na din sana ako nang napalingon ulit ako sa higaan. "Masyadong nakakapagod sa buong araw na'to.,, ahh.,, sarap humiga.." wala natalo na ako ng higaan ko ngunit napabalikwas ako ng bangon ng maalala kong may TIPAKLONG nga pala sa baba' "Hayss!! bahala nga siya.,, 5 minutes lang akong hihiga" "5 minutes lang talaga.,hmmm,. sarap humiga.,,," at gumulung gulong pa ako sa higaan ..... Kinabukasan "Waahh!!" "Sabi ko 5 minutes lang akong hihiga eehh!" nagmadali na akong bumangon "Ano ba nangyayari sayo Aya" "Po.,, wa-wala po inay. may daga po kasi biglang tumakbo sa may paa ko" Napabuntong hininga na lang ang inay "Di ka na naman kumain kagabi napapadalas ka ng ganyan ayalyn kaya nagagalit sayo ang itay mo eh ang tigas ng ulo mo" Sermonan time na naman po kami ang aga-aga.Nag alala ako bigla nung maalala ko si William "Nga po pala inay si- "Pinauwi na namin ng itay mo pagkatapos niyang mag hapunan, inaatay ka pa nga sana kaso nung pagsilip ko sayo dito naghihilik kana Bahagyang tumango tango na lang "Buti di nagsumbong ang tyanak na iyon" sa isip ko "Bumaba kana para makapag almusal na" "Opo., hilamos lang po ako inay" Naghilamos na muna ako at pagkatapos hinanda ko na din ang susuotin ko pampasok para mamaya para ready to suot na lang.Pagkababa ko nakita ko ang itay na kakapasok lang galing labas may dala dalang supot alam kong tinapay ang laman iyon. "Good morning itay" bati ko sa tatay kong gwapo nginitian lamang ako lumapit na din ako sa kanya para yumakap ganyan ako kalambing. Saka Uminat pa ako habang patungo sa sala ng makita kong may tipaklong nakaupo doon nagpunas pa ako ng mga mata ko baka kasi namalik mata lang ako "Waahhh!!" sigaw ko na naman "May tipaklong!" "Tssk!" umirap pa nga 'taray nitoww' "Halos kakarating nga lang niyan ni William may usapan daw kasi kayo kaya ka niya sinusundo" si itay Nag facetalk na ako sa kanya anong sinabi mo? Ngunit di ako pinansin "Bilisan mo na Aya wag mong paghintayin pa iyang kaibigan mo" si itay Ha?! kakagising ko lang at ang aga aga pa, tsaka Ba't ganon na sila kay tipaklong kabait "mag sungit kayo itay para di na iyan pumunta pa dito" sa isip ko "Tay' ang aga pa po ehh" "Bakit wala ba kayong practice sa-" Agad kong tinakpan ang bibig niya "Wag ka ngang maingay!!" Ngumisi lang ito. Natulala naman ako Ang gwapo "Teka ano daw hindi ah!!" "Ano?" takang tanong niya Napatakip ako ng bibig ko nabigkas ko pala iyon "Wala!!" "Mag almusal na muna kayong dalawa at para makapag prepare kana din Ayalyn" si inay "O- opo' Nay" Laglag balikat akong nagtungo sa lamesa.Nakasunod na din tong tyanak na'to. "Kailan mo ba balak ligawan si Yna?" "Mamaya" tipid na sagot nito sabay subo ng pagkain "Sana sagutin kana niya agad para matapos na-" "Paano kapag hindi"putol niya Natahimik naman ako at napaisip. "Hmm' di busted ka" sabi ko sabay napahagalpak ako ng tawa Ngunit nanatili lang itong nakatitig sa akin, nailang ako bigla "Ehem" napatikhim ako at napalunok ng laway "Mag aasikaso na nga pala ako heheh"sabi ko at nagmadali na akong umakyat Pag kapasok ko ng silid napabuntong hininga ako at napahawak ako sa dibdib ko "Ba't ganito ang bilis ng t***k mo ha??"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD