Enjoy Reading! NAKATUNGANGA lang ako sa katapat naming bahay. Bagot na bagot habang inaantay ang oras para mag-asikaso. Hindi pa rin lumilipat si Cyhael kaya paminsan-minsan ay nagpupunta ako sa bahay nila para magbantay. Ang iba naming barkada ay tumigil na muna sa pagbabantay dahil sa personal na dahilan. Wala namang kaso sa amin iyon dahil hindi naman namin kailangang batayan ng sabay-sabay ang tatlo. Kung baga ay kung sino ang agent na na-assign sa amin ay doon na lang din kami mag-fo-focus. Kiara and Hades became close easily. Araw-araw silang lumalabas kaya nabawasan ang pagiging womanizer ng pinsan ko. Tuwang-tuwa pa nga siya dahil isa ring ballerina si Kiara. Nakiusap pa siya sa manager niya na ilipat siya ng studio upang makasama si Kiara. Kailan kaya uusad ang mission sa a

