Ending Reading! "Baby, ilan ang pangarap mong anak?" Malambing niyang tanong sa akin nang gisingin niya ako kinabukasan. Hinalikan ko muna ang kaniyang labi pati ang pisngi. "Kung hanggang ilan kayanin ng baby ko," tugon ko habang pinanggigigilan ang kaniyang leeg. Ang bango-bango ng baby ko kahit hindi pa siya naliligo. Halatang kagigising niya lang rin dahil nakapang-night gown pa siya. "I want triplets, mahal, para isang bagsakan na lang. Pangarap ko rin naman ang tatlong anak," tumawa pa siya at niyakap ako ng mahigpit. Tumawa rin ako at hinalikan muli ang kaniyang pisngi. "Bakit nagtatanong ang baby ko?" "Wala lang, nasa tamang edad na rin naman tayo at ikaw ang gusto kong maging ama ng mga magiging anak ko," nakangiting aniya habang sinusuklay ng kamay ang aking buhok. Gus

