Enjoy Reading! "Mukhang aalis 'yong tatlo, sundan ko ba?" Wika ng nasa kabilang linya. Tumawag sa'kin si Noah dahil siya ang naka-aasign na magbantay sa tatlo ngayong araw. "Oo, pre, susunod na lang kami nila Garnet diyan para pumalit sayo," saad ko sa kaniya at binaba na ang cellphone. Umakyat ako upang magpunta sa kwarto ni Garnet at kinatok ang pinto niyon. Bago pa ako makapasok ay namataan ko si Hades na palabas ng kaniyang kwarto kaya tinawag ko siya. Lumapit naman siya at sumilip pa sa kwarto ni Garner. "Bakit?" Tinulak ko na lang siya sa loob at naabutan namin si Garnet na may kausap sa cellphone. "I f*cking told you to leave me alone, Ferriza. Paalala ko lang sayo ha, nakipag-break ka sa 'kin kasi sabi mo may nahanap kang mas better sa akin. Go there and don't contact m

