Enjoy Reading! The next morning, Cyhael couldn't look me in the eyes. Para bang alam niya na narinig ko siyang umiyak kagabi. Hindi na lamang ako nagkomento pa at hinayaan siyang asikasuhin ang mga bata. Nangungunot ang noo ko habang tinitignan si Cyhael na bihisan ang mga bata ng damit na kahapon pa nila suot. Sa tingin ko ay nilabhan niya iyon habang naliligo ang mga bata. Dry-na-er na lang siguro para may maisuot. Nang hindi na makatiis ay lumapit ako sa kanila at hinubadan si Cyanor. Hinampas naman ako ni Cyhael at masama na agad ang tingin sa akin. “Ano ba, Crynor? Uubuhin ang bata, malamig!” “Kaya nga kumuha ka na sa kwarto nila ng mga damit para mabihisan ko na si Cyanor,” ani ko habang kinikiliti ang bata. “Duh, sarili lang natin ang dala natin kah

