CHAPTER ONE

2834 Words
Please be reminded that every chapter may contain some scene or words that are not suitable for young readers. I will not write a warning for every chapter because, first of all, it's already written at the first part of the story. Thank you! Enjoy reading! WALANG tigil sa pag-iingay 'yong motor namin ni Levine. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang cafe na hindi kalayuan sa subdivision ng bahay namin. Kasama ko ang dalawa kong kambal. Asar na asar na ako sa mga pakialamerong 'yon, konti na lang hahambalusin ko na sila! Halos sampung minuto nang nag-iingay ang inosente naming motor. Ano ba namang trip ng mga 'yon at sige ang hawak sa motor namin? Kahit kailan ay hindi nakakatuwa 'yong mga taong pinagdidiskitahan ang mga bagay na hindi naman nila pag-aari. Daig pa nga ang mag-ari kung makahawak. Arg! Kapag naabutan ko sila doon ay nako! Iuumpog ko sila sa tambutcho ng motor ko! "Wala ba silang magawa sa buhay? Kanina pa nag-iingay 'yong motor natin, nakakahiya na sa mga tao," naiiritang sabi ko at tatayo na sana pero pinigilan ako ni Levine Cythena, ang naunang pinanganak sa aming triplets. "Hayaan mo sila, hindi naman alam ng mga tao na tayo ang may-ari ng motor na 'yon," nagkibit-balikat na lamang ako at pinagpatuloy ang pag-inom ng Iced tea. 'May point naman siya eh, ang bad nga lang.' "Dapat kasi UNLI food 'yong wi-n-ish niyo kay Ninong, edi sana I'm not the only one na maraming foods 'di ba? Wala rin sana kayong pinoproblema d'yan. Do you think astig kayo?" Maarteng wika ni Kiara Aster, ang huling ipinanganak sa aming triplets. "Kotongan kaya kita d'yan? Ang arte-arte mo, wala na ngang nag-iingay 'di ba?" Naiiritang inambahan ko pa siya sa inis ko sa kan'ya. Baka makalimutan kong kambal ko 'tong babaeng maarte na 'to. "Ang sadista mo naman Sis Cyhael," naka-pout at kakamot-kamot pa sa ulong sabi ni Kiara. Luh! Wala pa nga akong ginagawa sa kaniya eh. Inirapan ko na lang siya kasi kapag sumagot pa ako ay ako lang ang maiirita. Ang arte naman kasi ng kambal kong ito magsalita eh, mukha naman siyang peppa pig. Kung makaarte akala mo cute. Ito namang isa ko pang kambal ay nakabusangot na naman, pinaglihi ata 'to sa sama ng loob ng mga magulang namin eh. Aba! Nag-earphone pa nga ang bruha, tinotopak na naman siya, hays! "Nako mga Sister ko, If I were you lalabas na ako para habulin 'yong motor ko," biglang sabi ni Kiara na kinakunot ng noo ko. "What do you mean?" tanong ni Levine na nakatanggal na 'yong earphone. Psh! Kunwari pa siya, eh wala naman yatang tugtog 'yon. "Some guys kasi, they try to paandarin 'yong motor niyo then they did. Kaya nga biglang nawala 'yong noise 'di ba?" Nakatulalang tugon ni Kiara. Maarte na nga baliw pa? Ewan ko ba dito sa kambal ko. Kung ano-anong tinitira. At dahil ayoko siyang nakikitang nababaliw ay sumingit na ako at pataray siyang kinausap. "Huwag mo nga kaming pinagloloko Kiara Aster. Hindi naman kita sa pwesto natin 'yong pinag-parking-an natin so pa'no mo naman nakita, aber?" "Gosh! This glasses na suot ko Ate, special 'to. Nakikita rito 'yong nakukuhanan ng camera ng motor niyo. Nakalimutan niyo ba?" Tila mababaliw na sagot ni Kiara. Imbentor nga pala ang isang ito. Sariling sikap niyang ginawa 'yong salamin at iba pang ma-trip-an niyang gawin. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon, pero ang astig! "Let's go!" Malamig na pagyaya sa amin ni Levine. Tumayo na lang din kami ni Kiara at sumunod sa nakabusangot na si Levine. Well, ganiyan 'yan kapag may ibang humahawak ng gamit niya, lalong-lalo na ang motor niyang si Venus. Hawakan mo na ang lahat, huwag lang si Venus. Isang magandang nagawa ni Kiara ngayong araw ang pagdadala ng kaniyang kotse dahil kung hindi ay baka hindi na namin maabutan 'yong motor. Galing din talaga ng mga magnanakaw eh, ano? Nagawa nilang paandarin 'yon without the key? Parang gusto ko na lang din tuloy maging magnanakaw, easy buhay, pero joke lang. "Oh! Wait mga Sis," tumakbo si Kiara para maabutan kami. Nahuli na pala ang gaga. Kung ano-ano kasing ginagawa eh. "Ano na naman ba 'yon? Kapag hindi natin naabutan 'yong motor namin bibilhan mo kami ng bago," inis na sabi ko dito. Pinagkrus ko pa ang mga braso ko sa aking dibdib. "Duh? Para namang hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Ninong Val is looking for us kasi. Hindi niyo naman kasi dinala 'yong phone niyo. Kanina pa tumatawag si Ninong kay ate Levine, oh," tinaas ni Kiara ang kan'yang braso upang maiabot ang cellphone niya kay Levine. Nasa tapat na kami ng kotse ni Kiara nang kunin ni Levine ang cellphone. "Hello... Korea? Napakaimportante ba niyan at kailangan pa naming magpunta diyan?" Halata na ang iritasyon sa boses ni Levine. "Tsk! okay," ayon lang at binalik na niya kay Kiara ang phone "Let's go!" yamot na yamot niya kaming inaya ulit. Ano naman kayang sinabi ni Mr. Weinford at lalong nasira ang mood ni Levine? Nakakaamoy ako ng trabaho ah, sana sila Kiara rin. Napangisi na lamang ako sa aking naiisip. Ano naman kaya ang magiging trabaho namin ngayong taon? Last mission kasi na ginawa namin ay ang maipababa sa pwesto ang dating President ng Columbia. Nagpatulong ang anak ng presidente na gawin ang lahat para makulong ang kaniyang ama na binubugbog at ni-re-rape pala siya dahil ang kaniyang ina ay pinatay na ng kaniyang ama. Inabot kami ng isang taon sa mission na 'yon! Hassle pa nga dahil sa mga death threats na nakukuha nang lahat ng agents sa Monarch Butterfly, isang secret organisation kung saan ay si Mr. Val Weinford ang boss. Umikot si Levine para makapunta sa kabilang side ng kotse dahil siya ang mag-da-drive. Padabog pa niyang sinara ang pinto ng kotse. Wala akong choice kung 'di ang sumunod na lang dahil halata na ang iritasiyon sa pagmumukha niya. Mapapadasal ka na lang talaga kapag ang panganay ng Tres Maria's ang magmamaneho. Sa passenger seat ako naupo at ng nakapasok ay tinanong ko kaagad kung anong sinabi ni Mr. Weinford. In-i-start muna ni Levine ang kotse at pinaandar na ito. "May bago tayong mission at kailangan nating magpunta ng Korea," tutok sa kalsada at walang gana nitong sagot. "Eh paano 'yong motor natin?" kinakabahang tanong ko. Kung sa Korea kami pinapapunta ni Mr. Val ay baka sa Korea ang susunod naming mission. "Pagkabalik," walang gana pa ring sagot ni Levine. "Uuwi ba muna tayo ate Levine?" singit ni Kiara na nakaupo sa likod, ngumunguya na. "No," malamig at walang emosyong sagot ni Levine sa bunso namin. "Wala pa tayong passport," nag-aalalang wika pa ni Kiara. "Someone's waiting for us there," nauubusan na sa pasensyang tugon nito. "Si Jack?" tanong ko naman. Sige lang Levine, mainis ka lang. "Yeah, manahimik na kayo," ubos na ubos sa pasensiyang sagot niya. Nanghingi na lang ako kay Kiara ng pagkain para may magawa naman ako. Nakakabagot kapag may kasama kang parang laging nireregla, ano? Napakainit ng ulo. Akala mo naman sa kaniya nakapasan ang problema ng buong mundo. At dahil mabilis magpatakbo si Levine ay nakarating din kami kaagad sa airport. Ang feeling gwapo, ubod ng yabang, palaging tumatawa at nakangiting si Jack ay nag-aabang sa labas ng airport. Kumindat pa siya sa amin, nag-fe-feeling cute sa inasta niya. "Long time no see Triplets! Lalong gumaganda ahh!" Isa-isa niya kaming niyakap. "Iwwww germmmss!" Nagpagpag pa ako kunwari ng ako na ang niyakap niya pero tinawanan niya lang ito. Hmmmmpp! "Hi kuya Jack! Syempre always kaming pretty!" Nag-pa-cute pa nga si Kiara, yuck! Crush niya kasi si Jack. "Hahahahahaha ikaw talaga Kiara, kamusta naman kayo?" Nakangiting pangangamusta ni Jack at ginulo pa nito ang buhok ni Kiara na nakapagpamula ng pisngi nito. "Okay lang kanina kaso n'ong nakita kita parang gusto kong masuka," tinawanan muli ni Jack ang sinabi ko kaya napanguso na lang ako. Hindi ba marunong maasar 'to? Lahat na lang ng pang-aasar ko ay tinatawanan niya. Ah! Baka gusto ng mag-asawa? Reto ko nga kay Kiara 'to. "We're okay naman Kuya Jack. Anong mission daw ba ang gagawin namin?" namumula pa rin ang pisngi ni Kiara ng magtanong, harot-harot, jusko. "Hindi niyo man lang ako kinamusta," natatawang sabi ni Jack. "Halata namang okay ka bakit pa kami magsasayang ng oras para kamustahin ka 'di ba?" Si Levine 'yan. Unang banat para kay Levine. Oh! Ano ka ngayon Jack? "Ang bad mo naman sa 'kin. Anyway, tara na, kanina pa kayo inaantay ni Sir Weinford," may pagtatampong wika niya na lang. Bahala ka d'yan! Tinawanan mo ako kanina ah. Sumunod na kami sa kaniya at sumakay na sa private airplane. Kaya naman pala hindi na kailangan ng passport. Nagkanya-kanya kami ng upo at mga hindi na nagpapansinan. Excited ako sa totoo lang! Triplets kami, isang agent sa isang sekretong organisasyon. Kumikilos kami ng hindi napapansin o nahahalata ng mga tao. Maraming gusto ang mapabagsak kami pero hindi nila magawa dahil hindi naman nila kami kilala. Ang tanging nalalaman lang nila, kapag napukaw ng organization ang kanilang maling trabaho o pinaggagawa sa buhay ay kailangan na nilang magtago. Nalalaman nila 'yon dahil bago kami kumilos ay nagpapadala nang warning ang boss ng organization namin. Kapag hindi 'yon pinansin at pinagsawalang bahala ay tsaka lang kami kumikilos pero minsan hindi na sila binibigyan nang warning. Basta hindi tama ang kanilang ginagawa ay agad kaming kumikilos. Hindi kami pumapatay kapag hindi kailangan. Kung minsan naman ay may tumatawag sa amin para magpatulong kapalit ang halagang ibibigay nila. 'TRES MARIA'S' ang tawag sa amin. Dahil bukod sa triplets kami ay magkakasama kami sa trabaho. Hindi pwedeng mahiwalay sa isa't-isa. Ilang oras lang ay nakarating na kami ng Korea. Lumabas na kami at nagpunta sa itim na kotse. Sumakay na kami d'on at muling ipinagpatuloy ang kwentuhan. Ramdam na ramdam ko na ang excitement ko na kahit kailan ay hindi nawawala kapag nagkakaroon kami ng bagong trabaho. More project, more money. "What mission ba ang gagawin namin Kuya Jack?" Pangungulit muli ni Kiara. Magkakatabi kaming tatlo sa likod, nasa tabi ako ng bintana at pinaggigitnaan namin ni Kiara si Jack. Si Levine naman ay nasa tabi ng driver. "Hindi mo ba sinabi sa kanila Levine?" Baling ni Jack sa nakasimangot na si Levine. "Nah, wala rin namang sinabi sa 'kin," pumikit siya, halatang ayaw makipag-usap. "Wokay sungit! Anyway, si Sir Weinford na lang ang bahalang magsabi sa inyo, huwag kayong atat," natatawang sagot ni Jack kay Kiara. "Nakaka-miss din kayang humawak ng baril," sabi ko na um-a-acting pa na parang may hawak talagang baril at bumabaril. "Hindi naman kayo hahawak ng baril eh," mas lalo pang natawa si Jack kaya sumimangot na lang ako. Bakit ba kapag nagsasalita ako ay lagi niyang tinatawanan? Mukha ba akong clown o kaya mukha bang joke ang lahat ng sinasabi ko? "Alangang papel at lapis ang hawak namin, duh?" Naiirita kong wika dito. "You'll see," ngumisi na lang si Jack at nanahimik na. Nanahimik na lang ako sa inis dito sa Jack na 'to. Kahit kailan talaga ay hindi niya sineseryoso ang mga sinasabi ko. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa isang mansiyon na hindi biro ang laki. Mayroong nakasulat sa taas ng gate na pagkalaki-laking W. Senyales na pagmamay-ari iyon ng pamilyang Weinford. Maraming nakakakilala sa pamilyang Weinford. Sa sobrang yaman nila ay maraming nagtatangka at gusto silang mapabagsak. Pagkapasok ng mansiyon ay bumungad sa amin si Mr. Val. Matamis na ngiti at bati ang natanggap namin mula sa kaniya. Pinakain, binihisan, binigyan ng bahay, pinag-aral at binigyan ng trabaho. Utang namin ang buhay namin sa kaniya dahil kung hindi niya kami iniligtas noon, isa na kami sa mga nabalitang na-gang rape. Mabait si Mr. Val Weinford, ang tanging naging ninong lang namin noong nagkumpil kami. Siya ang kumopkop sa 'ming triplets n'ong mga panahong pagala-gala kami sa kalsada. Marami rin siyang business at sobrang yaman niya. Siya rin ang boss sa secret organization na kinabibilangan namin. Inaya na kami ni Mr. Val Weinford at ang kanang kamay na si Jack na magpunta sa opisina niya. Pagkapasok namin ay nagkanya-kanya na kami ng upo. May pinindot si Mr. Val at may tatlong mukha ang lumabas sa screen na nasa harap nila. "This three young men are your next proj..." hindi natapos ni Mr. Weinford ang kaniyang sasabihin dahil biglang tumayo si Kiara. Bastos itong kambal ko paminsan eh. "OMG! Talaga Ninong?" Bigay na bigay siya at nanlalaki pa ang mata at butas ng ilong. Ano na namang nahithit ng gagang 'to? "May problema ba Kiara, iha?" hindi kahahalataang nainis ang matanda sa pagsingit ni Kiara. Ganiyan kabait si Mr. Val sa amin. "They are the one kasi na kumuha ng motor nila ate eh," bumalik na siya sa pagkakaupo at piangkrus pa ang hita. Naningkit ang mata ko at pinakatitigan ang mukha ng tatlong nasa screen ng T.V. Humanda kayo sa akin! "Tsk tsk! Ang mga batang 'yon talaga. Pagpasensyahan niyo na muna sila Girls, alam ko namang babawiin niyo rin 'yon at sana mabawi niyo. Anyway, mga anak at pamangkin ko ang mga 'yan." Halata sa amin ang gulat. Matagal na naming kilala si Mr. Val pero ngayon lang namin nalaman na nasa Pilipinas pala ang anak niya. Bukod kasi sa hindi naman naikwento sa amin ay wala rin kaming pakialam. Hindi kami kumibo kaya nagpatuloy na lang sa pagsasalita si Mr. Val. Parang nag-antay pa siya kung may reaksyon kami pero wala rin siyang napala. "Iyong dalawang magkatabi ay mga anak ko. Ang nasa baba naman nila ay pinsan nila. GARNET CHARLES 28 years old at ang isa ay si ARGUS CRYNOR 26 years old kaedad niya ang pinsan nilang si AKIERA HADES CARSON," tumigil siya sa pagsasalita at sinenyasan si Jack na kunin ang tatlong folder. "Here," nilagay niya sa table na maliit ang folder, naka-print ang bawat mukha ng bago naming project sa bawat folder. "Kayong bahala kung sino ang Project niyo," tumango kami kaya nagpatuloy na ulit siya sa pagsasalita. "Wala na muna kayong ibang project. Kayong bahala kung anong diskarte ang gagawin niyo. Mga gangster at ang panganay ko ang lider nila. They want to be part of the Mafia Clan. I know, Mafia clan ang naging dahilan kung bakit kayo naririto but you need to be professional." Wala akong naging imik. Napapailing na lang din ako sa ugali ng mga 'yon. Kung ako siguro ang magulang ng mga 'yon ay baka kinulong ko na sila sa isang bahay na walang kahit na anong laman. Maski bintana ay wala. Pintuan lang na gawa sa bakal at maraming kandado. Gugutumin ko sila hangga't mamatay, joke lang. "Nandiyan sa folder ang impormasyong kailangan niyo. Pinalagyan ko na rin ang mga ATM cards niyo para sa isang buwang sahod niyo. Tandaan niyo, kapag hindi naging successful ang mission niyo ay mawawalan na kayo ng trabaho. Makakaasa ba ako sa inyo girls?" bakas sa tono ni Mr. Weinford ang awtoridad. Nagkatinginan kaming tatlo at kahit hindi sigurado ay tumango-tango kami. "Pwede ba naming sapakin ang mga 'to?" tanong ni Levine. "Kayong bahala," tumatawang sagot ni Mr. Val, halata kasi ang panggigigil ni Levine. "May isa pa pala girls. Hindi pwedeng magkakasama kayo sa mission niyong ito. Malalakas ang pakiramdam ng mga batang iyon. Ayoko pang malaman nila sa ngayon ang binuo kong Monarch Butterfly. Kayo ng bahala kung sino ang project niyo. Pwede niyong manmanan sila ng magkakasama ng isang linggo at magpasya kayo kung sino ang ma-a-assign sa inyo. I-email niyo na lamang sa akin ang mapagdedesisyonan ninyo. Bibigyan ko lang kayo ng isang taon para sa project na 'to." "One year, Ninong?" Nanlalaki ang matang tanong ni Kiara. "Alam kong kaya niyo 'yan girls. Ngayon ko lang naman kayo paghihiwalayin at wala naman kayong choice eh," natatawang aniya. Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Mr. Weinford. Kahit kailan talaga ay napaka-isip bata niya. "Hintayin niyo na lamang ang contract niyo" Natahimik kami saglit at prinoseso ang lahat ng sinabi ni Mr. Weinford. Bago kami lumabas ng silid na iyon ay merong huling hinabilin si Sir. "Please triplets, take care and pagplanuhan niyong mabuti ang project na ito. Hindi biro ang mga 'yon at aasahan ko ang magandang balita sa inyo pagkatapos ng isang taon." Sa isang linggo naming pagmamanman ay napagkasunduan namin na ako ang magbabantay kay Argus Crynor, ang pangalawang anak ni Ninong Val. Ngumisi ako at tinitigan pa lalo si Argus Crynor na nakikipagsuntukan at sayang-saya na nakikitang duguan ang kalabang grupo. Lubos lubusin mo na 'yan. Kapag kumilos na ako hinding-hindi ka na makakasuntok sa kahit sinong grupong makakalaban niyo. Argus Crynor, ready yourself. I'm going to tame you until you become a good boy. |pebreroanim| •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• *FEEL FREE TO COMMENT *FOLLOW IF YOU LIKE *SHARE IF YOU WANT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD