I just want to thank you for still reading this story. Have a nice day!
Enjoy reading!
Kailangan ko nang maglabas ng sama ng loob. Siraulo kasi 'yang Kiara na 'yan eh, pakainin daw ba ako ng expired na sushi. Idahilan pang malay daw ba niyang expired 'yon.
'Gaga ko rin kasi eh, hindi ko muna sinigurado bago ko kainin.'
Ang masama pa nito ay nasa mall kami. Magliliwaliw sana kami dahil linggo naman ngayon at napagkasunduan naming gumala.
Favorite na pagkain ko pa talaga ang binigay niyang expired!
Dalawang linggo nang magsimula akong magtrabaho. Sa dalawang linggo na iyon ay puro pang-i-stalk pa lamang ang nagawa ko. Kung hindi ako nagmamanman sa malayo ay pasimple ko siyang nilalapitan o binabangga.
Hindi na ako masyadong makapag-isip dahil sa tawag ng kalikasan.
Lakad takbo na ang ginagawa ko. Napapatingin na rin sa 'kin 'yong ibang tao dahil mukha akong tanga.
Kapag tumatakbo kasi ako ay bigla na lang akong mapapahinto at humahawak pa ako sa pwetan ko.
'Arg nakakahiya!'
Nang sa wakas ay makakita ako ng C.R ay agad na akong pumasok.
'Hindi ko na kasi kaya!'
Hindi ko na tinignan kung saan ang C.R ng babae dahil lalabas na talaga. Nagulat pa ako nang makita na nandito 'yong mga anak at pamangkin ni Mr. Weinford. Mabuti na lang ay suot ko ang mask ko, hindi nila ako makikilala.
Nakasalubong ko na si Argus noong mag-mall silang magkakapatid. Sinadya kong banggain siya noong nakita ko siyang papunta sa C.R. ng lalaki. Wala akong suot na mask noon, naka-make-up, nakaglasses at nakatali ang buhok. Malayo sa itsura ko ngayong walang make-up pero naka-mask. Pati si Akiera Hades ay nakita na ako. Bobong Kiara kasi, hindi manlang sinabing sa iisang mall lang kami magpupunta. Ayon, muntik ng mabuko, noong isang linggo lang nangyari iyon.
Ang malas-malas ko naman. Buong taon ata ako mamalasin.
Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na lamang sa pinakadulong cubicle. Mabuti na lang ay available 'yon. Wala na akong pakialam kung mabahuan sila. Ang importante ay mailabas ko ito.
Wala ng mas mahalaga pa sa akin ngayon kung hindi ang maging successful ang paglabas ng tae na ito. Bukas ko na iisipin 'yong mission ko.
Right here and right now! Ilalabas ko 'to mabaho man o hindi!
Nang makaupo ako ay lamig ng bowl agad ang aking naramdaman.
Napapikit pa ako at dinama ang sama ng loob sa aking katawan na unti-unting lumalabas sa dapat labasan.
Hindi pa nga ata ako nakakalahati ay boses ni Argus ang bumasag sa tahimik at malamig na comfort room.
"Ang baho pota!" hindi mapakaling sigaw ni Argus, ang pangalawang anak ni Mr. Val.
Alam kong siya 'yon dahil sa kan'ya ako nakapokus noong minamat'yagan namin sila. At siya rin ang naka-assigned sa akin.
Kakalabas pa nga lang eh. Makikiamoy na nga lang magrereklamo pa. Libre lang naman, hindi naman ako nanghihingi ng bayad.
Sana pala tinignan ko muna kung saan ang C.R. ng babae tsk tsk.
"Mali na nga 'yong C.R na napasukan, nagkalat pa ng kabahuan. Ano ba yan!" siya ulit.
Itong Argus na 'to akala mo walang tinatagong kabahuan sa katawan kung makapag-react eh. Baka nga mas mabaho pa tae niya kesa sa 'kin.
'Lumabas na lang kayo!' Sigaw ko sa isip dahil hindi na ako nakapagsalita ng sumakit na naman ang tiyan ko.
Aware naman ako sa amoy ng tae ko, Argus. Hindi mo na kailangang isigaw pa.
Hindi ko naman kasi dapat ilalabas 'to kung hindi lang masakit ng bonggang-bongga 'yong tiyan ko.
'Matatapos na rin po ako,' muling sabi ko sa aking isip.
Konti na lang...
Konti pa...
Ayan na...
'TAPOS NA!'
Ito na ata ang pinaka-successful na nangyari sa 'kin ngayong araw na 'to.
Nag-aalangan pa ako kung lalabas na ba ako o kung hihintayin ko na lang silang umalis. Naka-mask naman ako eh, sige na nga.
Ewan ko ba kung bakit hindi pa umaalis 'yong mga 'yon. Natapos na lang ako't lahat-lahat nandoon pa rin sila.
Nakatungo akong lumabas at dumiretso sa sink. I wash my hand at pilit iniiwas ang tingin ko sa kanila. Kung sana ay nanahimik na lamang kami sa bahay ay hindi na sana mangyayari ito.
'Stop staring!'
Akala ko matutunaw ako sa titig nilang tatlo sa akin.
Nagmadali akong lumabas dahil hindi ko na nakayanan pa 'yong mga titig nila.
"I'm sorry po!" sigaw ko n'ong nasa pinto na ako.
Nagmamadali pa rin ako kasi baka sinusundan nila ako. Tumingin ako sa likod ko at nagpapasalamat sa Diyos na hindi nila ako sinundan. Binagalan ko na lamang ang paglalakad. Wala naman atang balak sumunod sa akin 'yong mga 'yon eh.
Nagpunta ako sa food court ng mall dahil d'on ko iniwan 'yong dalawang kambal ko. Napasimangot ako nang makita ko si Kiara na sige ang kain. Lumapit kaagad ako sa kaniya at binatukan siya. Malakas iyon dahil pati palad ko ay nanakit.
"Bwisit kang Kiara ka!" sigaw ko matapos ko siyang batukan ng isa pa.
"Aray naman!" Nagkunwari pa siya na umiiyak. Akala mo maaawa ako sa kaartihan mong gaga ka? Asa ka lang.
"Nanggigigil ako sayo, itago-tago mo na 'yang spongebob mo at kapag 'yan nahawakan ko iiyak ka talaga," gigil na gigil na pagbabanta ko.
Kinotongan ko pa siya ulit at tsaka ako naupo.
Hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano ako titigan n'ong pinsan nila. Para akong kinikilatis at kulang na lang ay tanggalin ang mask ko para masabing tama siya.
"What's your problem?" tanong ni Levine.
"Mali ako ng napasukang C.R at ang mas nakakainis pa ay nand'on 'yong tatlong gangster," nakabusangot kong sagot at sinamaan ng tingin si Kiara, tinago naman niya sa likod niya iyong spongebob niyang stuff toy. "Umalis na tayo dito at baka makita pa nila tayo," nanguna akong tumayo at sumunod sila sa 'kin.
Hindi pwedeng makita nila kaming tatlo. Walang suot na mask si Kiara at kapag nakita siya ni Akiera Hades, ang pinsan ng magkapatid na Weinford ay hindi na magtatagumpay ang mission namin.
Si Kiara ang naka-assigned kay Akiera Hades. Muntik pa kaming mabuko noong ako ang nakita ni Akiera sa Mall imbis na si Kiara. Nagtaka pa siya na bakit daw ako nag-aantay sa may Starbucks, eh sa isang kilalang restaurant daw ang usapan namin. Dinahilan ko na lang na napagod ako at inuhaw kaya pumasok muna ako ng Starbucks.
Nagpaalam ako sa kaniya noon na mag-c-cr bago kami pumasok sa dapat pagkikitaan nila ni Kiara. Nauna na siyang pumasok sa loob kaya umalis na ako para magpunta sa C.R. Mabuti na nga lang ay late si Kiara.
Tinawagan ko siya agad at sinabi ang nangyari. Kakapasok lang ni Kiara ng mall noon kaya hindi na muna ako lumabas ng C.R. at inantay siya. Kailangan naming magpalit ng damit dahil siguradong magtataka si Akiera Hades.
Magkakamukha kaming tatlo kaya hindi talaga pwedeng lumabas kaming tatlo ng magkakasama. Kailangang may mask ang dalawa sa amin o lahat kami ay mayroon.
Bobo naman kasi ni Argus Crynor. Bakit sa parehong mall pa niya dinala ang babae niya.
Sa parking lot kami dumiretso at sasakay na sana sa kotse ni Kiara ng mapahinto ako. Nakita ko sa hindi kalayuan ang motor namin ni Levine. Well, may swerte rin naman pala sa araw ko ngayon.
My baby, come to mama!
Hinarap ko si Levine at tinanong siya kung dala ba niya ang susi ng motor niya. Tumango siya sa akin kaya nagpunta kaming dalawa d'on. Sinenyasan ko na lang si Kiara at nakuha naman niya agad.
"I'll go first na mga Sis, may dalaw na ako, I need to rest, sobrang sakit ng puson ko," pagpapaalam ni Kiara sa amin, tinanguan namin siya at nagpatuloy na muli sa paglalakad.
Sakto ng makasakay kami sa mga motor namin ang paglabas ng tatlong gangster. Nagtatawanan pa pero nang makita nila kaming nakasakay sa motor na ninakaw nila ay sabay-sabay na nawalan ng sigla ang mga mukha nila.
Ngumisi ako bago ko paandarin ang motor kahit hindi naman nila nakikita dahil suot ko pa rin ang mask ko. Pinaandar na rin ni Levine ang motor niya dahil tumatakbo na sila patungo sa amin.
Tumatawa ako ng makalayo kami ni Levine pero agad ding nawala ng may taxi na sumusunod sa amin. Tinignan ko si Levine na nasa gilid ko lang at tinanguan naman niya ako ng mapansin din ang sumusunod sa min. Pinaharurot pa namin 'yong motor namin at tsaka lumiko. Nakasunod pa rin sila sa 'min at hindi na ako natutuwa.
Letcheng mga gangster 'to. Hindi naman kanila itong motor, kung makahabol akala mo sila 'yong nanakawan.
Sinigawan ko si Levine kung anong gagawin namin. Sobrang bilis magpatakbo ng kotse ng kung sino mang nagmamaneho non.
"JUST f*****g DRIVE!"
Sobrang lapit na nila sa 'min at naririnig kong sumisigaw ang isa na pahintuin namin ang motor. Hindi namin sila pinakinggan at mas binilisan pa ang pag-da-drive. Saan ba patungo itong kalye na ito?
Lumiko ulit kami at wala ng iba pang sasakyan bukod sa mga motor namin at 'yong taxi ang nasa daan. Tumingin ako sa side mirror at nakita kong nakadungaw si Argus na may hawak ng baril.
'WHAT THE HELL?'
"Baril!" sigaw ko kay Levine. Nakita ko pa siyang tumingin sa side mirror niya at napamura.
Pilit naming iniiwas 'yong motor na matamaan ng bala dahil nagsisimula na itong magpaputok.
'Paanong nagkaroon 'to ng baril eh galing sila ng mall, lintek 'yan!'
Ikaw Argus, kapag ako sumapak sayo sisiguraduhin kong dudugo 'yang bibig at ilong mo. Ginigigil mo ko ah!
Hintayin mong pasukin kita sa bahay niyo.... "f**k!" sigaw ko ng matamaan ang kaliwang braso ko.
Gumewang-gewang ang pagmamaneho ko at bumagal pa.
Tang-ina talaga Argus! Babawian kitang pisti ka!
Pinilit kong iniinda 'yong sakit at ipinopokus ang sarili sa pag-da-drive. Medyo bumabagal ako kaya nililingon ako ni Levine. Nakita ko ang iritasyon sa pagmumukha niya ng tumingin ako sa gawi niya.
"ANONG PROBLEMA? BILISAN MO!"
"Natamaan ako!" sigaw ko rin. Sakit kaya ng daplis. Akala mo naman magpapahuli kung makasigaw.
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Nagulat ako ng bigla niyang ihinto ang kaniyang motor kaya napahinto na rin ako. Hawak-hawak ko ang kaliwang braso ko ng bumaba ako sa motor ko at bumaling sa kakambal ko.
Nakababa na siya ng kaniyang motor at yamot na yamot na nag-iintay na huminto rin ang taxi. Sigurado ako, ano mang oras ay sasabog na si Levine.
Huminto na rin sa paghabol sa amin 'yong tatlong gangster at lumabas na sila sa taxi. Mga nakangisi at akala mo mga nanalo. Sinamaan ko ng tingin si Argus habang papalapit kay Levine.
"Hihinto rin pala kayo," sabi ng napakayabang na si Argus.
'F*CK YOU!'
Hindi siya pinansin ni Levine. Pagkalapit na pagkalapit ni Argus sa kaniya ay bigla itong sinuntok ni Levine na nakapagpatumba dito.
Kulang pa 'yan, bwisit ka!
"Anong karapatan niyong habulin kami, ha? Sa inyo ba 'tong motor!" sigaw ni Levine. Hindi na nakapagtimpi.
Nakakuyom pa rin ang kamao nito, galit na galit.
"Paano mo naman nalamang hindi sa amin 'yan at pa'no niyo napaandar? " pasigaw na tanong naman ni Akiera Hades, pinsan n'ong dalawa.
Pinakita ni Levine 'yong susi ng motor at nanlaki naman ang mata ng mga 'yon. Oh ano? Nakita niyo na ang may-ari ng motor na ninakaw niyo.
"Babae nagmomotor?" Hindi makapaniwalang sambit ni Garnet, hindi napapansin ang paglapit ni Levine kay Argus.
Kinuha niya ang baril at tinignan ako. Dumapo ang tingin niya sa kaliwa kong braso, tumingin ulit siya kay Argus at pinaputukan ito sa kaliwa ring braso.
"f**k! Why the hell did you do that?" sigaw ni Argus hawak-hawak na ang braso.
Hindi niya malaman kung alin ang uunahing hawakan, 'yon bang putok niyang labi o ang daplis niya sa kaliwa ring braso.
"Natamaan mo 'yong kapatid ko. Braso sa braso," walang emosyong sagot ni Levine at nagpunta sa gawi ko.
"Kaya mo bang mag-drive?" tanong niya na tinanguan ko lang.
Kahit nahihilo na ako ay kaya ko pa namang magmaneho. Kailangan naming makaalis dito.
Sumakay kami sa motor at pinaandar na muli ito. Pabalik na ang daan namin. Hindi na nila nagawang sundan pa kami. Kitang-kita ko ang nanliliit na mata ni Akiera bago kami nakaalis.
30 minutes kaming nag-drive dahil medyo napalayo kami sa subdivision namin. Inalalayan ako ni Levine ng muntik na akong matumba. Pumasok kami ng bahay at sinalubong kami ni Kiara na alalang-alala.
"OH MY GOD! What happened?" tanong niya at inalalayan din ako.
"Papunta na ba si Meisha?" Balik na tanong ni Levine.
Tumawag siguro siya habang pauwi kami.
"Yeah... yeah..." natatarantang sagot nito "Ano ba kasing nangyari?" nag-aalalang ulit niya.
Pinaupo nila ako sa couch at hinilig ko naman ang ulo ko sa sandalan. Kinuwento ni Levine ang nangyari at hindi naman makapaniwala si Kiara.
"Gosh! Dapat pala hindi muna ako nauna," lumapit siya sa akin at inabutan ako ng tubig.
"It's okay," nakangiti kong sabi pagkaubos ng tubig.
Mas lalo kaming mapapahamak kung kasama namin si Kiara kanina.
Hindi rin naman nagtagal ay nandito na si Meisha. She's also an agent at the same time ay doctor. Nakasama namin siya noon sa training.
"Ano 'yan? Humina ka na ba Zein?" bungad niya na hinampas pa ang sugat ko.
"Tang-ina Meisha Andres! Ginagamot ang sugat hindi hinahampas. Gago ka!"
"Sis, ikaw ang tinaguriang 'The Flash' ng buong Monarch Butterfly tapos tatawag sa akin si Kiara na nadaplisan ka? Ilang buwan lang kayong nagpahinga, humina ka na?"
"Gamutin mo na lang ako para masapak na kita. Nanggigigil ako sayo Mei!"
Tinawanan niya lang ako bago naupo sa coffee table. Nilabas niya ang mga gagamitin niya at nagsimula ng gamutin ako.
Kinuwento sa kan'ya ni Kiara ang nangyari at syempre nagulat din dahil hindi niya akalain na mga gangster ang anak ni Ninong Val.
"Jojowain ko nga sana 'yong panganay ni Mr. Val kaso Gangster pala. Turn off ako sis, ekis na siya sa list ng mga crush ko," napangiwi ako ng diniinan niya ang sugat ko. Sasabunutan ko sana siya ng diinan na naman niya kaya napapikit na lang ako.
Umakyat si Levine at nagpaalam na matutulog. Natapos na ni Meisha ang paggagamot sa 'kin kaya nagpahinga na lamang ako sa sala.
Wala akong panahon sa sugat na 'to kaya kahit mahapdi at kumikirot ay kinuha ko ang aking phone at tinawagan si Aphrylle, isa pang agent na kaibigan namin.
Lahat ng kailangan ko para sa mission na 'to ay makukuha ko sa kaniya.
|pebreroanim|
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
*FEEL FREE TO COMMENT
*FOLLOW IF YOU LIKE
*SHARE IF YOU WANT