Enjoy Reading!
MIYERKULES ngayon at damang dama na ng buong sistema ko ang pagkabagot. Tila isang walang kwentang araw ang naranasan ko sa buong tatlong araw na nagpahinga ako.
Bumaling ako sa kambal ko. Nagbabasa lamang ito ng libro sa tuwing makikita ko sa sala ng aming bahay. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang magbasa sa maghapon.
"Hindi niyo pa rin ba ako pagtatrabahuhin, Levine?" Wala nang mas babagot pa sa boses ko.
Tatlong araw na simula n'ong mabawi namin 'yong motor. Three days na rin akong nakatunganga lang dahil pinagpahinga muna niya ako. Sa tipo ng aming trabaho ay hindi na dapat pinagpapahinga ang daplis sa braso.
Pagaling na rin naman 'yong sugat ko dahil hindi naman gan'on kalala.
Kung hindi siguro ako nadaplisan noong linggo ay nagsimula na ako sa trabaho ko noong monday.
Kung sino pa ang mission ko ay siya pang dahilan ng pag-delay ng trabaho ko. Medyo nakakainis 'yon pero wala na rin naman akong magagawa dahil nangyari na.
Inalala ko ang mga dapat kong gawin at tinantsa kung makakatulong nga iyon sa aking trabaho.
Ang isa sa plano ko ay syempre ang mapalapit kay Argus Crynor. Ang kaso lang ay hindi ako pwedeng magpakita ng basta-basta doon kasi panigurado akong makikilala nila ako dahil may daplis pa ang braso ko. Hindi naman mahahalata kung palagi akong magsusuot ng long-sleeves ang kaso ay Pilipinas ito at napakainit.
Noong linggo ay tumawag ako kay Aphrylle Queen, ang kaibigan namin na isa ring agent. Magaling siya pagdating sa pagpapabago ng itsura ng tao nang hindi ginagamitan ng kahit anong operasyon. Lahat nakahanda na para sa misyon kong ito.
Ang kulang na lang ay ang pagkilos ko.
At dahil naantala ang plano ko sa nangyari sa akin ay bukas ko pa masisimulan iyon. Bwisit na Argus 'yon. Isang taon lang 'yong binigay sa amin, nasayang pa tuloy iyong tatlong araw ko. Balak kong tapusin ng mas maaga kung kakayanin para makatanggap pa ulit ng trabaho.
"Manahimik ka na lang muna diyan." Wala sa mood na tugon nito sa akin. Ano na naman kayang problema nitong babaeng 'to at wala na naman sa hulog?
Araw-araw na lang ay ganiyan 'yan. Sa pagkakaalala ko ay hindi naman sa kaniya binigay ang problema ng pamahalaan. Ano at ganito lagi ang lagay nito?
"Sayang araw tih," hindi na nawala ang pagkabagot sa aking tono.
Kinutkot ko ang kuko ko sa kamay nang makakita ng libag, hindi pa pala ako nakakaligo. Jusko Sayel, trabahong-trabaho ka na pero hindi ka pa nga nakakaligo ngayong araw, alas sais na ng gabi dai, ligo-ligo rin!
Sinamaan niya ako ng tingin. Psh! Ano ba 'yan!
Nandadamay ata si Levine dahil sa tingin ko ay wala pa siyang nasisimulan. Nasa iisang team lang kami pero may usapan kami na hindi pakikialaman ang trabaho ng isa't isa kung hindi naman kailangan. Hindi ako makapagtanong dahill paniguradong wala akong makukuhang matinong sagot.
Naalala ko na naman ang inuungot ko. Hindi naman na kasi kailangang ipagpahinga pa 'to ehh. Parang daplis lang naman itong sugat ko. Pwede ko na ngang sapakin si Argus eh.
"Mahigit 11 months na lang kaya tapos ayaw mo pa akong pagtrabahuhin. Ano ba? Gusto mo bang mawalan tayo ng trabaho, ha? Ang sabi ni Mr. Val, kapag ang isa sa atin ay pumalpak, damay-damay tayong mawawalan ng trabaho dahil iisang grupo lang tayo..."
"Shut up!" Medyo tumaas ang kaniyang boses nang sumingit siya sa sinasabi ko.
"Aish bahala ka nga d'yan!"
Ako ang talo sa pagiging masungit nito. Madada ako pero tumutiklop kay Levine.
Padabog akong tumayo at mag-wo-walk-out na sana nang makita ko si Kiara na bumababa sa hagdan, bihis na bihis.
Nakasuot siya ng black spaghetti strap croptop at maroon skirt na tinernohan niya ng high heels. Naka-light make-up lang din siya at naka-high ponytail ang kinulot na buhok.
Napag-usapan namin noon na si Kiara ang hindi na kailangan pang mag-iba ng itsura. Kami lang ni Levine ang mag-a-adjust.
"S'an punta?" tanong ko. Tinaasan siya ng kilay habang nakatingin sa hawak nito.
May nilapag siyang mga damit at heels na hindi magandang tignan para akin.
"Suotin niyo, mag-ba-bar tayo!" Masigla niyang sabi na nakapagpakunot ng noo ko. May saltik na naman po ang isa sa kambal ko.
"Gagawin naman namin d'yan?" Nanunuyang tinignan ko pa ang nilapag niyang damit sa coffee table. Napaka-revealing noon at hindi nakakatuwa.
"Anong kalokohan 'yan Kiara?" naiinis na wika ni Levine, mas lalong na-badmood.
"Aki texted me yesterday. He invited me dahil birthday ng kaibigan nila. Pwede naman daw akong magdala ng kasama kaya isasama ko kayo," sagot niya na parang ang dali-dali ng sinabi niya.
"Gaga ka ba, nakikita mo naman siguro 'yong pagmumukha mo sa pagmumukha namin ni Levine, ano?" sarkastikong ani ko.
"Gosh ate Cyhael! Para saan pa 'yong binigay sayo ni Aphrylle na pangpaiba ng itsura kung hindi mo naman gagamitin?" Tinuktok niya pa ang gilid ng ulo ko.
"Masasapak kita diyan, Kiara, isa pang tuktok mo! Hindi ako sasama, may gagawin ako," inirapan ko siya bago ako maglakad paakyat.
Nakaisip ako ng mas magandang gawin kaysa mag-bar.
"What now? Sasama ka ba, ate Levine?" Narinig kong tanong ni Kiara kaya hinintay ko munang sumagot si Levine bago ipagpatuloy ang pag-akyat.
Para akong tanga na ngumanga sa sinagot niya kay Kiara.
"Let's do it then," 'yon lang ang sinabi niya at padabog na kinuha ang damit na nilagay kanina ni Kiara sa coffee table.
Seryoso siya!
"Sis, 'yong heels pa," sabi ni Kiara sa paakyat ng si Levine.
"I have boots!" Nagtuloy na siya sa pag-akyat.
Nakaakyat na si Levine pero ako nakatunganga pa rin, hindi makapaniwalang pumayag si Levine sa gusto ni Kiara.
Ano naman kayang plano ng babaeng 'yon?
"Tutunganga ka na lang ba d'yan? May gagawin ka pa ate Cyhael, 'di ba?" Nabalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Kiara. Nakalapit na pala sa akin ang gaga.
"Text me kapag pauwi na kayo. Pupunta ako sa mansiyon nila, sabihan mo agad ako kung may biglang uuwi sa kanila," sabi ko kay Kiara at umakyat na ako.
Naligo muna ako bago suotin ang itim na longsleeve na ti-nuck-in ko sa itim ding leggings. Kinuha ko sa kabinet ang kahon na maliit na may lamang apat na maliliit na bugging devices. Balak kong ilagay iyon sa buong kwarto ni Argus. Nilagay ko lahat ng kailangan ko sa isang itim na backpack. Nagdala rin ako ng pistol at inilagay iyon sa gun pocket sa aking hita.
Alam ko naman na ang pasikot-sikot ng bahay na iyon dahil binigyan kami ni Mr. Val ng blueprint.
Kinuha ko na ang mask at susi ng motor ko at umalis na rin ng bahay. Hindi ko na naabutan sila Kiara kaya hindi na ako nagsabi kay Levine. Sure naman na akong sasabihin na ni Kiara 'yon.
Pi-nark ko ang motor ko sa isang madilim na parte na hindi kalayuan sa bahay nila. Naglakad ako ng tahimik habang sinusuot ang mask ko. Sa likod ng bahay nila ako dadaan dahil doon ang madilim na parte. Nang nasa tapat na ako ng malaking pader ng bahay ay kinuha ko sa bag ko ang lubid. Hinagis ko ang dulong parte ng lubid na may bakal sa itaas ng pader.
Nakailang ulit pa ako bago kumapit ang bakal sa semento. Hinigit-higit ko iyon para masiguradong hindi na matatanggal. Nagsimula akong maglakad sa pader ng tahimik pa rin. Nang nasa tuktok na ako ay sinilip ko ang baba kung may nag-iikot na bodyguard. Napayuko ako ng may biglang tumingin sa gawi ko. Itatapat na sana ng lalaki ang dala niyang flashlight ng tawagin siya ng isang bodyguard.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang sumama ang lalaki sa tumawag sa kaniya. Nang makitang wala ng ibang tao ay dahan-dahan akong bumaba gamit pa rin ang lubid.
Hindi ko na naalis ang lubid ng makarinig ako ng mga nagtatawanan kaya nagtago ako kaagad sa nakabukas na pinto. Sinara ko kaagad iyon at tinignan ang buong paligid.
Nasa kusina ako ng bahay kaya dahan-dahan akong naglakad. Walang kahit isang kasambahay ang nasa kusina. Nagpunta ako sa isang pinto at binuksan iyon. Wala ring kahit isang kasambahay ang nasa dining area. Madilim na sa buong paligid kaya kampante akong hindi ako mahahagip ng CCTV.
Nang tuluyang makalabas ng dining area ay pasimple akong naglakad at nagtago-tago sa gilid-gilid ng malalaking vase. Hinintay kong mawalan ng tao bago ako tumakbo ng tahimik. Napahinto ako ng makita ang mayordoma ng bahay na naglalakad sa pasilyo ng second floor kung nasaan ang kwarto ng magkapatid.
Napatago ako sa malapit sa aking kwarto. Mabuti na nga lang ay nakabukas iyon. Sumilip ako at nakitang nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad ang mayordoma. Pumasok siya sa kwarto ni Garnet kaya lumabas na ako at mabilis na nagpunta sa kwarto ni Argus. Nasa tapat lang iyon ng kwarto ni Garnet kaya dahan-dahan ang pagbukas at pagsara ko.
Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Hindi ko na binuksan pa ang ilaw at lumapit na ako sa kama.
Lumusot ako sa ilalim ng kama at nilagay doon ang isang bugging device. Hindi ko pwedeng ilagay iyon sa headrest ng kama dahil sigurado akong inuurong iyon ng kasambahay upang malinisan. Ang ilalim ang mas safe na paglagyan.
Gagapang na sana ako paalis sa ilalim ng biglang bumukas ang pinto. Nakita ko ang paa ng mayordoma kaya napabalik ako sa ayos ko kanina.
Nakahiga na ulit ako at sinusundan ng tingin kung saan patungo ang mayordoma. Pumasok siya sa bathroom ni Argus.
Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na siya bago masiguradong walang kalat sa buong kwarto ni Argus.
Gumapang na ako at nagpunta naman sa study table. Naroon ang laptop niya pero hindi ko na binuksan. Nilagay ko ang sunod na bugging device sa ilalim ng lamesa.
Sunod kong pinuntahan ang bathroom niya pero lumabas ulit ako. Delikado.
Nilibot ko nang tingin ang buong kwarto niya at nang makakita ng artificial plant ay lumapit ako roon. Nasa sulok iyon ng kwarto at hindi naman mapapansin na may nilagay akong bugging device. Napatingin ako sa pinto nang marinig ang pagpihit doon.
Nataranta ako kaya pumasok ako kaagad sa pinto na nasa malapit lang. Napatago ako sa gilid noon ng tuluyang bumukas ang pinto. Sumilip ako at tinignan kung sino ang pumasok.
Shit!
Bakit nandito agad 'tong lalaki na 'to? Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at napamura na lang sa aking isip ng hindi ko pala na-vibrate ito.
Nakailang missed calls sa akin si Kiara at tadtad din ng text. Tinago ko na lamang iyon at muling sumilip.
Nanlaki ang mata ko ng makitang nakahubad na si Argus at papunta na sa kaniyang bathroom. Nakatalikod siya pero nakita ko pa rin ang dulo ng 'ano' niya.
Putcha! Kadiri!
Pag-uwi ko nga mamaya ay tatawag ako sa pari na kilala ko at magpapabuhos sa mata ng isang drum ng holy water. Tang-ina ng Argus na 'yon!
Nang marinig ko na ang pagsara ng pinto ay umamba na akong lalabas pero napabalik na lang ako ng lumabas na naman si Argus. King-ina mong lalaki ka!
Hindi ko magawang sumilip dahil sigurado akong makikita ko na naman ang 'ano' niya.
Ilang minuto akong nag-antay bago makarinig ng lagaslas ng tubig. Dahan-dahan akong sumilip at nagpasalamat na nasa bathroom na siya.
Hindi ako dumiretso sa pinto ng kwarto niya ng makarinig ng mga yabag sa labas. Sa veranda ng kaniyang kwarto ako nagpunta.
May punong malapit sa kaniyang veranda kaya doon ako dumaan. Malaki Iyon at abot ang pader ng labas ng bahay. Kumapit ako sa matibay na trunk at binuhat ang sarili. Nang makaupo na ako roon ay nagsimula na akong gumapang at maingat na nagpunta sa itaas ng pader.
Kinuha ko ang extra'ng lubid na dala ko at tinali iyon sa trunk ng puno. Nagsimula na akong bumaba at ng makarating sa baba ay tumakbo na ako patungo sa motor ko.
Pawis na pawis akong umuwi at nandoon na ang dalawang kambal ko. Nakatanggap pa ako ng mura kay Levine pero hindi ko na iyon pinansin. Naupo ako sa couch at pumikit ng mariin.
'Kadiri ka Argus!'
|pebreroanim|
•••••••••••••••••••••••••••••••••••
*FEEL FREE TO COMMENT
*FOLLOW IF YOU LIKE
*READ IF YOU WANT