Chapter 32 ------Flash Back------- Naiiyak na pumunta si Ella sa kwarto ng inang si Aling Lita. Sinilip niya ito ang ina nakita niyang gising pa ito at nanonood ng TV habang nakahiga sa kama at kumakain ng mga prutas. Ella:"Nay? Pwede ka po bang makausap" Pumasok ito sa loob at tumabi sa ina. Aling Lita:"Oh anak? Bakit parang naiiyak ka? May masakit ba sa iyo? May nangyari bang masama?" Bumangon ito ng upo ng makitang umiiyak ang anak. Ella:"Nay, Magsabi ka ng totoo” Aling Lita:”Ha? Bakit anong nagyari ba? Hindi ko maintindihan” Nagtatakang tanong nito. Pinatay nito ang TV. Ella:”Na-naalala ko po dati parang may gusto kang sabihin tungkol kay Lucas. Nung halos bagong kasal pa lang po kami. Ano iyon? Tungkol po saan?" Napaiwas naman ng tingin si Aling Lita sa an

