Chapter 31 --------Flash Back---------- Naisipan ni Aling lita na lumabas na ng kwarto niya at makibalita sa mga nangyayari hindi na kasi siya mapakali at gusto ng malaman ang mga kaganapan ang tatagal naman magsibalikan kasi ng mga tao sa Mansion. Ewan din niya kung nasaan sila Ella kung nasa kwarto na ba sila ng asawa dahil hindi naman ito sumilip sa kanya kung bumalik na sa Mansion. Sinubukan niyang tumayo natutuwa siya dahil mas nakakalad na siya ng maayos ngayon kumpara noong ng bagong stroke siya. Mas naigagalaw na niya ang mga binti ng hindi nahihirapan at mas nakakapagsalita na ng hindi gaanong utal. Dahan dahan siya tumayo gamit ang tungkod ay nagsimulang maglakad palabas ng kwarto nakita niyang walang tao sa Mansion pero narinig naman kanina niyang may dumating

