Chapter 34 ---------Flash Back------- Lucas:"Ella, dalawang araw mo na ako hindi kinakausap. Please ayoko ng ganito tayong dalawa" yumakap ito sa kanya habang nakatalikod siya ng higa dito. Narinig niya ang mahinang hikbi ng lalake. Hindi na rin naman niya ito matiis na hindi kausapin dahil mahal na mahal niya ito. Hindi siya bumaba ng halos dalawang araw dahil ayaw naman niya malaman ng ina at mga kasama sa bahay na inis siya sa mga ito lalo sa asawa. Ayaw pa kasi niya din makita ang mga katulong na hindi man lang sinabi sa kanya ang totoo. Ella:"Sinabi ko na sa'yo Lucas gusto kong makita si Gina" Lalong yumakap ang lalake sa kanya. Lucas:"Mahal, delikado. Please ayokong i risk kayo ng anak natin. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari. Unawain mo sana ako."

