Chapter 35 ---------Flash Back----------- Kumatok si Becky sa kwarto ng Matandang Mayordoma at pinagbuksan naman ito. Nakita niya ang mangkok ng arroz caldo na dala nito tinanggap nalang niya kunwari. Lavinia:”Gabi na ah salamat dito Becky” Pansin niya na parang wala sa sarili si Becky tulala lang umalis na rin ito agad nung abutin niya ang binigay nito hindi siya nito sinagot. Tinapon naman ni Lavinia sa toilet sa loob ng kwarto niya ang pagkain na dala nito. Masama ang hinala niya sa niluto nito lalo na at may nakita siyang parang hinalo dito kanina. ----------- Pumasok na rin sa kwarto nila ni Lotty si Becky sa ibaba at dirediretsong hinigop ang niluto hanggang sa halos maubos. Bigla nitong nabitawan ang hawak na mangkok at bumula ang bibig saka bumagsak.

