CHAPTER 36 ----FlasH BACK----- Nakatulog na si Ella dahil na rin sa pagod sa panganganak at sa mga nangyari sa Mansion. Hindi na niya namalayan na dumilat ang mga mata ng katabing sanggol at naging Tiyanak. Tinignan pa siya nito bago gumapang pababa ng kama at inakyat ang door knob para buksan lumabas ito ng kwarto. Kasalukuyan naman naliligo sa bathtub si Mama Charlie. Pumasok ang Tiyanak sa kwarto nito at sumilip sa CR papasukin na sana nito ang bakla pero nagpatugtog ito ng religious song ito at may rosaryo pang nakakabit sa dibdib. Inis sa umalis ang tiyanak sa kwarto at lumabas ng Parlor. Nagtatago ito sa dilim habang gumagapang na naghahanap ng mabibiktima. May nakita siyang lasing na umiihi sa isang pader medyo madilim sa parte nito kaya dahan dahan siyang lumapit sa lalake ng

