"Kee?" bulong ko. Nakita ko namang ngumiti ito. "Sa likod po ang pila" pag-uulit ko. Lumipat sya sa likod ko.
"Anong ginagawa mo?" bulong na tanong ko
"I followed you and Mom, To secure your safety. don't worry kasama ko ang apat" bulong na sagot nya. Umorder na ako ng pagkain namin namin ni Mommy. Tinignan ko naman si Kegun sa likod at sinamaan ng tingin. Pagkadating ng order ko dinala ko na ito sa table namin ni Mommy. Nagsimula na kaming kumain ni Mommy.
"Lola nakita ko po yung crush ko" kunyaring kinikilig na sabi ko kay Mommy. Sana makuha nya ang pinupunto ko.
"Ano daw ginagawa dito Apo?" tanong ni Mommy. Natatawa talaga sa sitwasyon namin pero pinipigilan ko lang.
"Hindi ko po alam Lola" sabi ko at kumain na lang. Hinanap ng mata ko si kegun habang sumusubo ng fries. Nakita ko sa di kalayuang lamesa nakita ang ko ang limang lalaki na kumakain. Nakatingin namna si Kegun sakin.
'tatamaan sakin to pag may nakahalata samin talaga" banta ko sa kanya sa isip ko. Inirapan ko sya. Alam kong nakita nya ang ginawa ko.
Si Mommy naman patuloy lang sa pagkain. Hindi ko na pinansin sila Kegun. Lumabas na kami ni Mommy ng fastfood.
"Apo, pagod na ako" sabi ni Mommy
"Sige po Lola, uwi na po tayo" sabi ko at binuhat ang dala ko at inalalayan si Mommy.
Hindi pa kami pumapara ng Taxi pero may humintong Van sa harap namin. Kinabahan ako, dahil kalimitan sa mga kinikidnap sa Van sinsakay. Si Mommy naman ay sasakay na.
"Mo— este, Lola sa Taxi po tayo" sabi ko at pinigilan si Mommy. Nagbukas ang pinto. Nakita ko si Kegun sa loob ng Van. Pumasok si Mommy sa loob at umupo sa likod. Sumakay na din ako para wala ng makakita. Sinarado ko ang pinto.
"Akala ko kung sino" sabi ko at humarap sa kanya.
"Sorry," sabi ni Kegun. Si Zach ang nagdadrive. nasa tabi nya sa unahan si Conrad ang tatlo ay nasa likod. si Mommy pangalawa sa likod at kami ni kegun magkatabi sa unahan.
"Nakakainis ka, kala ko may kikidnap samin ni Mommy" sabi ko pa at tinanggal na ang disguise ko.
"Anak, kilala ko ang sasakyan namin" singit ni Mommy
"Kaya pala Mom" Sabi ko kay Mommy, at bumaling kay Kegun "Ikaw lalaki ka, mas madami ang pakulo mo" inis na sabi ko sa kanya.
"I can't just sit in my office knowing you and Mom may put in danger anytime" paliwanag nya. May punto sya.
"May nangyari ba?" inis na tanong ko sa kanya. Naiintindihan ko sya. Pero bonding namin ni Mommy to. Paano kung may nakakita samin? Edi mas napahamak kami.
"Wala" sagot nya.
"Okay, okay, okay. stop both of you" awat ni Mommy samin. Nanahimik na ako at hindi ko na sya pinansin. Wala na ding nagsalita sa kanila Mommy. Sa Main gate na kami ng Golden dumaan. Ligtas ang naging byahe namin. Sa bahay namin kami binaba ni Zach. Lumabas na ako ng Van kasunod si Kegun.
"Mom, dito na po ako" Paalam ko kay Mommy.
"Anak ang mga pinamili natin" Sabi ni Mommy.
"Iwan nyo na lang po Mom. Pagbalik ko na lang po nila Zach kukunin, Susunduin pa nila si Liam" sabi ko.
"Sige anak, sa susunod uli!" nakangiting sabi ni Mommy. Ngumiti ako sa kanya. Sinara na ni Blaze ang pinto at umalis na sila. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa Kwarto namin. Naghugas at nagpalit ako ng damit. Nasalubong ko naman si Kegun, Hindi ko sya pinansin at bumaba. Sa kusina ako dumiretso para makaluto na ng pagkain namin.
"Look Jesse, I'm really sorry"
"Bakit ka nagsosorry?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. Inaayos ko ang lulutuin ko.
"Jesse please! Hindi naman nagalit si Mom" sabi niya pa. Hindi ko sya inimik. "Jesse" tawag nya. Naramdaman kong nakalapit na sya sakin. "Jesse please" sabi nya niyakap ako sa likod. Naghihiwa na ako ng mga patatas. Nakapatong ang baba nya sa balikat ko.
"Ano ba kegun!! May hawak akong kutsilyo" inis na sabi ko sa kanya. Inalis ko ang balikat ko sa kanya.
"Are you really angry?" tanong nya.
"Mukha bang nagjojoke ba ako?" inis na tanong ko din sa kanya.
"Hindi" sagot nya. Hindi ko na uli sya pinansin.
"Magluluto ako, kung gusto mong tumulong, tumulong ka. kung ayaw mo umalis ka dito" taboy ko sa kanya. Umalis sya, I know he feels na inis at asar ako sa ginawa nya. Nagluluto ako ng Adobong Manok na lalagyan ko ng ketchup. Sa totoo lang mahirap magluto kapag galit, baka maging mapait or maalat ang luto ko.
"Mama" Lumapit sakin si Liam at sinalubong ko ng halik.
"Nakita mo Daddy mo?" tanong ko.
"Nanunuod po ng TV" sagot nya.
"Magpalinis ka ng katawan, para diretso na ang tulog mamaya" sabi ko. Tumango naman sya. Oatapos na din ang niluluto ko. Tinimplahan ko na at nilagyan ng ketchup, pinapakuluan ko na lang. Tinignan ko naman kung hinugasan ng katawan ni Kegun si Liam. Wala sya sa sala baka hinugasan na nya si Liam. Bumalik ako sa kusina. Kumukulo na ang luto ko at pinatay ko na.
Pinuntahan ko sila sa kwarto kung andun sila. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Liam. Nakita ko sa loob Liam na mag-isa at nililinis ang sarili.
"Liam!!" tawag ko. tumingin sya sakin. "Nasan ang Daddy mo?" tanong ko at lumapit sa kanya.
"Mama, wala po sya kanina sa upuan. Ako na lang po. Big boy na po ako Mama" Sabi niya. Tinulungan ko syang magbihis ng damit nya.
"Big boy na ang baby ko, hindi mo na kailangan si Mama?" tanong ko
"No Mama, syempre Mama kita e" sabi niya at pinaghahalikan ako sa mukha. Mas lalong tumaas ang inis ko kay Kegun.
"Kain na tayo anak" Yaya ko at hinawakan sya sa labas. Pagbaba namin walang Kegun. Kumain kami ni Liam dalawa. Nagligpit ako ng pinagkainan namin at naghugas ng plato.
'naiinis ako sayo kegun, wag ka lang makatabi tabi sakin. Hinyaan mo ang anak ko' sabi ko sa isip ko. Umiinit ang dugo ko kay kegun. Akala ko kasama nya si Liam sa taas. Umalis pala, hindi man lang nagsabi sakin.
'Ganito ba aya paggalit ako? Hindi sya sakin magpapaalam. Parang wala syang kasama sa bahay.' inis na sabi ko sa isip ko.
Pagkatapos magligpit, pumanhik na ako sa kwarto ni Liam at hindi ni Kegun, dahil sa inis ko, Hindi ko sya tatabihan. Humiga na kami ni Liam sa kama. Pinapatulog ko na si Liam. Nakayakap ako sa kanya at nakatulog kaming dalawa.
Nagising ang diwa ko dahil may nararamdaman akong nakaupo sa kama. Dinilat ko ang mata ko.
"Jesshe" aniya ni Kegun, Amoy ko ang alak na ininom nya.
"Lasing ka?"
"Jesshe pleashe, I'm shorry"
----
author's note
Pag-aawayin ko muna sila guys para may thrill naman to. hahahha Comment for feedbacks. follow my profile for more updates and story.
miss_ravs