BABY TEN

1099 Words
JESSE' POV Nagising ako ng maramdaman ko ang dalawang labi sa pisnge ko. Dumilat ako, nakita ko ang dalawang lalaki na mahalaga sa buhay ko na hinahalikan ako sa pisnge. "Daddy, andaya nyo po" angal ni Liam, hinalikan kasi ako sa labi ni Kegun, Tinakpan ko ang bibig ko dahil hindi pa ako nagtotoothbrush. "Mama, ako din" sabi ni Liam at tinatanggal ang kamay sa bibig ko. Nang matanggal hinalingan nya naman ang labi ko. "Tss. brat" inis na sabi ni Kegun, tumingin namn ako sa kanya. Bumangon ako at umupo. "Kayong dalawa, hindi pa ako nagtotoothbrush." inis na sabi ko sa kanila. Tinatanggal naman ni Kegun ang muta sa mata ko. "Ayos lang sakin Mama" "Sakin din" "Ewan ko sa inyo, alis nga at magtotoothbrush ako" bumangon ako at dumiretso sa CR para magtoothbrush. Lumabas na ako, andun pa din sila nakaupo "Oh bakit?" tanong ko sa kanila. "Nothing, inaantay ka lang namin. Masama ba?" sabi ni Kegun, binuhat na nya si Liam at hinawakan naman ako sa kamay. "May sinabi ba ako?" tanong ko. Hindi na sya sumagot at hinila na ako pababa. "Good Morning Lola, Lolo" Bati ni liam ng ibaba sya ni Kegun. Hinalikan nya sa pisnge si Mom and Dad. "Good Morning po" bati ko sa kanila. Nag almusal kami at naghaharutan ang mag-ama ko. "Liam stopped, ano ba kegun nasa harap kayo ng pagkain. ang daming natatapon na kanin" saway ko sa kanila. Sabay silang tumigil at tahimik na kumain. "Anak, para kang pinagalitan ng Amo, nakapout ka pa. Hindi bagay sayo" pang aasar ni Mommy. Nagtawanan naman sila ni Dad. Tinignan ko naman silang mag-Ama, parehas silang nakasimangot at nakanguso. Mag-ama nga sila. Umiling na lang ako napangiti. Tinuloy na nila ang pagkain pero hindi na naglaro. "Anak shopping tayo mamaya?" baling sakin ni Mommy. "Lalabas po tayo sa Golden?" . "No" sabay na sagot ni Dad at ni Kegun. Nagkatinginan naman kami ni Mommy at tumawa. "Saan kami magshoshopping?" pang asar na tanong ni Mommy. "Maganda sa Labas mommy, mas maraming pagpipilian" sabi ko. "Hindi pala tayo makakalabas Mom" dugtong ko at tumingin kay kegun. Hindi ko alam kung aandar ang pagpapaawa ko. "NO!!" hindi pala. Inirapan ko naman sya. Pinagpatuloy ko ang pagkain. "May Mall naman dito Mom" sabi nya kay Mommy. "Hindi naman kumpleto ang meron don anak" sagot ni Mommy "But you know Mom, kahit si Daddy ay hindi papayag, right Dad? aniya ni Kegun at tinanong pa si Daddy. nakikinig lang ako sa kanila. "Off course, kailan ba ako pumayag?" "tssk! Mag-ama nga kayo" inis na sabi Mommy. "What if we'll just disguise ourself? Diba anak?" tanong sakin ni Mommy "Pwede naman Mom!" masiglang sagot ko. "Fine Mom, Sa office ko kayo ihahatid" "Yes" sabay naming sabi ni Mommy, nagkatinginan pa kami at sabay tumawa. After naming kumain nag ayos na kami ni Mommy ng sarili ng nakadisguise na. Isang Nerd ang peg ko at Lola naman si Mommy. "Mama, Ang panget nyo po" natatawang sabi nga anak ko. May mga butlig kasi ang mukha ko at pinapanget ko talaga ng sarili ko para hindi makilala ng kahit sino. Manang din ang suot kong damit, ganun din ang kay Mommy. "Pero maganda naman si Mama pag walang ganito?" tanong ko "Yes Mama, you're beautiful" puri ng anak ko. "For me you're beautiful with or without that" bola ni Kegun sakin. "Bolero" sagot ko. Nainis naman sya sa sinabi ko at tumahimik na. Si mommy naman kinakareer ang pagiging matanda. Ang Mom ni kegun is just 55 years old but really looks young si Dad nama ay 56 years old. Isang taon lang ang tanda nila. Kami kasi ni kegun, 3 years ang gap namin. He looks mature, but when it comes to our son oarang magkaedad lang sila. Iniwan namin si Liam sa pangangalaga ni Daddy. Si Kegun ang sumama samin. Incase na may mangyare daw mamomonitor nya kami. Ibang Kotse ang ginamit namin, at sa ibang passage way kami dinaan ni Kegun na hindi alam ng iba. Sa nadadaanan namin ang daming lalaki ang nakabantay. Kahit saan nakakalat sila. Hinawakan ko sa kamay si Mommy. Kinakabahan ako, kahit hindi naman dapat. Sobrang risky ng ginagawa namin. Lubak lubak ang daan na tinatahank namin. Nakita ko na lang na malapit na kami sa labas. Nakikita ko na ang mga gusali mula dito. Dumiretso na si Kegun ng byahe pa office nila. Bumaba muna kami ni Mommy bago si Kegun. Umakyat kami sa office. Pagpasok namin andito sila Blaze, zach, conrad at rex. "Boss sino yang kasama mo? Ang panget nung isa" bungad ni Rex "Maglola yan boss hahahaa" natatawang sabi ni Conrad. Nakatingin lang samin si Blaze at Zach. "Laugh all you want, sila Mom and Jesse yan HAHAHAH" Halakhak ni Kegun. Bigla namang nag-iba ang timpla ng mukha nila at kinabahan. "Ano? Hilig nyo kasing manlait" "Hindi mo kasi sila sinabihan" inis na sabi ko. "Isa ka din e" dagdag ko pa. Tumigil naman sya sa kakatawa nya. Maluha luhang pinunasan ang mukha. Nakaupo na sya sa office table nya. "Sorry Queen" sabi ni Rex "Sorry po" ganun din si Conrad "Para kayong anghel na bumagsak sa lupa Hahaha" asar ko sa kanila "Aalis na kami ni Mommy, bye boys" "Call me when anything happens, text me from time to time Jesse" paalala ni kegun, kumaway ako patalikod at lumabas ng office nya. Tinitignan kami ng mga tao sa office na parang nandidiri, ang sarap pagtutusukin ng mata. Inaalalayan ko naman si Mommy para sa karakter ko. Napag usapan namin na Lola at apo ang role namin ngayon. Nakalabas kami ng building at dumiretso sa Mall na malapit dito. Inaalalayan ko si Mommy pababa to be in character talaga. "Lola san po tayo?" tanong ko kay Mommy. "Bili tayo ng damit apo" sagot ni Mommy, Natatawa ako sa sutwasyon namin ni Mommy. Pumunta kami sa mga damit na pangbabae at pumili. Treat ni Mommy lahat. Si Mommy na din pumipili ng damit sakin. Dress, swimsuit, shorts panty at maging bra. Ako ang nagbubuhat sa tuwing may napipili si Mommy. Ang dami naming nabili. Kaming dalawa lang ang magkasama at dahil matanda ang role ni Mommy, hindi ko sya pwedeng pabuhatin ng madami. Bumili din kami ng mga laruan ni Liam at mga damit nila Daddy at Kegun. Kumain kami ni Mommy sa isang fast food ako ang umorder iniwan ko si Mommy sa table. May sumingit sa unahan kong isang lalaki. "Sorry po, sa likod po ang pila" sabi ko at tinuro ang likod. Tinititigan ko ang mata nya sa shades. Pamilyar ang lalaking to. "Kee?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD