BABY NINE

2377 Words
KEGUN'S POV "A..a..ayos la..lang" sagot nya. Walang tigil ang pagtulo ng luha nya. "f**k I think you're in shock Jesse" sabi ko sa kanya. Pinupunasan ko naman ang kuha sa pisnge nya. "Mga gungong, Why didn't you tell me na hindi na pala kayo nakasunod samin" baling ko sa apat. Nasa labas sila ng kotse ko. "Pasensya na boss. Hindi ko na kasi napigilan" Aniya ni Conrad. Inaalo ko si Jesse. Alam kong nabigla sya sa mga pangyayare. "Ang baho na kasi sa kotse boss, utot ng utot na si Conrad hahahhah" pang asar ni Rex "G*go, sabi mo nga ang baho" inis na sagot ni Rex. "Shut up all of you, Hindi nyo ba napansin na may nakasunod satin pauwe?" "Hindi boss. Kaya nga kampante kaming iwan kayo" Sagot ni Blaze "find who are that b*astard or else kayo ang malalagot sakin" utos ko sa kanila. "Masusunod boss" Sabay nilang sabi apat at sumakay sa kotse nila "Jesse, Are you okay now?" tabong ko uli. Tumango na naman ito "Wait, I think I have water here" sabi ko. Hinanap ko naman ang tubig sa likod. Inabit ko sa kanya. Ininom nya lahat. "Do we need to go to the hospital?" tanong ko "Hindi na" Hindi na sya nanginginig at medyo kumalma na sya. "Yung kotse mo butas butas na" pag-aalala nya. Tumawa naman ako. 'I think she's okay' sabi ko sa isip ko. "It's fine, mapapalitan pa naman yan, ikaw lang inaalala ko." "Ayos na ako. Natakot lang ako ng Sobra" "Sorry, naging careless ako. Hindi ko sila napansin" "Ayos lang talaga ko. Kakasanayan ko din ang ganito" sabi nya. "Uwi na tayo" Yaya nya. Pinaandar ko na ang kotse ko. Hawak ko ang kamay nya habang nasa byahe. Pinapagaan ko ito. "Bakit hindi ka lumaban?" tanong nya "Actually I fight, kaso lang kasama kita. Baka madali or matamaan ka, mas lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko" "Over ka naman, buti hindi" sagot nya. Nakarating kami sa subdivision pero hindi ako sa bahay bumyahe kundi sa bahay nila Dad. Pinasok ko ang kotse. "Nasan tayo?" Nagtatakang tanong ni Jesse "Sa bahay ni Dad, andito sila" "Si liam?" "Sunduin ko, Antayin mo na lang ako sa loob" JESSE' POV "Sunduin ko, Antayin mo na lang kami sa loob" sabi sakin ni Kegun "Sino kasama ko sa loob?" "Si Dad at si Mom" aniya. "Di ko sila close" malungkot na sabi "Hindi naman nangangain yun" "Son?" napalingon kami sa tumawag. "Mom, sunduin ko lang si Liam" paalam nya sa Mommy nya. "Sige na bumaba ka na" pilit nya sakin. Wala na akong nagawa at bumaba na. Hindi ko naman sila close. Maaawkward lang ako dito. "Let's go inside Jesse" yaya sakin ng Mom ni Kegun. Umalis na sya dala ang kotseng puno ng tama ng baril. Pumasok na kami sa loob kasama ang Mom ni Kegun. "Sorry po sa mga nasabi ko po sa inyo" aniya ko. "It's fine, we know naman na nagulat ka lang sa mga pangyayare. Don't worry hindi kami galit" sobrang maintindihin ng Mom ni Kegun. "Iha, you're here?" sabi ng Dad ni Kegun na nasa sofa "Dinala ng anak mo, kunin nya lang daw si Liam. Upo ka iha. Kuha lang ako ng pagkain" paalam ng Mom ni Kegun. Pumunta na sya sa kusina. Umupo na ako. "Don't be scared iha. Hindi ako nangangain hahaha" tawang sabi ng Dad ni Kegun. "Nahihiya lang po ako Sir. sa mga sinabi ko po, pasensya na po" "It's fine, my point ka. Nabigla ka sa mga pangyayari. Drop that Sir. You can call me your Dad" "I'll be your Mom iha" biglang sabi nila. Nagulat ako, bakit ganun na lang silang magtiwala sakin. "Ah.. si—sige po Dad" "Kumaim ka muna anak" aniya ni Mom at inilapag sa mini table ang dalang pagkain. Spag at salad. "Sige, Salamat. Kain din po kayo" Yaya ko sa kanila. "Sige" Sinaluhan namin ang pagkain. "Mama" lumingon ako. Si Liam kasama si Kegun. Tumakbo sya papunta sakin. "Hi Baby! Anong ginawa mo?" tanong ko. Hinalikan ko ito. "Nagplay po ako kanila Tita Krystal, pumunta po kami doon ni Tita Gladys. Nakaplay ko po si Bea" paliwanag nya. Nakita ko namang nakatingin ang mga magulang ni kegun. "Liam anak, Sila ang Lolo at Lola mo, Magmano ka sa kanila" pumunta naman sya kanila Mom and Dad at nagbless.. "Napakabait na bata, Maayos ang pagpapalaki mo iha" sabi ni Mom at hinalikan sa pisnge si Liam. Bumalik sya sakin at kumandong. Si kegun naman ay nakaupo na. "Mama, Can I eat?" "Sure baby," payag ko. Agad na nilantakan ang pagkain. Kumain ako ng spaghetti. "When do you plan to get married?" agad na tanong ng ama ni kegun. Nabilaukan ako at umubo ubo. "Ito tubig iha! Ano ka ba namn Hon, minamadali mo sila" rinig kong saway ni Mom. Ininom ko agad ang tubig. Tinignan ko naman si Kegun, tahimik lang ito. Binigay ko sa kanya si Liam. "Excuse me po, CR lang ako" paalam ko sa kanila. Hinanap ko ang CR nila. Medyo malaki ang bahay. Wala pa silang katulong. Nahanap ko din naman ang CR nila. 'Bakit parang ang dali ng lahat para sa kanila. Oo, nahuhulog na ang loob ko kay kegun pero parang ang bilis ng lahat. Parang kahapon lang galit ako sa kanila, tapos ngayon kasal na ang gusto nila. Gusto ko din namang mabuo ang pamilya namin para kay Liam. Ayokong maranasan nya na may kulang sa kanya.' sabi ko sa isip ko. Ang daming pumapasok sa isip ko na sobrang hirap ipaliwanag. Ang daming pero, pero si Liam lang ang laging sagot. Bumalik ako sala Pagkatapos kong magCR. "Dad, I don't want to get married that easily" rinig kong sabi ni Kegun sa Ama nya. Nalungkot ako. Ayaw nya ba akong pakasalan? "Gusto kong dahan dahanin lang mga pangyayari sa kanya Dad." "Son, sa kasal pa din naman ang ending nyo" rinig kong sagot ni Ama nya. "I know Dad. I also want to marry her, but not so fast" rinig kong sabi ni Kegun. 'So, gusto nya din palang pakasalan ako? Kala ko naman hindi" "Kaya nga tinanong ko na sya for you, Hindi mo pa ba naoopen sa kanya ang bagay na yan?" rinig kong sabi ng Ama ni kegun. Kaya pala gusto nilang tawagin ko silang Mom and Dad. "No, not yet. Natotorpe ako" "Ang anak ko torpe? Oh come on" pang asar ng Mommy ni Kegun. "Mom!!" Kegun whine. "Nagkagirlfriend naman ako dati but After I became a boss, hindi ko na nagawa" "So kaya ka torpe? Wala sa dugo ng Caciano ang pagiging torpe Son! You already marked her. So better if you get married na" "I'll try" yan ang huling sabi ni Kegun. Lumapit ako sa kanila at nagkunwaring walang narinig. "Dito na kayo magpalipas ng gabi ng makasama naman namin si Liam" saad ni Mom. "Sige po, Ako na lang po magluluto" "You can cook?" takang tanong ng Nanay nya. "Yes po" sagot ko. Nagmovie marathon kami ng pambata dahil andito si Liam, bawal ang horror. Nakatulog naman si Liam. Inakyat sya ni Kegun sa isang kwarto sa taas. Naiwan kami ng Ina ni Kegun dito sa sala. Umalis ang Dad nya oumunta sa may garden nila. "Ang laki po ng bahay nyo Mom?" sabi ko habang nakaupo kami ni Mommu. "Ito ang gusto ng Anak ko" "Saka po masyado pong tago ang lugar na ito." "For the safety anak. Sakop pa din naman ng Golden to. Matanda na kami kaya mas iniingatan kami ng anak namin" "Masyado nga pong Over protective yun" "Bakit nga pala puro butas ang kotse nyo?" Tanong ni Mommy. "Pinagbababaril po kami pauwi ni Kegun, Hinatid po namin ang kapatid ko sa tutuluyan nya po" "Buti hindi kayo tinamaan!" "Hindi naman po, medyo bobo po... ay sorry hahaha" sabi ko. "Its fine. So you already know?" tanong ni Mom. I know what she means, Tumango ako bilang sagot. "Are you scared?" She asked again. "Hindi naman po, pinaintindi po sakin ni Kegun kung anong organization po sila" "That's good. We're also the same but... I fell in love with your Dad not accidentally. Let's call it Destiny" kinikilig na kwento ni Mommy. "Magluluto pa po ako Mom" Biglang sabi ko. "Tulungan na kita" tumayo kami, hinawakan namn ako sa braso ni Mommy. Nakarating kami sa kusina at hinanda ang mga recipe na mga lulutuin namin. Siguro si Kegun natulog na. Ang tagal bumaba. "alam mo bang gusto ko talaga ng Anak na babae?" tanong ni Mom. "Bakit hindi nyo po sinundan si Kegun?" tanong ko pabalik. "Actually may kapatid sya. but... nawala sya samin" "Hindi nyo po hinanap?" "Hinanap namin, pero natagpuan namin syang p*tay at sunog ang katawan" "Sorry po" "It's fine. Pangarap ko ang magkaanak na babae hahaha. Tapos sabay kaming magluluto. Maagshoshopping. Tapos iniimagine ko din dati na tatalian ko sya sa buhok. Kaso malakas ang dugo nila sa lalaki, hindi na din namin tinry ng Dad nyo na magkababy. Masyadong naging masakit sakin ang pagkawala ng baby ko" "Edi tayo na lang po magshopping, nagluluto na po tayo. May natupad ka na po sa wish nyo" "Oo nga no. Sige magshopping tayo, minsan" masayang sabi ni Mom. "If ever po na magkaanak kami ni Kegun ng babae. Sa inyo ko po ipapatali ang buhok Mom" nakangiting sabi ko habang hinihiwa ang gulay. "So may balak ka Anak?" tanong nya. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin kay Mommy. "Ahh.. ehh.. ano po hahahha" Nakangiting sagot ko na nauutal. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Mommy. "It's okay anak. Sabihin mo sakin. Don't worry it's secret between us, kahit anak ko si Kegun" Nakangiting sabi ni Mom. Nag-aabang sya sa isasagot ko. "Be honest with me Jesse, I'm will be your mother this time" "Mom... Nahuhulog na po kasi ako talaga ako kay kegun" Napatili si Mommy "Mom, secret lang po hahaha" "Don't worry nak, maasahan mo ko" napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy. Gustong gusto nya talaga ang babaeng anak. Nagkwentuhan at nagtanong sakin si Mommy ng mga bagay na parang Nanay ko talaga sya. Naluto na namin ni Mommy ang pang hapunan. "Mom tawagin ko lang mag-ama ko" "Sige, ako naman sa Dad nyo" Umakyat ako sa taas, hinanap ko kung saang kwarto natulog ang dalawang lalaki ng buhay ko. Pagbukas ko sa unang kwarto nakita ko silang natutulog. Lumapit ako sa kanila, ang sarap nilang pagmasdan. Magkamukhang-magkamukha sila. Sabi ng iba pinagbiyak na bunga daw ang mag-ama ko. Parang hinihila ni Kegun and mukha ko, palalapit ako sa mukha nya. Hinalikan ko sya sa labi, aalisin ko na sana ng bigla syang tumugon at hinawakan ang likod ng ulo ko. We kissed for almost a minute and we stopped. "it looks like you have a bad plan for me Jesse huh!!" nakangising sabi nya. "Tse. Kakain na tayo" Umupo sya at tumingin sakin. "Come here" tawag nya sakin. Lumapit ako at umupo sa tapat nya. Tulog pa din si Liam. Niyakap nya ako at hinalikan sa noo. ilong pisnge at huli ang labi ng smack lang at niyakap akong muli. "Mama?" gising na si Liam, tumingin sya samin "Ako din" sabi nya. Tumayo sya at pumagitna sa yakap namin ni Kegun. Nainis naman si Kegun, natawa ako sa reaksyon ng mukha nya. Niyakap kami ni Liam parehas. Kiniss ko si Liam sa pisnge at ganun din si Kegun sa kanya. Maya maya bumaba na kami para kumain. Naabutan namin sila Mom and Dad na nakaupo sa lamesa. Umupo kami sa Kaliwa ni Dad dahil nasa gitna sya, magkatabi kaming tatlo at si Mom naman sa kanan ni Dad. Hinahayaan ko na si Liam kumain mag-isa kahit alam kong magkakalat sya. Huhugasan ko naman sya mamaya. May mga damit din kami dito nila Kegun, mukhang pinaghandaan nya ang pagbisita namin sa bahay nila Mom. Nagkukuwentuhan at nagtatawanan habang kumakain. Hindi ko maiwasan mapangiti sa nakikita ko. Ang saya namin at ang sarap tignan na may pamilya akong kasama ngayon. Natapos ang aming pagkain. Kami ni Mom ang nagligpit, ang tatlong lalaki nasa sala at nanunuod. Umakyat na kami nila kegunsa kwarto after kong maglinis sa baba. Hinugasan ko muna ng katawan si Liam para maaliwalas ang kanyang pagtulog. "Anak, kay Daddy ka na magpabihis ha?" "Yes Mama" sabi nya at lumabas ng banyo. Nagsimula na akong maghugas ng katawan. Lumabas akong nakatapis. Si kegun naman ay nakahiga at nakapatong ang ulo sa headboard ng kama. Titig na titig sya sakin. "Hep... Andyan si Liam" sabi ko sa kanya ng biglang tatayo sya. "Ano bayan" maktol nya. "Umayos ka nga, sipain kita dyan, kasama natin si Liam" sabi ko. Nagbihis na ako ng pantulog. Si kegun naman ang naghugas ng katawan. Tumabi ako kay Liam na naglalaro ng kamay nya. May habit kasi syang subuin ang hinalalaki ng daliri nya. Hindi ko nga alam kung anong lasa non. Hinayaan ko sya nung baby pa sya at ngayon dala dala nya pa din ito. Niyakap ko si Liam. Hinalikan naman ako eto sa pisnge at noo. Hilig ng mga lalaki na kahit ang anak ko. Lumabas si Kegun na nakatapis, nakita ko ang maskuladong katawan nya. Nakita ko din na may mga tattoo sya sa dibdib na puso ata, ngayon ko lang nakita yun. Dumiretso syang nagbihis at tumabi sa kabila ni Liam. Nasa gitna namin si Liam. Tulog na ito at dinedede pa din ang hinlalaki nya. Tinignan ko si Kegun, nakatingin ito sa kawalan. Niyakap ko si Liam hanggang maabot ko ang katawan ni kegun para mayakap ko din sya. "May binabalak ka talaga Jesse?" Nakangising tanong nya. "Yakap lang? meron na agad?" inis na tanong ko. Bumangon sya at binuhat si Liam, inilipat nya ito sa kabilang gilid at nilapit ako sa kanya. "Napaka mo, anak mo yan oh" inis na sabi ko. "Gusto kitang katabi" "Ayaw mong katabi ang anak mo?" tanong ko. "Hindi ah. mas gusto ko lang ikaw." Tumalikod ako sa kanya at hinarap si Liam. Inilapit ko sakin ang anak ko at niyakap. Niyakap din ako ni Kegun sa likod. At natulog kami. ----- Author's note. Guys what do you think of my book cover? mas bet ko yan hahaha. Comment and follow my profile ravers. Godbless. miss_ravs
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD