BABY EIGHT

2395 Words
JESSE POV Nasa sala ko at inaatay ang pagdating ni kegun. Gusto kong maalam kung ano ang desisyon nya for leigh. Nasa sala ako naupo. Narinig ko ang pagbusina nya. Inantay ko muna syang pumasok. May mga guard sa labas kaya sila ang nagbukas ng gate. "Jesse" napalingon ako sa kanya. Palapit na sya sakin. "Where's Liam?" Tanong nya saka ako hinalikan sa labi. "Nasa labas pa sila ni Leigh, why?" tanong ko, Tumayo ako at lumapit sa kanya "Nothing" sagot nya. Inalis ko ang coat nya. Sabay kaming umakyat sa kwarto nya. "Kegun" tawag ko habang nagbibihis sya. "hmm?" "About Leigh, Anong desisyon mo?" kinakabahang tanong ko. "It's fine with me, makakalabas sya but.." "But what?" "May magbabantay sa kanyang isang babae at isang lalaki" "Sino yun?" "My trusted Men, They're Mafia's also they know how to fight, they'll protect leigh outside this." sagot nya. Tapos na syang mag bihis. Lumapit sya sakin at hinawi ang buhok ko "I ask for a girl para hindi mailang si Leigh at yung boy ay asawa nung girl. Sila Vina at Ethan yun, mga 30 yrs old na sila" paliwanag nya. Tumingin sya sakin "Ah, okay" sagot ko. Ginawaran nya ako ng isang matamis na halik at sinalubong ko ito. Tumigil sya, humiwalay naman ako. "They're good at fighting I'm sure they will protect Leigh no matter what" "Thank you Kee" aniya ko. Hinalikan ko sya sa labi, he responded in my kiss. Alam ko na nakakaranas pa ako ng Trauma sa nangyari sakin noon. Gusto kong handa ako sa araw na ibigay ko sa kanya ang akin na walang pag aalinlangan at takot na nararamdaman. We kissed for a minute. Tumigil ako at habol hiningang tumingin sa kanya. "Sorry kung di ko pa mabibigay ang sarili ko kee" "It's okay, Hindi kita pipilitin. I already told you. Mag aantay ako" sabi niya at hinalikan muli ako, pero smack lang. Bumaba na kami. Dumiretso ako sa kusina at nagluto ng hapunan namin. Tinulungan din ako ni kee. "Daddy!" Tawag ni Liam. Hinalikan ang kanyang Daddy sa pisnge. Lumapit sakin at hinalikan naman ako sa lips ni Liam. Ang dalawang lalaki sa buhay ko hilig ang labi ko. "Si Daddy kang dyan Liam" Saway ni kee kay Liam ng makita ang ginawa sakin ng anak nya. "Umayos ka nga hahahha Bata pa yan, paglaki nyan di na yan makakahalik sakin" "Sabagay" aniya ni kegun. Kinurot ko nga sa tagiliran. Masyadong pilyo ang lalaking to. Bumalik si Liam sa sala. Nakita kong naghahain na si Leigh. Sabay sabay kaming kumain. Nagligpit at naglinis muna kami bago umakyat sa kwarto. Pumunta muna ako sa kwarto nila Liam at Leigh. Nakita ko naman si Leigh na pinapatulog si Liam. Tumabi ako sa kanila at Ako na ang nagpatulog kay Liam. "Ate" tawag ni Leigh "hhmmm?" sagot ko. "Ang bilis mo namang patawarin si Kuya!" "I can forgive but I can't forget. Malaking trauma sakin pero mas pinili kong magpatawad. Alam mo naman lahat ng pinagdaanan ko, hindi ganun kadali at basta basta" "Alam ko ate, yun nga ang pinaka pinagtataka ko" "Natakot kasi ako leigh. May trauma si Liam ayako ng dagdagan na makikita kami ng kuya mo na nagkakasakitan or nagkakasagutan kami. Bata pa ang anak namin baka dalhin nya hanggang pagtanda" huminga ako ng malalim. "Sobrang hirap magpatawad leigh. Naglalaban ang puso at isip ko. Ang isip ko na ayaw magpatawad at ang puso ko naman na gusto ng makalimot at mawala lahat ng galit sa puso ko. Mas mabigat sa pakiramdam kapag may dinadala ka. Mas nanaig si Liam sakin. Kayang kaya kong ibaba ang sarili ko para sa anak ko" dagdag ko. "Ganon siguro ang mga nanay ano ate? Hindi nila hahayaang masaktan ang mga anak nila" "Sa pagdidisiplina Leigh maaaring masaktan ang mga anak nila pero dahil sa mahal lang nila ito" "Ang lalim naman ng sinasabi mo ate. Anong sabi pala ni Kuya?" "Pumayag. Ikaw lang mag-isa" "Hindi naman kayo papayagang ilabas dito ate hahaha" birong sabi ni leigh "Kaya nga. May makakasama ka, bodyguard isang babae at lalaki" sabi ko. "Bakit naman ate?" "Kasi hindi mo ako kasama" "Kaya ko namang mag-isa" "Kahit na, Ako ang nagsuggest sa kuya mo na pasamahan ka" "Ate naman, hindi ko sila kilala" "Matatanda na yun, Saka mag asawa. May tiwala ako sa taong pinasama ni Kuya mo, Sige na matulog ka na" "Hatid mo ko bukas" "Matulog ka na" Inantay ko munang matulog si Leigh bago ako lumabs at bumalik sa kwarto namin ni Kegun. Pagpasok ko. Tulog na si Kegun. Dahan dahan akong lumakad at humiga sa tabi nya. Humarap ako sa kanya at niyakap ko sya. Ang gaan sa feeling ng bisig ni Kegun. 'Siguro nadala lang talaga ako ng galit at kung ano ano ang sinsabi ko sa kanya. Naunahan ako ng takot na baka kuhanin nya sakin si Liam. Pero nagkamalu ako. Kasama pala ako. Kaya alam kong tama ang desisyun na ginawa ko, Hindi ko na uli hahayaang pangunahan ako ng takot. Lalo na naging totoo sakin si Kegun, alam kong may tiwala sya sakin. At ganun din ako sa kanya.' sabi ko saking isip. Nakatingin ako sa kanya at hinahaplos ang kanyang mukha. 'Mahal ko na ba ang Mafia boss na to?' tanong ko sa sarili ko. "Aren't you sleepy?" tanong nya at dumilat. "Gusto ko lang titigan ka. Matagal ko na palang natitigan ang mukha mo. Sa tuwing tinititigan ko si Liam" "Kaya pala" "Wala man lang nakuha sakin features ang anak natin. Miski ang pagiging lalaki sayo na din" malungkot na sabi ko at hinawakan ang mukha nya. Inilapit nya ako sa kanyang katawan. Ang init ng balat nya. Nararamdaman ko ding may tumutusok sa puson ko. "You feel that? nagsusumigaw na yan but f**k I'm willing to wait Jesse" "Sorry" paghinge ko ng paumanhin. Ramdam ko na matigas ang kanya. "No, I'm the one at fault Jesse, Kung hindi kita pinilit ng araw na yun. Wala ka sanang takot nararamdaman ngayon" "Edi walang Liam satin?" "So hindi ka nagsisisi?" "Isang anghel ang pinagkaloob ni Lord. Anong pagsisisihan ko? Nadala lang ako ng galit at takot. Akala ko kasi kukunin mo sakin si Liam" "Why would I do that? If I can have both of you" may inis sa boses nya. "Yun na nga. Kung ano tuloy masasakit na salita ang nasabi ko sayo, Sorry" "I deserve what you said, It's fine" sabi nya at hinihimas ang ulo ko. "Pero hindi pa din ako makapaniwala na minomonitor ako ng Daddy mo, Ilang taon yun. Hindi ko man lang nahalata" "Dad is really careful. and if ever na may nakita or nakaalam na ginagawa nya. Mas mapapaaga ang pagiging delikado ng buhay nyo ni Liam" "Bakit kasi ang daming galit sa inyo?" inis na tanong ko. "That Vermin is just threatening me but they didn't even try. Laging nakasunod sakin na parang aso. Sinusubaybayan ang kilos ko. Inaalam ang kahinaan ko, kaya ng malaman ang tungkol sa inyo. Ginamit agad sakin si Liam. Mahina naman ang mga Yun" mahabang litanya nya. Nakikinig lang ako sa kanya. Huminga ito ng malalim at tinignan ako sa mata. "Manzano family is the greatest enemy ng Caciano. Isa sila sa pinakamalakas na mafia organization. Hindi sila ilegal. Legal ang kanilang organization katulad ng amin, at para lalong mapalakas pa sila gusto nilang sakupin ang Caciano family" dugtong nya. "Bakit hindi nyo na lang pag usapan?" suhestyon ko. "I never heard of any that a family talk, never pa kaya sobrang imposible. Malaki ang galit ng leader ng mga Manzano kay Daddy" "Ganun? Pumapatay ka ba or may pinatay ka na?" tanong ko sa kanya. "I killed if they deserved to be killed but most of the time dinadaplisan ko lang sila ng bala. Kaya makakagalaw pa sila, Kulang nga lang or sometimes pinapadala ko sa Dark island" "Dark island?" "It's an island that has no tree but full of wild animals, iilan pa lang ang pinadala ko dun. Like that f*****g guy" "Sino?" "Yung tumutok ng baril kay Liam. I can't forget him" "tarantado yun" sabi ko. Nagulat ako ng halikan nya ako, smack lang "Para san yun?" Tanong ko. "Don't ever say badwords or else I'll kiss. I don't want to hear it from your mouth unless you want me to kiss you?" "Sira! Ang daya mo, tapos ikaw nagmumura?" "Okay then, I'll try not too" Hindi na muli akong nagtanong dahil dinadalaw na ako ng antok. "Goodnight Jesse" sabi nya at niyakap ako "lkffshjhjv" hindi ko narinig ang huli nyang sinabi dahil nakatulog ako. kinabukasan. Tinulungan ko si Leigh na ayusin ang mga gamit nya. Ngayon kasi ang alis nya. "Ate bisitahin mo ako dun" aniya "Oo naman, papasama ako lagi sa kuya mo para naman payagan ako" "Hindi ko naman makikita si Liam?" "Hindi ata, Hindi ko pa nga nasasabi na sasama ako para naman alam ko kung anong klaseng bahay ang titirhan mo" "Bakit hindi ka pa nagpaalam?" "Mamaya na, para umoo na sya, tapos walang magawa hahahah" "Ikaw talaga ate" "Ayusin mo lahat ng gamit mo. Kumpleto na ang laman ng bahay don" "Paano allowance ko? Wala akong trabaho?" "Allowamce talaga inisip mo?" inis na tanong ko "Kailangan kaya yun hahahah" "Si kegun na din ata bahala. Wala din akong trabaho remember?" sagot ko sa kanya "Baka may laman pa savings natin. Yun na lang muna tipidin mo" "Sige ate" Natapos kami sa pagliligpit ng gamit nya at Bumaba. Nasa baba na ang makakasama ni Leigh sa bahay. Hindi din muna pumasok si Kegun. Lumapit ako sa kanya. "Sama ako maghatid?" Lambing ko sa kanya. "Don't worry, kasama ka" sagot nyang nakangiti. Pinabantayan muna namin si Liam kay Gladys. Nasa isang sasakyan kaming dalawa ni Kegun. Sa kabilang sasakyan naman si Leigh, Ate Vina at kuya Ethan. Kasunod ng kotse namin sila Blaze. Nakatingin ako sa labas habang nagmamaneho si Kegun. 'Ngayon na lang uli ako nakalabas. Namiss ko na sila Nanay Yoli.' sabi ko sa isip. Nakarating kami sa bahay na binili ni Kegun. Hindi kalakihan hindi din kaliitan. Bumaba ako ng kotse at pumunta kay Leigh. Pumasok kami sa loob ng bahay. "Sabi sayo leigh, kumpleto na ang gamit dito" "kaya nga ate, ang yaman talaga ng asawa mo" pang asar na sabi niya. "Asawa ka dyan" "Naku ate, Asawa ka na tignan ni Kuya" "Ewan ko sayo. Libutin na lang natin tong bahay mo" Nilibot namin ang taas. Tatlo ang kwarto sa taas. Sa baba naman may maliit ng swimming pool at garden din. May Gazebo din sa gilid ng pool. Hindi na kami nagtagal sa bahay at aalis na uli kami. "Ate, mamimiss kita" iyak na sabi ni Leigh. Niyakap ko naman sya. "Wag ka ngang umiyak. Ang panget mo. Sabi ko naman bibisita ako sayo dito" sabi ko. Niyakap naman nya ako ng mahigpit. "Sige na, nag iintay na sakin sila kegun" tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin. Bumaling ako kanila ate Vina. "Ate Vina, kuya Ethan. Kayo na bahala sa kapatid ko. Bantayan nyong maigi yan baka biglang mawala sa paningin nyo o kaya takasan kayo" biro ko "Ate naman" inis na sabi nya at pinunasan ang luha nya. "Makakaasa ka Jesse" "Salamat" aniya ko. Tinignan ko naman si Leigh at hinalikan sa noo. "Mag iingat ka dito" dagdag ko at sumakay na ng kotse. Pinaandar na ni Kegun ang kotse at umalis na kami. Hinawakan ni Kegun ang kamay ko. "She'll be alright" sabi niya. tumango naman ako. Iniisip ko ang magiging kalagayan ni Leigh. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanya. Nakatingin pa din ako sa labas. Ang tagal kong nakasama si Leigh. Sobrang lapit namin sa isa't isa kahit hindi ko sya kapatid sa dugo, tinuring ko syang kapatid at nag-iisa ko na lang syang kapamilya. Bumalik ang aking katinuan ng may nagpaputok ng baril mula sa likod namin. "f**k nasundan tayo, get down jesse" yumuko ako. Hindi ko malaman ang gagawin ko ng makarinig ako mismo ng putok ng baril. Umiiyak si Kegun sa bawat pagtama ng baril sa kotseng sinasakyan namin. "Where did blaze go?" tanong nya. "Anong nangyayare kegun?" "They followed us, I'll contact Vina wait" sabi niya. kahit nagdadrive nakuha nya pa ding kontakin sila ate Vina. "boss?" sabi ng kabilang linya. "Napapalaban ba kayo boss?" "No, I think Vermin followed us, Ayos lang ba kayo dyan?" tanong nya sa kabilang linya. "Ayos nman, Kailangn nyo ba ng tulong boss?" "No, we're fine. Bantayan nyong maigi si Leigh" "Sige boss mag-iingat kayo" sabi ng kabila at pinatay naman nya ang tawag. Tuloy tuloy pa din ang pagbabaril sa kotseng sakay namin. Mat dinial uling number si Kegun. "Where the hell are you?" inis na tanong kegun "NaCR si Conrad boss, di kayang pigilan. Napapalaban ba kayo boss?" sagot ni Zach "f**k you left us, I think Vermin followed" "Sige boss punta na kami" sabi niya. Pinatay na din ni Kegun ang Tawag. May kinuha sya sa maliit na lagayan dito sa kotse nya. Isang baril. Nakayuko pa din ako. Hindi ko malaman ang gagawin ko. "f**k" mura ni Kegun "Cover your ears Jesse" sinunod kong muli sya. "Kegun, Natatakot ako" sabi ko. Nanginginig na ang katawan ko. Sobrang namamawis na din ako. Pageang gewang ang pagdadrive ni kegun. Binuksan nya ang bintana at nagpaputok sa labas. "f**k ang tagal nila Blaze" murang sabi niya. Tinakpan ko ang tenga ko at pumikit habang nakayuko. Naririnig ko ang putukan sa labas, parang may kapalitan na ng putok ng baril ang kanina pa namamaril sa samin. "Boss ayos lang kayo?" tanong mula sa labas. Boses ni Conrad. "T*****a ang tagal nyong mga h***p kayo" Balik na sagot ni Kegun. Nawala na ang putukan, pero hindi ko pa din dinidilat ang mata ko. Tumigil ang sasakyang maneho ni Kegun. "Jesse, jesse" tawag sakin ni kegun at hinawakan ako sa braso "Are you okay? natamaan ka ba?" tanong nya. para akong bingi. Tinanggal nya ang kamay sa tenga ko, hindi ko sya masagot. nakatulala lang ako. "hey Jesse" alog nya sakin. Naramdaman ko na tumutulo ang luha ko. "Hey! It's Fine" sabi nya at niyakap naman ako. "Boss ayos lang kayo?" may nagtanong. Hindi ko nilingon ito. nakatingin pa din ako kay kegun. "Jesse, answer me" inis na sabi ni kegun. Patuloy pa din ang pagtulo ng luha sa mata ko. Tumungo ang ulo ko bilang sagot. "A..a..ayos la..lang" ---- author's note. sorry guys it's not my thing talaga to wrote action. but I'll try my best. Comment, like and follow in my profile. ravers miss_ravs
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD