Chapter 83: Pagpukaw ng Damdamin PANAY ang tingin ni Maureen sa pinto ng salon upang abangan si Thouyer. Hanggang ngayon ay wala pa ang lalaki. Sa kanyang palagay ay trenta minuto na ang nakalilipas ngunit wala pa ito. Hindi naman siguro siya iiwan ng lalaki at babalika naman siguro siya rito sa salon. Sa kanyang kahihintay kay Thouyer ay nag-umpisa na ang babae sa pagplantsa ng kanyang buhok. Medyo kinabahan si Maureen dahil hindi siya sanay ngunit may tiwala naman siya sa mga tao sa salon. Lalo na kay Thouyer na ito mismo ang nagdala sa kanya rito. “Ma’am, kapag naging matuwid na ang buhok ninyo ay gawin nating wavy ang buhok ninyo at gugupitan natin ng kaunti para bumagay talaga sainyo,” nakangiting wika ng babae. “Sige po... wala pong problema sa akin ang gagawin ninyo basta huwag

