Chapter 82: Sa Siyudad NAUNANG sumakay si Thouyer sa kotse nito habang si Maureen naman ay siya na mismo ang nagkusang magsara sa pinto ng mansyon. Nang masigurong naka-lock na ay kanyang binuksan ang gate at sa labas na naghintay. Nakabas na ang kotse at dahan-dahan niyang isinara ang gate. Medyo nagtaka pa siya kung bakit bumaba si Thouyer. Nagmamadali iyong nagtungo sa kabilang pinto ng kotse binuksan iyon. Nakaramdam ng kakaibang kilig si Maureen dahil ang bait ngayon ng among lalaki. Dalangin niya lang na sana ay magtuloy-tuloy na ang kabaitang ipinapakita ni Thouyer sa kanya. “Dito ka nalang sa harapan sumakay,” anito nito at nilakihan ang awang ng pinto. “Maraming salamat Sir.” “Thouyer nalang.” “Po?” napaawang ang kanyang labi. “I want you to call me by my name. Huwag mo

